CHAPTER 10

1K 33 5
                                    

POV: Ciara Bailey De Guzman

"Arghhh! Fuck!"

Hanggang sa labas, rinig ko pa rin ang pag-angil at malutong na mura ni Zayden. Bitbit ang sirang sapatos at black suit na pinahiram sa'kin ng Professor. Lakas-loob kong binagtas ang pasilyo kahit katawa-tawa sa mata ng lahat ang aking itsura. All of them laughed and talked about me, but I choose not to mind them for I cursed only person, and that was the stupid-jerk-mama's boy Zayden Estoque!

"Plano ko nga palang isampal sa mukha n'ya ang sapatos na 'to kapag ginulo n'ya ko. Dapat pala ginawa ko na kanina. Bakit ngayon ko lang naisip 'yun? Argh! Whatever, tama na 'yung pag-sipa ko sa KANYANG...

Saglit lumutang ang aking isipan nang bigla kong maalala kung saang bahagya ko nga s'ya tinamaan. Bilang ganti sa ginawa n'ya, binti n'ya sana ang sisipain ko, subalit iba 'yung tinamaan! At ayaw ko nang ilarawan pa kung ano 'yun!

"Mahabaging Ama, alam mong hindi ko sinadyang tamaan ang kanyang kampana..." I whispherd through myself, and swiftly made a cross-sign...

Aishh... Pinilig ko ang aking ulo habang pilit na tinatanggal sa isipan ang pangyayari. Binilisan ko na lang ang bawat paghakbang dahil kailangan kong makababa ng ground floor at doon magpapalit ng damit. I still have one another extra T-shirt sa'king locker. Nasa ground floor ang locker room at kalapit lamang ng swimming pool. Balak ko sanang gamitin ang hagdanan, subalit agad akong napaurong matapos marinig ang aking pangalan sa isang kumpolang estudyante habang pinag-uusapan. Dahil sa ginawa ng mokong na 'yun, until now, laman-loob pa rin ako ng usapan. Lumiko ako ng daan papunta ng elevator; tamang-tama at walang masyadong taong nakapaligid rito para pag-chismisan ako, subalit bago pa man ako makalapit sa nakapinid na pinto, bumukas ito sabay lumabas ang grupo nina Trishia. Mabuti na lang, nakapagtago ako sa isang sulok.

"Isa pang bwisit ang Bethany na 'yon!" rinig kong bulyaw sa pamilyar na boses ni Trishia. Did she mean, Beth of E-Comet? Pinagmasdan ko lang sila sa isang sulok habang inaalo naman s'ya ng kanyang mga kaibigan.

"Tama na, Trish. Just let go and move on."

"No! I can't. You know how much I love him!" she cried, sounding in tremendous heart-break.

I could feel how much she throb in pain. Kahit sino magagawag saktan sa harap-harapang pananakit sa kanya ng lalaking walang ibang alam kundi ang manloko at manakit ng isang babae.

"Stop crying for him. There's no such a point of loving him if he never feel the same way."

Biglang natahimik ang lahat, matapos magsalita ang isang lalaki. Pamilyar sa'kin ang kanyang boses, kaya naman tiningnan ko upang makasiguro. At mukhang tama nga ang hinala 'ko sa simula pa lang. It was Justin Lourde, kasama ang isa pang pamilyar na lalaki. Sa natatandaan ko, Zayden called him– Xyrus.

Mas lalong naiyak si Trishia sa sinabi nito, kaya naman lumapit ito para alohin ang luhaang babae, subalit sa kabilang banda naman, abala sa pagpapacute ang kasamahan n'yang si Xyrus sa mga kaibigan ni Trishia. Walang duda na magkaibigan nga sila ng babaerong 'yun. But Justin nailed it, there's no such a point of loving him if he don't feel the same way. Gusto ko nga si Professor, ang tanong gusto rin n'ya kaya ako? Ang kapal ko naman siguro para mahalin ang isang taong ikakasal na sa iba. Natawa na lang ako sa sarili. Napahigit ako ng isang malalim na paghinga, sabay napasandal ng likod sa pader. Ipinikit ko na rin ang mga mata. Ilang minuto pa ang nakalipas; tumahimik na ang paligid. Pati pag-iyak ni Trishia ay nawala rin; mukhang nakaalis na silang lahat.

AMNESIAWhere stories live. Discover now