THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE

4 0 0
                                        

     Habang papasok na si kate ng trabaho, habang naglalakad siya sa may pathway ay may nakabungguan siyang lalaki, kaya nagtalsikan ang mga dala niyang gamit, ngunit sa halip na mag sorry ito ay nagpatuloy  lang ito sa paglakad, kaya hindi niya natiis ang inasal nito kaya sinigawan niya ito. Hoy lalaki, parang wala kang nakita ahh.. kapal ng mukha mo para kang kung sino, akala mo naman siya may ari nito, ngunit sa halip na lingunin siya nito para sitahin ang kanyang mga sinabi ay nagpatuloy lang ito at hindi man lang siya pinansin.
         Nang makarating na siya sa loob ng kompanya ay may nagtanong agad sa kanya na  isang babae, Miss, ikaw ba ang bagong sekretarya ng boss namin, Oo agad naman niyang sagot, Mabait ba ang boss nyo, ahh.. Miss pasensya na kasi hindi pa rin namin siya kilala, Ahh.. ganun ba, Ahh.. Miss ano nga pala pangalan mo.. ako nga pala si kate Samaniego, sagot naman ni kate, ako nga pala si Kylie Sarmiento, nice to meet you kate. Ah kylie where is my office, your office is there near in our boss office.
        Agad naman pumunta si kate sa kanyang office at nagpahinga saglit, pero agad namang may kumatok sa kanyang office, pasok, agad naman niyang sabi, Ah maam may meeting po tayo ngayon, ngayon na ba talaga?, yes maam.. O sige pasabay na lang hindi ko pa kasi alam ang pasikot- sikot dito sa kompanya e... at agad naman silang lumabas na magkasabay..
           Nang papunta na sila sa meeting ay hindi sinasadya na may nakabungguan siyang lalaki, kaya napaupo siya sa sahig dahil sa pagkabangga nito sa kanya, Oh miss sorry hindi ko sinasadya at agad iniabot ng lalaki ang kanyang kamay para itayo ito, bigla na lang natulala ang lalaki ng makita ang kanyang magandang mukha, sir, ako ang nabunggo hindi ikaw pero bakit ikaw ang natulala diyan, nakailang ulit na si kate sa pagtawag ng sir sa kanya pero para itong walang naririnig, kaya hinampas niya ito sa balikat, sir anu ba iniisip mo, bakit natulala ka yata, ah wala lang, O sige una na kami, At biglang nag init ang ulo niya ng makita ang lalaking kinaiinisan niya na nasa harapan niya, at para bang ang sama nitong tumingin sa kanya na para bang gusto siya nitong burahin sa mundo... at agad naman niya itong iniwasan ng tingin... at inisip na lang niya na siguro nag aapply lang ito bilang janitor ng kompanya at nagpatuloy lang sila papuntang meeting.. at pagdating nila sa conference room ay agad naman silang nakakita ng bakanteng silya, agad naman siyang hinila ng kasama niya sa may upuan, at hindi niya inaasahan na paglingon niya sa kanyang tagiliran ay ang katabi niya pala ay yung lalaking tulala kanina, Agad naman siya nitong kinalbit , Miss, sorry nga pala kanina hindi ko sinasadya, hindi okey lang, Ah by the way I'm Rafael Romualdez and you, I'm Kate Samaniego, friends sabay alok ng kamay niya kay kate, friends agad din namang sabi ni kate sabay shakehands ng dalawa, Uy! sabay naman singit ng kasama niya.. anu ka ba parang shakehands lang may meaning na agad.. tsaka anu ka ba parang yun lang, sabi ni Rafael, alam ko na yang mga galawan na yan ang tagal na kaya nating magkasama nuh, wag ka diyang maniwala kate may meaning lang lahat talaga sa kanya...
        Bigla lang silang natahimik ng may nagsalita na sa mic, Nandito tayo ngayon para ipakilala ang ating bagong na boss na si Mr. Gabriel Lee the new owner of the company at iniabot kay Gabriel ang mic, Good morning to all of you I'm Gabriel Lee ako muna sa ngayon ang magmamanage ng kompanya ni daddy kasi kailangan pa niyang magpagaling sa America at inaasahan ko ang inyong kooperasyon para lalo pa nating mapaunlad ang ating kompanya at yun lang maraming salamat sa pagpunta. Nanlaki ang mga mata ni kate ng makita kung sino ang nagsalita at nagpakilala bilang bagong boss, na ang taong inisip niya na magaapply ng janitor ay ang tao pa lang kikilalanin niyang amo.
          Kadadating lang ni kate sa opisina ng biglang may kumatok sa office niya yun pala ay walang iba kundi si kylie, Kate pinapatawag ka nga pala ni Sir, sa office niya. Nabigla naman siya, dahil sa kahapong mga nangyari at bigla niyang naisip na baka papatalsikin na siya sa kompanya. Anu ba kate over acting ka naman masyado kung anu anu iniisip mo, Nakasandal siya may pinto ng office ng boss nila habang nag iisip kung paano kakausapin ang boss nila, ngunit bigla itong binuksan ng boss nila, Anu bang ginagawa mo diyan? sa halip itayo siya sa pagkahiga niya sa sahig ay yun pa ang una niyang naging reaksyon, sama talaga ng ugali mo kahit kailan sa isip ni kate, Sige pasok at may pag uusapan tayo tungkol sa kahapon, agad naman siyang kinabahan sa sinabi nito! kahapon hala! parang ayaw ko ng pumasok, Sir, good morning po anu po ba yung pag uusapan natin, nakalimutan na mo na ba agad hindi ang tapang tapang mo kahapon para ka ngang pusa na gusto akong kalmutin tapos nakalimutan mo na agad, hindi ba ikaw yung nakabungguan ko kahapon tanong  bigla ni Gabriel. Ahh... O-o-opo, ang tapang mo kaya kahapon, anu nga bang mga sinasabi mo sa akin kahapon na para bang ako ang may ari nito, ngayon nasagot na ang tanong mong iyan, sorry sir nabigla lang po kasi ako! sorry sir hindi ko po kasi sinasadya na masabi yun, pero sa isip niya dapat nga ikaw ang nagsosorry sa akin! yabang mo talaga para naman kung sinong gwapo... Hoy! bakit nakatulala ka diyan?, Ah wala po sir, anu nga palang oras yung mga appointment ko sabay naman tanong ni Gabriel, yung una niyo pong meeting is 8:00 in the morning with Ms. Madrigal then 1:00 in the afternoon with Mr. Diaz, Okey pwede ka ng umalis, sige sir. Paglabas niya ng office ay agad naman niyang nakita si Rafael na palapit sa kanya, Kate sabay tayong kumain pamayang lunch break ahh... O sige sagot naman ni kate, sunduin na lang kita pamaya, Okey!.
         Kumatok na si Rafael sa pintuan ng office ni kate, kate let's go, O sige wait lang, sabay silang pumunta sa canteen, nakita ni Gabriel ang dalawa na magkasabay, Kate pumunta ka sa office ko pamaya at mag usap tayo, bakit po sir ano po ba ang pag uusapan natin tungkol po ba saan yun , basta sumunod ka na lng sa mga sinasabi ko wag ka ng mag tanong pa, sige po sir.
  
