"Clinton Jaye pala buong pangalan mo eh. Edi CJ na lang itatawag ko sayo. Ayos diba!" Sabat naman ni Giniel.

"Dami mong alam. Bahala ka sa buhay mo." Nagdiretso na kami sa paglalakad ni Jemuel habang tumatawa.

Pagdating sa dorm. Nagkanya kanya na kaming gawa. May ibang humiga kaagad siguro napagod din sa event kanina. Yung iba may katawagan sa telepono nila, mga jowa nila siguro yon. Habang ang iba naman may sari-sariling ginagawa na.

Kakatapos ko lang maghilamos at nagpupunas na ako ng buhok ng biglang magring ang cellphone ko.

Miya is Calling...

Lumabas muna ako bago sagutin ang tawag.

"Oh bakit?"

"Aba ang sungit natin ha? Na-istorbo ko ba kayo ng babae mo?" Narinig kong tumawa sya ng malakas. Bwisit talaga.

"Ewan ko sayo tsk."

"Sungit nito. Meron ka ba ngayon? Bakit di mo ko nireplyan kanina? Kinakamusta ka nila tita. Hindi ka man lang nag text masyado kang nag-enjoy dyan."

Nakalimutan ko ng replyan sya kanina dahil sa kakulitan ni Giniel. Siguro kung di sya tumawag makakalimutan kong nagtext sya haha.

"Kakatapos ko lang maligo. Magrereply na sana ako kaso bigla kang tumawag." Deny ko.

"Wala kang maloloko dito Clinton! Ang sabihin mo nakalimutan mo talaga. De-deny ka pa dyan ha!" Wala talaga akong lusot sa babaeng 'to.

"Alam mo na naman pala eh." Natatawa kong sagot. "Pakisabi kay Mama't Papa ayos lang naman ako dito I enjoyed this camp. Bukas ng umaga ang alis namin dito baka tanghali na ako makauwi sa bahay." I added.

"Pasalubong ha!!"

"Sige magdadala ako ng buhangin."

"Tse!! Babye na may date pa kami ni Adrian. Mag-enjoy ka lang dyan, maghanap ka na din ng girlfriend sayang kagwapuhan mo hmp! I love you eww" Magsasalita pa lang sana ako ng patayin nya ang tawag.

Kahit kailan talaga ang hilig patayin agad yung tawag. Hindi man lang ako pinagsalita eh. Papasok na sana ako sa loob ng tawagin ako ni Matthew. Nakasuit and tie pa rin sya at nakasuot pa rin ang sash sa katawan nya. Halatang napagod sya sa pakikipagpicture sa kanya ng mga babae. May ilan din namang nag-pa-picture sa akin kanina kaso kaunti nga lang. Di ko na kasi pinagbigyan yung iba. Masungit ako eh bakit ba. Hindi ako sanay sa mga ganito, di naman kasi ako artista para makipag-picture sila sa akin.

"Congrats, bro" Nakangiti nyang bati halatang proud na proud sya sa pagkapanalo nya. No doubt bakit sya nanalo dahil magaling naman talaga sya. Halatang sanay na sya sa ganitong competition.

"Congrats din." Matipid kong sagot. Di na ako ngumiti dahil wala ako sa mood. Akala nya di ko naalala ang ginawa nya kanina? Tsk.

Pumasok na ako sa loob saka dumeretso sa higaan ko. Pagpasok nya sa loob binati agad sya ng mga kasama namin dahil sa pagkapanalo nya. Nakita kong nagkumpol kumpol sila na para bang may pinag-uusapan.

"Uy Jaye halika sama ka sa amin." Yaya ni Nikko. Tatanggi sana ako dahil antok na antok na ako kaso lahat sila nakatingin sa akin para bang isang maling sagot ko lang mapapatay na ako ng mga titig nila. Wala akong nagawa kun'di makisama sa pinag-uusapan nila.

"Ayan kumpleto na tayo. Nandito na ba lahat ng boys?" Tanong isa naming kasamahan.

"Yung iba nasa labas pa eh. Yung iba nasa CR pa." Sagot ng isa.

"Hintayin natin si Matthew magpapalit lang daw sya ng damit." Suggest ni Nikko.

"Wag na magsimula na tayo."

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon