One

597 15 4
                                    

March 25, 2017: An Hour After

Naisipan kong 'wag nalang muna umuwi. Gabi na rin at pagod ako. Delikadong mag drive. Naghanap ako ng malapit na hotel at nag check-in for the night.

Mapaglaro ang tadhana. Sa bintana ng aking kwarto, nakikita ko ang mga ilaw sa Kawayan Cove. Naririnig din ng bahagya ang ingay mula dito. Kasama ang isang bote ng alak, tiningnan ko lang ang aking view at nilunod ang sarili sa lahat ng sakit ng pwede kong madama. Uubusin ko na sa oras na ito para pag gising ko kinaumagahan ay mawala na lahat. Sana...

Ilang oras pa at unti-unti nang natahimik ang aking tinitingnang kasalan. Pauwi na siguro lahat. Tangina, honeymoon na after. Leche talaga. Papayag kaya si Jov makipag-sex kay Marco? Maiisip kaya niya ako pag ginawa nila 'yun? Putik naman talaga 'tong utak ko. Lasing na talaga ako.

Hinubad ko na ang aking damit at lumubog na sa kama. Wala akong extra na damit... bahala na. Itinulog ko nalang ang lahat ng ito. Bukas... babangon at babangon din ako.

---

April 25, 2017: A Month After

"Rachel, are you sure you want to do this?"

"Yes, Dad. Ano ka ba? Ilang beses ko na sinabi na kaya ko 'to. Besides, I'm not your full-time employee naman, diba? I'll come as a consultant."

"Very well. Just checking and making sure na hindi ka napipilitan sa project na ito."

Nilapitan ko ang aking ama at niyakap ito. "Asus! I just successfully finished a project in Los Angeles. Bongga ng interior designer mo ha? Imported talaga!"

"Hay nako, may konting yabang din naman!" yumakap din ito ng mahigpit.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula ng aking pagbalik. Masaya ako at natupad din naman ni Daddy ang pangako niya sa akin so far. Malaya ako sa anong gusto kong gawin. Noong isang linggo lang ay naimbitahan ako sa isang fashion shoot. Sinamahan pa nga niya ako! 

Ngayon naman, gusto niya akong isama sa kaniyang bagong proyekto na nangangailangan ng isang interior designer. For the first time in a long time, I'll be working alongside my father. And this time, I get to do what I love.

"Hmmm... if I know, proud ka naman! At mas gusto ko 'tong mag interior design kesa dati kong posisyon sa kompanya. Kaya alam kong gagalingan ko ito."

"I know, anak. Tara na. Baka ma-late pa tayo sa meeting. Miko, samahan mo Ate mo magpa-check-up. Hon, we have to go na. Good luck on your bake-off today."

Tiningnan ko ang aking pamilya habang nakatayo sa may pintuan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang pamilya Daquis ay ibang-iba na sa kinagisnan ko. Mas masaya. Mas mapagmahal. Laking pasalamat ko na umuwi ako.

---

"That seals the deal, then, Melchor. And it's good to see your daughter again."

"Thank you, Oliver. And thank you for trusting us with your project."

"Anytime! Alam mo naman... we never had a good relationship with the Go's."

"Kami rin naman..." nasabi ko bigla. Tiningnan ako ng masama ni Papa. Oops!

"I would understand that, hija. After all, what happened was really unfortunate." sabi ni Mr. Sy. "But you're lucky, Melchor. This industry still believes in your capability. Lalo na ngayon that your daughter is joining you."

"She's only here as a consultant. I don't want to make the same mistake again, forcing her into something she doesn't love. Besides, her experience in New York and Los Angeles will prove to be an asset."

Five Years Later - Gonzaquis FanFic - CompletedWhere stories live. Discover now