*Chloe's POV
sa totoo lang parang ang bilis dumaan nung linggong to, parang monday palang kahapon tapos saturday na agad ngayon.. pero ang dami pading problema.. ganun padin.. si Ian padin.. ayos na sana ako eh, ok na kami ulit ni Jay. bestfriend nga eh. pero yung taong mahal na mahal ko, siya pa yung nananakit sakin. bakit ganun? tapos maririnig ko pa sa ibang tao na nanlalandi daw siyang ibang babae? ayaw ko namang paniwalaan yun eh, mahal ko kasi diba? hay ganito ba talaga nagagawa ng pagmamahal?
tinext niya ako
"kailangan nating magusap" (ian)
"tungkol san?" (ako)
"satin" (ian)
kinakabahan ako ah.. parang alam ko na to, wag muna, wag na please.. wag mo na ako saktan... di pa ko nakakapagreply, nagtext ulit siya
"tigil na natin to" (ian)
at ayan na nga, yung mga luhang pilit kong pinigilang lumabas ng pagkatagal-tagal, kumawala na, ayaw tumigil, ang sakit. hindi ko inaasahang magiging ganito kasakit yun. apat na salita lang yun na nagpaguho ng mundo ko.
"bakit? may nagawa ba ako?" (ako)
"wala. nahihirapan ka na diba? edi itigil na natin" (ian)
"kinakaya ko naman eh, mahal kasi kita. bakit ba ganyan ka nalang bumitaw?" (ako)
"tigil na natin to" (ian)
grabe ang sakit ah. as in tagos kaluluwa haha. ang hapdi na ng mata ko kakaiyak, 2 oras na atang nakakalipas pagkatapos ako itext ni Ian.. masakit na yung mata ko pero mas masakit yung sa puso ko, dinurog niya eh, pero bakit ganun? mahal ko padin siya? kahit ilang beses na niya akong sinaktan, siya padin mahal ko.
parang si Jay lang eh haha kahit ilang beses ko na siya nasaktan, mahal padin ako.mapapagod ba yun? eh ako, mapapagod ba? bakit kasi hindi na nga lang siya yung minahal ko? bakit sa taong mananakit pa sakin nagpakatanga itong puso ko? pareho lang kaming nagpapakatanga.
so ano na? wala na. wala na kami ni Ian. ano nga ba kami? ayoko na. ang hapdi na ng mata ko. tama na. tigang na. tigil na daw namin eh. kailangan ko na magmove on.
(sunday ng gabi)
*Rhea's POV
(chat)
chloe: hi rhea
ako: hello :) may problem ka?
chloe: ah, haha mejo eh, pano mo nalaman?
ako: na-feel ko lang
chloe: ah, haha eh ksi. wala na kami ni Ian
ako: oh? anong wala na?
chloe: wala na. tigil na daw namin eh, feeling ko may iba na siya kaya ganun
ako: grabe ah. talaga? kamusta ka naman?
chloe: ayos naman. kailangan ko lang talagang mgamove on, mga 2 months siguro. tapos baka bigyan ko na ng chance si Jay
ako: ok sige, take all the time you need, matagal talaga maka get over sa ganyan.. ok ka alng talaga? tapo yung kay Jay? talaga? :)
chloe: opo. masakit pa eh. pero opo, gusto ko siyang bigyan ng chance, pero pagkatapos ko na makaget over at magmove on baka kasi sabihin ng tao ginagawa ko lang siyang panakip butas eh
ako: oh ayos lang yan naiintindihan ko. sige lang, basta pag kilangan mo ng makakausap, andito lang ako.. pero talaga? :) bibigyan mo siya ng chance? :)
chloe: opo, alam ko yun.. salamat rhea.. and yes, ayaw ko na kasi masaktan eh, tsaka hindi naman siya mahirap mahalin
ako: ok sige. goodluck sayo chloe :) ingat ikaw ah? and paka-saya ka na..
chloe: opo opo, salamat rhea
grabe parang ang sakit naman nung nangyari kay chloe, ramdam ko naman na ayaw niya muna pagusapan yun eh.. in time, baka sabihin niya sakin.. gusto ko din namang makatulong in any way i can
tapos yung kay Jay.. sa wakas :)) buti naman at may chance na silang sumaya pareho. they deserve it. matagal na silang nasasaktan eh, and now.. sasaya na din sila. sigurado naman ako na hinding hindi sasaktan ni Jay yung si Chloe eh. mahal na mahal kaya niya yun.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
(now playing: Halik by Kamikazee) <--- parang bagay ano? :)
magkakaron na ba sila ng happy ending? may happily ever after na ba? edi ano? malapit na ending? wahaha hindi no. matagal pa toooo :)) haha eh ang tanong, sila ba talaga magkakatuluyan? de joke lang.. wew hahahaha isip isip isip :))
YOU ARE READING
blangko (on-going)
Romancesabi nila, ang babae at lalaki ay hindi pwedeng bestfriends lang kasi sooner or later, mahuhulog sila sa isa't isa, masaklap nga lang kung one sided.. sabi nila, mahirap daw mainlove ang taong matalino kasi laging pinagiisipan yung mga bagay na pwed...
