tsapter 1

19 3 0
                                        

This is a works of fiction ,the names ,characters and some of the places are the imaginations of the author's that used Fictionalised , further more any actual event, persons and places are Coincindence.

Arcuerez
-

-Beeeeeeeeep-
"Hoy! Ano ba."
Tumilapon ang gamit ng natarantang babae, yumuko habang pinupulot ito ng paisa-isa
"magpapakamatay kaba? Wag mo nga akong idamay at marami pa akong ihahatid na pasahero"
Dagdag ko pa dahil pansin kong mabagal syang kumilos,narinig kong nagsinghapan ang aking mga pasahero kung kaya't hindi na maitago sa aking mukha ang kainisan.
Lintik namang buhay to oh,kung kelan napuno ang nirentahan kong jeep saka pa may sagabal. Yumuko ulit siya at tinignan ako.
"Ate, liliko pa po ba ito dun sa kanto ng mga Arcueres?"
Dahil sa don napatingin ako sa mukha nya, dumako ang aking mata sa kanyang mata. Batid kong umiiyak ito bago ko pa makasagupa.

"Ha? hindi pero madadaan namin yung mga sakayan papunta dun, ano sasakay kaba?Nakakaabala kana"
Naririnig ko ang reklamo ng aking mga pasahero bagaman pinag akasayahan ko na ng oras. Dahil mukhang wala siyang pagpipilian . Mahigpit ang hawak ko sa aking manibela at aastang aalis, sayang ding tong babaeng to, mukhang maykaya kaya alam kong sasakay to.
"Sige ho ,pwede na ho yun"walang alinlangan siyang pumasok sa jeep.

Mahigit dalawang taon na din akong naging jeepney driver dahil sa gipit na talaga kami. Tumigil na rin ako sa pag aaral at tanging gastusin namin sa bahay ang inaasikaso ko pati ang maka pag-ipon, pero minsan nakakapuslit din si nanay dahil sa paglalaba sa ibat ibang bahay. Ang jeep na to ay nirerentahan ko nga lang, pero umaasa akong baka isang araw mabayaran ko na to at baka maging permente na ang paghahanap buhay ko at mas ayos yun.
Wala naman akong galing sa pag-aaral na yan, at minabuting si kuya nalang ang magtutuloy ng pag aaral, tutal matalino at magaling naman yon, alam kong makakapagtapos yun at mairaos kami ni nanay sa kahirapan,nasa ika apat na taon na si kuya Red ngayon. Namatay ang tatay ko nung nasa ika apat na taon kona sa Highschool samantalang nasa ikatlong taon naman ng kuya sa Kolehiyo , Natigil kami ni kuya ng pag-aaral pero sya nagtuloy samantalang ako Hindi na. Dadalawa lang kami ni kuya at ako lang ang naging assistant ni tatay sa talyer pati narin sa pamamasada. Tuwing wala akong pasok o labasan namin. Sa kanto Alturo ang sikat na karinderya sa aming bayan ako parating umaabang kay tati, alam ni tati na sa oras na yun nandon na ako at nag-aantay o minsan tuwingumaga lang ako pamapasok sa eskuwela.

Nakatingin ako stop light ng napapad ang aking paningin sa langit na makulimlim, nagbabadyang bubuhos ang malakas na ulan. Sa mga panahong ganito alasingko palang ubusan na ng mga estudyanteng pasahero.
Iniisip ko kung natuloy ko yata yung pag-aaral ko, siguro hindi ako namamasada ngayon, siguro nasa bahay ako nag-aaral, sinasagutan ang mga takdang aralin. Pinangako sa sarili kong pagnabayaran ko ang jeep na to, mag-aaral ulit ako. Gusto kong maymatapos, ayokong habangbuhay maging jeepney driver.

-- buti nalang at naihatid ko na ang aking mga pasahero. Iuuwi ko na sana tong jeep kaso kung kelan ako naipit sa traffic saka pa magiging komplikado ang panahon. Alam kong aabutan ako ng malakas na ulan nato kaya napagpasyahan kong bilisan nalang bago pa tumirik ito.

Bumuhos ang malakas na ulan ng napadaan na ako sa walang katao taong lugar na madalas tinatabayan nalang ng mga mayayaman upang makipag karera.
Natanaw ko ang isang lalaking hindi alam kung alin ang uunahin sa kanyang makina. Batid kong ito ay nasiraan. Ipinara ko ang sasakyan at walang alinlangan kong sinuyod ang malakas na ulan upang makalapit sa lalaking yon.

"Nasiraan ka yata ser"
Habang sinusuyod ng tingin ang kanyang makina.

Narinig ko ang buntong hininga nya.
"ser kung hindi nyo ho mamasamain kaya ko pong kumponihin tong sasakyan nyo "
Saad ko ng lingonin ko ang aking kausap. Nanlaki yung mata ko at nakilala kung sinong kausap.

