Before lagi ako nabubully. Si Nathaniel pero dati lang yon papayag banaman ako na habang pag dalaga ko binubully niya ako.
5am palang pero binuksan ko na computer ko para maglaro ng mga computer games. School day din ngayon kaya maaga ako gumising.
"Sawakas 500 pesos, easy money " May kalakasan na banggit ko ng manalo ako sa game. Yung game kase na nilalaro ko pwede ka din kumita, kaya nakakaadik.
Napa hawak ako sa labi ko ng marealize may mga tulog pa pala napalakas boses ko.
"Good morning nak." Nagulat ako kasi nasa likod ko na pala si Mom. Nagising ko ata hehe. "Ano ba naman yan sabi ko sayo humingi kanalang sa Dad mo ng pera kesa nagpapakahirap ka gumising ng maaga para jan."
"No way, never akong hihingi at aasa sakanya." Masungit na sambit ko. Aasa pa ba ako sa lalakeng iniwan kami. "Alis na ako mom." Kinuha ko na ang bag ko at namamadaling bumeso kay mudra
Maaga din ako umalis kahit wala pa akong class, yung bumili ng account ko sa games i-memeet up ko.
Syempre i memeet-up ko baka pagbigay ko ng account hindi ko na siya ma-reach out. Naka unavailable na kaya mas maganda meet up duh hirap hirap kaya magpa rank up sa laro.
Malapit na ako makarating sa place na binigay niya ng mapatigil ako sa pag ring ng cellphone ko.
UNKNOWN NUMBER
Baka number nung customer, hindi ko siguro na save.
"Nasan kana? I'm super busy pakibilisan naman." Nanlaki yung mata ko grabe bungad na bungad pagsagot ko.
"Teka lang ho nag commute lang kase ako edi sana binigyan mo akong pang taxi diba kase jeep lang 'tong kaya ko punuan pa." Masungit na sambit ko dito, akala mong hindi siya papalagan huh.
"Fine. I'll give you 1k na nakakaawa ka." Hindi ko alam kung maiinis ba ako matutuwa.
"Hala thankyou pababa na naman ako sir, eto na nangangatog pa—" Hindi ko pa natatapos yung sinabi ko narinig ko ng naputol yung linya.
Bastos naman.
Andito na ako sa place nung lalake. Nagulat ako automatic nagbukas yung gate.
"Hala baka haunted house 'to huh, sana naman hindi kidnapper 'tong napagbentahan ko." Bulong ko sa sarili ko habang iniikot ko paningin ko sa malawak na mansion na 'to
May maid na bumungad sa harap ko.
"Sunod lang po kayo ma'am, inaantay na po kayo ni Sir." Grabe yung maid nila, totoo pala yung mga maid na ganto yung naka suot talaga ng uniform.
Sobrang yaman siguro ng nabentahan ko sana pala minahalan ko na.
Nakasunod lang ako sa maid hanggang sa marating namin yung sobrang laking bahay na nasa harap ko.
"Is this real?" Manghang manghang sambit ko sa sarili ko. Kanina puro mga fountain lang, naamaze na ako agad tapos ngayon ganto kalaking mansion.
"Totoo yan ma'am hindi po yan doll house lang." Napakamot ako sa ulo ko narinig pala ako nung Maid nakakahiya naman baka akalain nito sobrang hampas lupa ko.
Pinatuloy niya ako hanggang sa loob ng bahay. Grabe naman tamad nitong ka meet up ko, sana lumabas nalang siya.
Pinapasok niya ako sa isang room dito pero wala naman dito yung ka-meet up ko eh.
"Hello po may tao ba?" Ani ko. Tumataas na balahibo ko, baka mamaya may kung anong lumabas .
"Grabe tagal m– oh it's you Gwen." Nanlake yung mata ko ng makita ko si Nathaniel sa harap ko. Itong monster pala na 'to ka meet up ko.
YOU ARE READING
Married to my Enemy
RomanceDo you ever fall in love with your enemy-or the person you hate most in the world? It sounds strange, but that's exactly what happens in "Married to My Enemy." When a mix-up or unforeseen twist leads the main character to marry Nathaniel, someone th...
