"Taas ang kamay"
Mabilis kong sinunod ang sinabi niya dahil sa kaba. Gustuhin ko man sumigaw at humingi ng tulong ay hindi ko magawa.
Tinali nang isang hindi ko kilalang lalaki ang mga kamay ko sa likod. Hindi ko tuluyang makita ang kabuuan ng kanyang mukha dahil nasa madilim kaming lugar at dahil na rin sa suot nitong sumbrero at mask. Tanging mata lang niya ang nakalabas at halos hindi ko pa nakikita.
"Pasok sa sasakyan, sumakay ka" pigil hininga akong lumakad patungo sa sira-sira niyang sasakyan.
Mukhang hindi ako sa pananaksak mamatay.
"Dalian mo, parang kang pagong!" marahas niya akong tinulak sa passenger seat. Ang gara passenger princess ang person.
"Saglit nga! Akala mo kung sino ka makamando" masama niya akong tinignan.
"Kung hindi ka lang sana pakalat-kalat ng hati ng gabi wala ka rito, hija" napairap ako, maka hija mukhang magkasing edad lang naman kami, matangkad lang siya.
Hindi ito dahil sa pagnanasa, maganda kasi ang tindig pangangatawan niya. Yung muscle niya ang sarap yakapin pero kahit ganun hindi pa din ako magpapadala dahil kinidnap niya ako at may possiblidad na patayin nga niya ako.
"Sandali nga. You tied my hands already, now you're doing the same to my feet? Isn't this a bit too much?!" Hindi siya sumagot, hindi nga rin niya ako nilingon para tignan.
"Hindi mo ba ako na ririnig? o baka hindi mo gets? gusto mo ba i-translate ko sayo?"
"Naintindihan ko"
"Kung ganun bakit—"
"At kung hindi ka pa titigil, pati bibig mo itatali ko" he cut me off.
"Ang harsh mo naman. Bakit ba may mga taong ipinanganak na masama" bulong ko at mukhang dinig naman niya ang sinabi ko.
"Did you see everything?" matangkad siya kaya napatingala ako nang tumayo na siya.
"Did you?" napalunok ako sa sarili kong laway. Ang hot. No way! nasa piligro na ang buhay ko pero nakuha ko pa din kiligin dahil parang ang hot n'ya pakinggan sa pagsasalita ng english.
"Silent means yes" umiling ako.
"No, I didn't see anything"
"Liar" my brows furrowed after hearing what he said.
"And you're a killer" dinig ko ang saglit niyang pagtawa. He's probably a psychopath. Ganito ang mga napapanood ko sa mga movies.
Hindi na sila nakakaramdam ng takot. Wala na silang konsensya sa mga pinapatay nilang tao. All they want is to satisfy their needs.
"If you say so" inayos niya ako ng upo at malakas na sinarado ang pinto ng kanyang pangit na sasakyan.
Talo pa nito ang sinaunang sasakyan sa sobrang luma, wala pang side mirror, mamatay talaga kami nito ng wala sa oras.
"Ouch!" malakas na sumalpok ang ulo ko sa katabing bintana. Mabilis siyang magmaneho kahit na paliko man o mayroong humps. Gusto kong humawak pero hindi ko magawa dahil nakatali nga ang mga kamay ko.
Masama ko siyang tinignan pero wala talaga siyang pakialam. Natural mayroon bang na kidnap na aalagaan?
"Kung gusto mo ako patayin, patayin mo na agad ako. Huwag mo na akong pahirapan pa!"
Nanatili ang tingin niya sa harap. Hindi man lang siya natinag sa sigaw ko. Mariin akong napapikit sa inis. Sa tingin ko ay kahit maubos pa ang boses ko ay hindi siya sasagot.
Nilingon ko ang paligid at hindi pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Walang mga ilaw sa bawat daan. Nagsisitaasang mga puno, mga damo at bilog na buwan ang tanging nakikita ko.
Magandang spot para hindi ako makahingi ng tulong. Mukhang matatagalan din mahanap ang bangkay ko rito matapos niyang patayin.
Mukhang katapusan ko na ito.
Sinubukan kong hindi maiyak pero mabilis pa rin nagbasakan ang mga luha ko. Gusto ko lang naman magpahangin. Gusto ko lang naman isigaw lahat ng inis at galit ko.
Pero bakit naging witness pa ako sa isang murder case?
______________________________________________
Read responsively!
______________________________________________
CZYTASZ
I'm in love with the killer
LosoweWhen twenty-six-year-old Twinkle Valdehuesa witness a brutal crime, her life takes a dark turn. But when she meets Noah Sorrento, the mysterious man hiding behind a cold mask and a dangerous secret, she feels something she never expected-love. Torn...