"know what, i don't think a girl like you can fixed this things"sabi nya sabay tingin saakin ng may pununuyang tingin.

"try me"nginisian ko siya bilang magmamalaki.

Tumaas uli ang kilay nya at hinayaan ako sa mga gagawin.
"ser may mga tools ho ba kayo?" habang sinisilip ang problema ng makina na to. Galing siguro to sa malayong byahe at kaya nag over heat.

"you said you can fix this things, then how can you fix it if you don't have any tools? "

Padabog nyang binagsak ang mga tools na kailangan.
"may kotse nga hindi naman marunong mag ayos"

" what are you murmuring?"

Bumulong lang ako pero narinig nya pa rin. Eh ang lakas din ng ulan,
hindi ko napansin na nasa malapit din pala sya at sinisilip ang ginagawa ko.
Mag aalasyete na ng natapos ko ang pag aayos ng makina, tumila na rin ang ulan kaya kahit papaano natuyo na rin ako.
"ser sige ho, aalis na ako. Sa susunod na tumirik ule itong sasakyang mo, ipark mo at buhusan mo ng tubig tong tubo na to "
Sabi ko habang tinuturo ang tubo na yon. Aalis na sana ako ng tinapon nya saakin ang towel nya.
"where did you learn those thing? "
He said with a curious look, hindi ako naniniwala na walang alam to sa pagkukumpuni, anak mayaman tapos walang kaaalaman sa kanyang sasakyan. Ngumisi ako sa mga napagtagpitagping konkulsyon.
"pansin nyo ho kase, eh driver ako alam ko ang pasikot sikot sa mga sinasakyan ko "

A devilish smile plaster on his face. Napansin ko ang pagbabago nya, matangkad na sya noon pero mas tumangkad naging malaman narin ang katawan, and he's more mature right now. Siguro may girlfriend na to.
"salamat" mahina nyang bulong ng nakatalikod saakin.
"walang anuman "magiliw kong tugon. Nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sya habang nagpupunas ako gamit ang bigay nyang towel. Nakita kong bunot sya ng pera at balak yatang ibigay saakin
" salamat uli " inabot nya saakin ang pera na tantya kong nasa limang libo.
"Hindi na, libre ko na yun sayo"

" No, i don't think I can accept that excuse "

He look so pissed, akala mo angtagal nyang nag aabot.
Kahit anong mangyari hindi ako tatanggap ng pera mula sa kanya. I will swear to god maging ugat man ako ngayon, hindi hindi talaga.

"libre ko na ho yun, walang anuman. Sige na ho at tutulak na ako "

He looked at me with his broody eyes and his devil brows make him more dangerous.
Hinawakan nya ang manibela habang ako ay nasa loob ng jeep. He look my jeepney like he's surveying it with his usual face. Tinignan ko rin ang laman ng sasakyan ko saka ko na realize na madumi ito dahil sa mga pasahero kanina.
He then turn his eyes on mine like he's owning me, o siguro nag assume lang ako. Lumiit ang loob ng sasakyan ko ng ipinasok nya ang kalahati ng katawan nya.
"so this is your job" sabi nya na halatang hindi tanong dahil siguradong sigurado sya sa mga sinasabi.
"y-yes" i can't look at him directly kase alam kong matutunaw ako sa mga tingin nya.
"are you planning to be a driver in this Rotting car forever?
He remain his eyes on me while saying those words.

"alam mo pinapahaba lang natin ang usapang ito, bakit hindi ka nalang umalis at iwan ako dito. Nagpakag thank you kana at ayos na saakin yon, bat nandto kapa?
Nagtitigan kami ng mga ilang oras na walang balak putulin ang sandali, walang gustong magpatalo walang gustong sumuko sa titigan na yon.

"this is insane"bulong nito ,ang akala kong aalis na sya, ay nagkakamali ako. Naipako niya ako sa backrest ng sasakyan habang naghihintay ng kung anong mangyayari.

Anong naghihintay? Mahiya kanga thea sa pinagsasabi mo, baka akalain ng lalaking to eh walang nagbago sayo.

I gasped when He kiss my cheek, isang halik na gumunaw at pumukaw ng matagal ko ng dinadamdam na sakit. He kissed me on my cheek. I closed my eyes and hoping that this happiness won't end.
His kiss lasted, I open my eyes and I saw the tears fall . I smiled sweetly and Punched him like how he deserves to be punched.
Narinig ko ang pagmumura sa inindang sakit.

Ng masuntok ko ang kanyang maamong mukha saka ko agarang pinatakbo ang sasakyan palayo sa kanya. Palayo sa lugar na yun.
Nakangiti akong tinahak ang daanan patungo sa talyer kung saan ko ipapark ang jeep.
Buti nga sayong bastos ka.
Napangiti akong inalala ang mga nangyari Kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago Mr Richie Arcuerez .

Don't forget to vote 😘. Thank you 😘

Horn Of AmouretteHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora