"sige labs.."-tita marite

pumunta sa office ng restaurant sina borj at tito charlie upang doon mag usap...

"umupo ka borj.."-tito charlie

"tito alam ko po na alam niyo yung nangyari sa amin sa boracay.."-borj

"oo naman borj.."
"pero gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa akin.."-tito charlie

"tito wala po akong masamang intensyon kay roni.."
"malinis po ang hanagarin ko para sa kanya.."-borj

"hindi ba borj dahil nasaktan ka ni camille at binigyan ka ng anak ko ng comfort yun lang yun.."-tito charlie

"tito maayos po kaming nagkahiwalay ni camille.."
"binigay niya yung freedom ko para mahalin si roni.."
"totoo po mabilis yung mga nangyari.."
"pero tito matagal ko na pong mahal si roni.."
"mga bata pa lang kami mahal ko na siya.."paliwanag ni borj

"kaya mo bang panindigan yang mga sinasabi mo borj..?"
"unang beses na nasaktan si roni kay basti.."
"nakita ko kung paano maapektuhan si roni.."
"ayoko ng makitang nasasaktan ulit yung anak ko.."
"baka mapatay ko na yung susunod na taong mananakit sa kanya.."-tito charlie

"hindi ko po kayang saktan si roni.."
"magkakahiwalay po kami..."
"dahil kailangan kong bumalik sa america para tapusin ang pag aaral ko..."
"pero promise po hinding hindi ko sasaktan si roni.."
"hindi ko siya kayang lokohin.."
"hindi ko din po kayang lokohin ang sarili ko.."-borj

"tatanggapin ko ang desisyon ni roni na magmahal ulit..."
"at ikaw ang pinili niyang mahalin borj.."
"ipagkakatiwala ko sayo si roni.."
"malaki ang tiwala ko sayo borj.."-tito charlie
at niyakap niya si borj tanda ng pag tanggap niya dito bilang kasintahan ni roni...

"salamat po sa tiwala tito.."-roni

"ayokong makitang umiyak ulit si roni.."
"tandaan mo borj ako ang makakalaban mo.."-tito charlie

"pangako po tito..!"borj

ngayon ay naipalam na ni borj sa mga magulang ni roni ang malinis na intensyon niya...

masayang masaya si borj dahil ngayon ay legal na ang relasyon nila ni roni...

SAMANTALANG:
lumabas si roni sa building ng condo ni basti na patuloy ang pag iyak...pumara siya ng taxi...at sumakay doon.....pinigilan na ni roni ang pag iyak...pinaderetso ni roni ang taxi sa bahay nila....

habang umaandar ang taxi pilit inayos ni roni ang sarili....pinunasan ang mga luha...naglagay ng konting foundation at lipstick uapang hindi mahalata ng mga makakakita sa kanya na umiyak siya at may tama pa ng ecstacy...

nang dumating si roni sa bahay nila ay walang tao...si yuan nagpunta kina missy at ang mommy at daddy naman niya ay nasa restaurant pa...

napaupo na lang si roni sa sofa habang nag iisip...pilit niyang pinipigilan ang pag iyak dahil baka biglang dumating ang mga magulang niya pati si yuan....

saktong dumating din si borj...nakita niyang nakabukas ang pinto ng bahay nila roni kaya doon muna niya itinigil ang kotseng minamaneho...at pumasok siya...nakita niya doon si roni nakaupo at tulala...

ginulat niya iyon...

"hoy roni.."
"tulala ka jan.."
"masyado mo naman akong iniisip.."-biro ni borj

"borj kanina ka pa jan..?"gulat na sagot ni roni

"hindi naman kakarating ko lang.."
"ok ka lang ba..?"-pagaalala ni borj

"ok lang borj napagod lang siguro sa byahe.."-roni

at tinabihan siya ni borj naglambing ito na tila batang nakayakap sa kanya...

"my queen..."
"nakausap ko na ang parents mo.."
"nakapag paliwanag na ako sa kanila.."
"sinabi ko ang totoo..."-borj

"na ano borj..?"-roni

"na mahal kita at ayokong mawala ka pa sakin..."
"nangako din ako sa kanila roni na hindi kita sasaktan.."-malambing na sabi ni borj

napangiti lang si roni sabay halik sa noo ni borj habang nakayapos ito sa kanya..

"salamat borj ah.."
"talagang tinitoo mo yung sinabi mong kakausapin mo sina mommy at daddy.."-roni

"i love you roni..."-borj

"i love you too borj.."-roni
at hindi na napigil ni roni ang luha niya dahil kusa na itong tumulo...

nakita iyon ni borj...

"bakit ka umiiyak roni..?"tanong ni borj

"ha..."
"masaya lang ako borj.."-pagpapalusot ni roni

pero ang totoo hindi niya alam kung paano kapag nalaman niya ang nagyari sa kanila ni basti...hindi naman niya iyon ginusto eh...pero kapag nalaman ni borj iyon siguradong guguho muli ang mundo nito....

to be continue
feel free to commenr
dont forget to hint ⭐️
❤️❤️❤️

huwag masyadong magpaapekto sa kwento nila roni at borj hehehehehe....

huwag din masyado magalit kay basti.....✌️

gmik season 4Where stories live. Discover now