"Mukhang magpupuyat tayo." Halos punitin niya na ang mga papel na hawak niya.

Isang linggo lang ang palugit sa amin ng mga professor kaya siguradong magpupuyat ako. Walo ang subjects ko at lahat ng iyon ay may halos tatlo hanggang apat na paper works.

After complaining to the loads of activities we need to do, pumasok na kami ni Dev sa unang klase namin sa araw na 'to.

Parang dinaanan ng anghel ang room nang pumasok kami. Naglingunan silang lahat sa banda namin at sinundan ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa puwesto ko. Hindi ko nilingon ang parte ni Oliver kahit na ramdam ko ang mainit na titig niya sa akin.

"Good morning, class."

Nag-angat ako ng tingin. Kumibot ang labi ni Jacob nang magtama ang tingin namin kaya agad akong umiwas. My heart started to beat faster.

Stop it, Elizabeth! Nasa klase tayo!

Tumikhim ako at nagfocus na sa klase.

Naging maayos ang takbo ng discussion. Nanatili ako sa library buong break at free cut para bawasan ang gagawin kong activities. Mabuti na lang at may tatlong oras kaming free cut at dalawang oras na break kaya halos matapos ko na ang activities sa isang subject ko.

Napailing na lang ako ng makitang tulog na si Dev sa tabi ko. Hindi talaga makatagal 'to sa library nang hindi nakakatulog.

In the middle of writing, my phone vibrated. I glance at the screen. Kumunot ang noo ko ng makitang may text mula sa isang unregistered number.

From: 09...

I'll drive you home after your last class.

Iyan ang nakalagay. Hindi ko naman matukoy kung sino ang maaaring magtext sa akin ng ganon kaya nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko.

Until my cellphone vibrated again.

From: 09...

Cook something delicious for dinner when we got home.

Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang kaba na nararamdaman.

It's Jacob! Siya lang naman ang laging nagde-demand na magluto ako kaya sigurado ako na siya ang nagtext!

Hindi tuloy ako mapakali. Magrereply ba ako o hindi na? Wala akong maisip na reply kaya nakatulala lang ako sa screen ng cellphone ko.

I gasped when Dev suddenly sat up and eyed my phone.

"Ano yan? Bakit parang nakakita ka ng multo? Patingin nga—"

Iniwas ko agad ang cellphone!

"Wala!"

"Shh!"

Namumula na pinatay ang phone ko at nagligpit na ng gamit. Nakakahiya! Pinagtitinginan tuloy kami dahil napalakas ang boses ko!

"T-Tara na nga, umuwi na tayo. Walang tao sa apartment."

Walang nagawa si Dev kung hindi ang magligpit na lang din. Napapatingin siya sa cellphone ko na para bang gusto niyang usisain kung ano ang tinatago ko kaya mabilis ko itong ibinulsa.

"Tara na."

She looks at me suspiciously but she still nod. Sabay kaming lumabas ng library. Medyo madilim na dahil alas cinco ang last class namin at halos isang oras kaming nasa library. Kabadong kabado akong naglalakad palapit sa parking lot.

"Ihahatid na kita—"

"H-Hindi na!" Suminghap ako. "G-Gusto kong masanay bumyahe mag-isa kaya ako na ang bahala." Pinilit kong ngumiti para kumbinsihin pa siya.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now