WATTPAD
Pitong letra,dulot ay libo-libong tuwa at saya
Di rin malilimutan ang pagkakataong ika'y lubos na lumuha
Sa pagkamatay ni Hades at Yeshua na sinisinta
Ako,maging ikaw ay umiyak ng sobra sobra
Di ko rin matanggal sa isipan si Juanito'ng naghintay sa manggahan
Ngunit si Carmela ay bumalik sa kanyang pinanggalingan
Sadyang sobrang sakit sa aking pakiramdam
Dalawang nagmamahalan ay nagkahiwalay ng tuluyan
Gusto ko rin naman ang mga possesive men ni Inang
Na kung magmahal ay buong buo at walang kulang
Sila man ay kuripot sa kanilang mga kaibigan
Pero kapag para sa kanilang kasintahan
Bibili kay Shun Kim ng impormasyong nagkakahalaga ng milyun milyong daan
Lalong nakakapagpataas sila ng iyong tipo sa lalaki
Pag umiigting ang panga gora na be!
Kung may kilala ka na ganito ang katangian
Ako na ay iyong sabihan
Wag masyadong magpuyat
Baka mata mo'y lumabo tulad kong nagsusulat
Isipin palaging may bukas pa na paparating
Para iyong mabasa ang istorya na iyong gustong tapusin
Elijah Montefalco ang pambansang baby nyo
Na kayang ipaglaban si Klare kahit sa pamilya nito
Basta wag mo lang aagawin ang aking Azrael Montefalco
Na nag gy gym para mag work out ang relasyon naming two
Di bawal mangarap kaya mag imagine lang
Na mahal ka daw ni Knight Velasquez at ni Lysander Callahan
Huwag ring limutin si Wade "sexy" Rivas
Na kapag kumanta,dimple nya ay lumalabas
Ito lang aking mapapayo basahin na ang istorya ni Cecelib
Para makilala mo ang aking mga Babe
Huwag mo ring kalimutan ang story ni Jonaxx
Na magpapakilig sayo at magpapaiyak
At last but not the least
ang historical story ni
Binibining Mia.........
Marami pang mga magagaling na author dito sa ating bansa kaya mag Wattpad na
Sabi ng iba ang wattpad ay walang halaga
Di nila alam ito ay nagpapatawa sa maraming madla
Ito rin naman ay nagbibigay aral sa buhay
Na iyong babaunin habambuhay
Kilala mo rin ba si Leandro?
Na may gusto kay Chayo?
Si Sancha'ng may Bebe Alonzo?
Kung hindi pa Ay day read it now na!
Thy Love rin ay aking nagustuhan
Na sinulat ni binibining Mia
Si Martin Buenavista na umibig kay Celestina
Jusko ang gandang historya
May alam ba kayong sasakyan na pwedeng pumasok sa Wattpad?
Sa akin na ay sabihin,sasama ako ng may ngiting malapad
Kung pwede lang silang kunin jan sa loob
Uunahin kong damputin si Jacob
Hihihihihi!!!!
Kilala mo rin ba si Aemie?
Na sobrang nakakatawang babae?
At si Zeke Roswell na kanyang hubby
Basahin mo na ang My Husband is a Mafia Boss,beshy
Well well well mga kawattpader
Akin nang tatapusin ang pagiging daydreamer
Basta palaging itatak sa iyong isipan
Magbasa lang huwag mang agaw ng aking mga natitipuhan!!!!
Pero joke lang!!:-)
Share share na lang tayo mga Wattpaderian......😄
