October 11, 2014
Binuksan ko ang radio at tinune sa AM station. Ang balita ngayon ay katulad pa rin ng balita nung mga nakaraang araw. Puro tungkol sa disease at paalala na maiwan na lamang sa bahay. Siguro kung may naiba man sa mga binabalita ay ang bilang ng mga nagkaroon na ng disease. According sa statistics ngayong araw na ito, naeestimate nilang isa sa bawat tatlumpung tao ang naapektuhan na nito.
“Psh. Puro na lang negativity kahit anong station. Makapaglakad nga muna sa sunflower field,” sabi ko sa sarili ko.
Bumaba na ako kay Daydream. Nagsimula na akong maglakad pero napansin kong hindi pala nakatali ang suwelas ng sapatos ko. Umupo muna ako sa may upuang kahoy na nakatambak dito sa garahe. Tinali ko na ito hanggang sa magustuhan ko ang itsura ng ribbon nito. Pagkatayo ko ay nakarinig ako ng isang riiiiiipp. Tinignan ko agad ang manggas ng damit ko. At gaya nga ng aking inaasahan, napunit ito. Tinignan ko agad ang upuan at may nakausli palang pako dito.
Kainis naman talaga. -__-
Magshopping na lang kaya ako?
Mukhang magandang idea yun. ^__^
Sumakay ulit ako kay Daydream at tinignan kung nadala ko ba ang mga dapat dalhin. Pera, check. Katana, check. Hindi pipichuging baril, check. Okay. Pwede na ako magdrive.
Nakarating ako sa Trinoma agad. Mabilis lang ako nakarating kasi hindi ko kasama si Caleb na dadaan sa pinakamahabang route para lang matagal ko siyang makasama. Hindi din ako nahirapan sa parking dahil onting-onti na lang ang nagbabalak lumabas ng mga bahay nila.
Bumaba na ako ng kotse dala-dala ang katana at bag ko na may lamang pera at baril. Kahit nga sino ay pwede nang magdala ng baril tutal wala na rin namang guard na magchecheck sa bawat entrance ng mall.
Pagkapasok ko ay marami nang abandonadong shops. Kung may laman pa ang store, swerte ka dahil pwede mo kunin iyon ng walang bayad.
At isa na ako sa mga swerte na iyon dahil nagsara na ang napakalaking shop ng Zara. ^o^v
Pumasok ako sa Zara at naghanap na ng mga damit. Syempre ay hindi ako katulad ng mga ibang tao na kukunin ang lahat ng damit na nandun just for the sake of it. Alam kong may mga taong mas may kailangan ng damit sa akin kaya pipiliin ko lang ang mga gusto ko. ^__^
Habang tuwang-tuwa ako sa pamimili ay nakarinig ako ng sigaw. Nilagay ko na agad ang mga damit na nagustuhan ko sa bag. Nilabas ko ang baril kasi mas madali makapatay dahil long-range.
YOU ARE READING
Obliteration
Science FictionSet in the Fall of the year 2017, Cadence Aldana, more known as Cady, gets ready for the upcoming destruction of the world caused by zombies.