     Papunta na si kate sa office ng kanilang boss, agad nman syang kumatok, tuloy sabi ni Gabriel,  Pag pasok ni kate ay nakita agad nya ang mukha ng kanilang boss sa may harapan niya na kulang na lang ay mag ka dikit ang kanilang mga mukha,nabigla si kate sa nang yari napatulala nalang sya sa pag kabigla,ano pang ginagawa mo diyan  agad nasabi ng kanilang boss,maupo kana nga dito sa may harapan ko gusto ko yung nakikita ka,agad namang sumunod ito  ng nakatungo at agad din naman itong umupo ng padabog, sir ano po ba kailangan niyo at pinatawag niyo ako, ayokong may nakikita ako ditong hindi maganda, bakit may nagawa po ba akong mali? ayokong nakikita kayo ni Rafael na magkasabay, anu po bang masama doon! wala, ayoko lang may nakikitang ganyan...
      
      (after 5 months )
     (marami ng nangyari kay kate sa
       loob ng limang buwan na pagta-
       trabaho niya sa kompanya nina
       Gabriel at nakilala na niya ang
        buong pagkatao nito, dahil sa 
        madalas na nagkakasama sa mga
        meeting ni Gabriel at sa madalas
        nilang pagkukuwentuhan tungkol
        sa mga buhay nila).

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVEStories to obsess over. Discover now