The Ramen House

5.8K 106 5
                                        

"We are just taking our chances here. If the documentary served its purpose, then we will all be happy in the end. Everyone will get their respective salary increases. Remember that our goal here is to provide better future for the likes of Mang Noli, Kuya Bert and other rank and file employees of our region." 


Mahabang paliwanag ng kanilang senior vice president for Finance. Nasa isang quarterly genreal meeting sila ngayon ng companya. Lahat ng department heads ay nandito. Si Jema bilang head ng logistics division ay isa sa mga importanteng tao sa loob ng conference room na iyon.


"So anong company ang hahawak ng pagaproduce ng documentary? Kelan sila magsisimula?" 


Tanong ni Kring na bagong promote palang bilang head ng marketing. Bagamat bagong promote ito ay sanay na syang mag attend ng department head meetings. Laging sya ang representative ng Marketing Department, kapag wala ang head nito. Kaya naman proud na proud si Jema sa bestfriend nya.

Sabay silang nagtapos ni Kring sa kolehiyo at sabay din silang nag apply at natanggap sa companyang ito. Isang manufacturing empire ang napasukan nila. Sila ang number one sa Pilipinas at sa buong Asia na nagmmanufacture ng mga energy drinks at 3n1 coffee.

"Regarding that matter, it's the president's personal decision. Si Mr.President mismo ang pumili ng documentary team na maghahandle ng project na to. And I heard they are coming dito sa site in few days." The old senior vice president for Finance said.

"Jema, we need your department's assurance that we can build a temporary office for them adjacent to your office. They will work hand in hand with your team in the production of videos. In short, they will be under your management too." He added."How long do I have before they arrive?" Jema asked feeling a little irritated with the urgency of the situation.

The head of the production team is coming this afternoon because she wants to previsit the manufacturing building but the entire team will start working by end of next week. So you have ample time to order the trailer office and set up their temporary office."

Natapos din sa wakas ang halfday na meeting nila. Nagyaya si Kring na kumain ng Ramen sa isang malapit na mall sa building nila. Madalas naman ay nasa canteen lang sila kumakain kapag may oras pa si Jema na magluto ng baon nila. Magkatabing unit lang ang kinuha nilang condo. 


Sa almost 5 years nilang pagttrabaho sa companya ay marami na rin naipundar ang magbest friend. Pinakamalaki na roon ang ay mga condo at mga kotse nilang pareho pa nilang binabayaran sa ngayon. Mataas naman an sweldo nila. Hindi biro ang trabaho ng mga department heads kaya naman mabigat din at makapal ang paycheck nila. Ganun pa man, nananatili silang mga simpleng tao.


Napakaraming nakapilang manliligaw kay Jema kahit simple lang naman sya. Simula sa mga bosses pati mga executives at mga janitor halos lahat ay humahanga sa kanya. Ngunit hindi sya ni minsan nag entertain ng manliligaw. Bago pa man makapagsimulang manligaw ay tinatakot nya na ang mga ito at naiintimidate sa talino nya. Wala ni isa ang pumasa sa standards nya. Actually, wala naman talaga syang naka-set na standards. Talagang hindi lang maturuan ang puso nya na nakakulong parin sa nakaraan.

Nang makarating sa mall ay agad silang nagtungo sa Ramen House. Hindi malaman ni Jema kung bakit hanggang ngayon, kahit limang taon na ang nkakalipas ay iba parin ang pakiramdam nya tuwing magagawi sya sa restaurant na ito. Malinaw parin sa ala-ala nya ang lahat ng huli nyang makita dito ang taong hanggang ngayon ay laman parin ng puso nya.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa kabilang banda, kararating lang ni Deanna sa Manila. Kalalapag lang nag eroplano at agad syang umarkila ng taxi para magpahatid sa condo ng ate nya. Matagal ng walang nakatira doon dahil nagbakasyon sa Korea ang buong pamilya nila at isang taon daw ang mga itong mamamalagi doon habang sya naman ay nakabase sa Cebu bilang isang freelance film-maker at photographer. 


Kung hindi nga lang dahil sa project na hahawakan nya ay hindi na sya babalik ng Manila. Masaya na syang namumuhay ng tahimik sa Cebu. One week ago na nung tawagan sya ng paborito nyang ninong at humingi ng pabor sakanya. Ipinapahawak nito sakanya ang isang documentary project para sa companya nito. Sinabi nito na ang documentary ay para sa mga foreign investors nila na gustong magtaas ng basic salary rate ng mga empleyado ng companya. Naantig naman ang puso ni Deanna sa project ng ninong nya kaya kahit labag sa loob nyang bumalik sa Manila ay tinanggap nya iyon. The project will only run for five months at pagkatapos noon ay pwede na syang bumalik sa Cebu.

Tangahali na ng makarating sya sa condo. Hindi nya na-anticipate na grabe ang trapik na aabutin nya. Medyo may kalayuan sa airport yung condo kaya't na stock sila sa trapik. Agad syang nagbihis at nag ayos ng sarili, napag pasyahan nyang kumain na lang sa mall na malapit para makapag grocey narin sya pagkatapos.


Hindi namalayan ni Deanna na may sariling buhay na pala ang mga paa nya. Dinala sya nito sa Ramen House na matagal nya nang pinipilit kalimutan. Limang taon na rin ang lumipas ngunit wala paring nagbago sa puso nya. Palakas ng palakas ang tibok ng puso nya habang palapit ng palapit ang mga hakbang nya sa pintuan ng restaurant. Dito, dito nagtapos lahat ng masasayang araw nila. Lahat ng pangarap na binuo nila. Lahat ng pagmamahalan na pinaglaban nila, dito nya nasira ng dahil sa isang pagkakamali. Dito nya sinaktan ang puso ng mahal nya.

"Kamusta na kaya sya." Bulong ni Deanna sa sarili nya. Pagkapasok nya ay agad syang iginiya ng waiter sa bandang dulong upuan. pangdalawahan lang ang mga mesa doon.

Tahimik na nagbabasa si Deanna ng menu ng may biglang pumasok na dalawang babae. Tumigil ang mundo nya ng makita kung sino ang isa sa mga ito. Naka black pencil cut skirt ito na hapit na hapit sa balakang. Kahit hindi nya kita masyado ay alam nyang nkayellow na sleeveless ito na pinatungan ng black and gray na blazer. Napaka ganda ng hubog ng katawan nito, sexy ang lakas ng apeal. Ganun parin ang mga labi nito, malambot at mapang akit. Walang pinagbago ang mapungay na mga mata nito, na kung makatingin ay parang hinihigop ang pagkatao mo. 


Napatingin sya sa bandang leeg nito. Nalungkot sya ng makitang walang kwintas na nakasuot don. Wala na ang kwintas na dati ay nanahanan doon. Umupo na ang babae at nagsimulang pumili sa menu. Napatingin ito sa gawi nya, siguro ay nkaramdam itong may nakatitig sa kanya. Agad namang itinaas ni Deanna ang menu sa harap ng mukha nya. Daig nya pa ang ninja sa pagtatago ah!

My god Jema, I didnt expect na ikaw agad ang isasalubong sakin ng maynila. Napaisip tuloy sya, madalas kya sya dito? Lalapitan ko ba sya? Kausapin nya kaya ako?

Back For GoodWhere stories live. Discover now