Yung nangyari sa Mr. and Ms. UN? Wala. Nanalo lang naman kami. Hehe. Ganon daw talaga. In fairness naman sa titig moves nya, effective. Double hooray ang nangyari sa’kin. Hahaha! \^o^/

Pero nung mga panahong to, may gusto na ako sa kanya. Parang, crush lang. Hihi. ^_^

**FLASHBACK ENDS**

Hanggang sa…

**FLASHBACK**

(Di ba kayo nakakahalata? Puro flashback ang nangyayari sa chapter na to? Haha. Hayaan nyo na ko, gusto kong magkwento nang magkwento e.) :D

“Yna, parang may naghihintay sa’yo sa labas. Ayiiiiiiiih! Kinikilig naman ang kili-kili ko sa’yo!” Sigaw ng isang classmate ko sa Comm Arts. Loka-loka lang talaga. Valentine’s day kasi. Actually, katabing building lang ang building nila Josh sa’min. Broadcasting ako, Electronics Engineering sya. Perfect combination.  Owh yeah! ^o^

Kinikilig na ko kasi ang nasa utak ko sinisigaw na Sana si Josh baby ko na yan.

But, subalit datapwat…

“Hi Allyna. For you.” Ay huklubang balbon. Si Erick ang naghihintay. Pero sa gilid ng mata ko, nakita ko si Josh, may hawak na bulaklak. Baka sa’kin yon?

E hindi ako masyadong assuming, tinanggap ko na lang yung bigay ni Erick.

Pero nung nakita kong tinapon na lang bigla ni Josh yung roses na dala nya, don ako nanghinayang.

Sana binigay mo na lang sa’kin yon. Promise, lahat lahat ibibigay ko. Gusto mo now na? Sige lang. Come on baby! I’ll give you what you want. (evil laugh insert here)

Kaya ayun, tulala ang beauty ko nung inaya akong lumabas ni Erick. Kawawa mode. :(

**FLASHBACK ENDS**

At eto ako ngayon, nakanganga. Sa harap ng laptop ko. I’m almost done to what I’m editing nang bigla kong naisipang dumungaw sa bintana. Ewan ko, gusto kong mamintana e. paki nyo ba? Edi mamintana rin kayo! Mga inggitera! Wahahahaha! :D

**FLASHBACK**

**FLASHBACK ENDS**

(Duh! Bakit naman ako mag-fa-flashback e nasa PRESENT na tayo?! Anubeh!) :p

At nagulat ako sa aking nakita!

SI JOSH! NASA BABA NA!

Teka, anong oras pa lang ah? 4:03. Ang aga ah! Excited? Kung sabagay, ako nga isang linggong di nakatulog e. Haha. Kaya lang…

“Ms. Yna, may emergency meeting po kayo. Kailangan nyo nang pumunta sa conference hall ngayon na.” ay buset naman oh! Kita mong naglalaway na ko dito sa nakikita ko e. pang asar talaga to si boss. Hmmmpf! >:(

At nung moment of truth…

“Yna…” oh gosh… ang lamig ng boses. Kakaloka. Haha.

“Yeah?” iniikot ko yung pasta sa tinidor habang nakayuko. Pakyeme para di halata. Haha.

“May gusto sana akong malaman mo eh.”

“Ano yon?” saka ko lang inangat ang ulo ko. Nagkatitigan kami. My gulay! Eto na to!

“Ano kasi eh… I really really like you.”

“I know.” Sabay yuko ulet. Ayokong makita nya yung kilig at blush ko e. Baka mahalata nyang kumapal ang blush on ko dahil sa sinabi nya.

“Ha?!” ay naku, manhid ka ba? Kaya laging sira diskarte mo sakin e. Isa na lang, mahahalay na talaga kita. ^o^

“I know. Kasi nararamdaman kong alam ko.” Sabay tingin ulet sa kanya at ngumiti. Hindi yan pilit ah! Speechless ang kumag! Haha.

“Alam mo, kahit kailan talaga sirang sira ka sa’kin.” Another touch to his cheeks. Sheeeeeeeeet! Hahalayin ko na talaga to! Now na! Ibaba mo na yang damit mo, dali!

“Pero kahit na ganon…

I’m thankful na umamin ka na.” ^_^

Pero syempre ang pagiging matino ang alam nya sa’kin kaya hahayaan ko muna sya sa pantasyang yon. Pero sa utak ko, ay naku… di na sya virgin, for a million times. Hihi.

“So… tayo na?” yun lang! Dun nya ko nacorner! Shit! Di ko alam ang sasabihin ko! Ano, pakipot ba o itodo ko na? Teka, mag-iisip pa ko…

“After this date ko sagutin, okay lang ba?” ang badtrip naman kasi e. Konting hinay naman Josh. Excited e.

“E patapos na rin naman ang date na to e. Pauwi na rin tayo kasi alam kong pagod ka. Ano nab a ang verdict ko?” ay, persistent si kuya! Ikaw na! :D

“Sana pumili ka ng maayos na place di ba? Hindi yung para tayong teenager na dito nagsagutan sa fast food?” babasagin kita hanggat kaya ko pang magpigil ng kilig ko. ^~^

“Okay.” Nalungkot ang kuya mo. Tahimik na kaming bumalik sa kotse nya.

Pagkapunta nya agad sa driver’s seat, hinawakan ko agad yung kamay nya. Abah, papalagpasin ko pa ba ang chance? Baka pag nagtampo to waley na ang love story namin.

“You know what…

I’ve loved you ever since then…

And surely…

You’ll have me…

Now until the end.” Ang taray ng speech! Waging wagi! (clap clap clap!!!)

And with that…

We seal our date with a kiss.

(A/N: Paano na  kaya sila after the date? Hmmm… Mas exciting and FINALE! Haha! Ciao for now at ako’y nitatamad na ulit. Nawala bigla ang inspirasyon ko e. I hope you enjoy this.) \^_^/

I Do (times three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon