Poem #1: Hindi Lang Ikaw Ang Nasaktan

4 0 0
                                        

(Requested by Jell Z. Manghino)

Mahal, naaalala mo pa ba?
'Yung unang araw kang pumasok sa aming klase at nagpakilala,
"Ako nga pala si Ryan, bagong lipat lamang, kamusta nga pala?"
Ilan lamang 'yan sa mga salitang binitawan mo noong unang araw kitang nakita.

Mahal, naaalala mo pa ba?
'Yung mga araw na ang grupo nati'y palaging iisa,
'Yung mga araw na palagi mo akong inaasar dahil sa aking mga mata,
At 'yung mga araw na sa eskuwela'y palagi na tayong nagkakasama.

Mahal, naaalala mo pa ba?
'Yung unang araw na sinabi mong "Di'ba kaibigan kita?",
'Yung mga araw na palagi mo akong inaayang kumain sa kantina,
At 'yung mga araw na tayo'y tumatawa at palaging masaya.

Mahal, naaalala mo pa di'ba?
'Yung sinabi mong mahal mo ako at hindi mo na mapigilan pa,
Lumuhod ka pa sa harap ko at sinabing "ganun ka din di'ba?"
Habang ako'y sa sobrang gulat ay bigla na lamang natulala.

Mahal, hindi mo naman nakalimutan di'ba?
'Yung sinabi mong hindi ka na sasama ulit sa'yong mga barkada,
Ayaw mo kasing nakikita na nagagalit ako kapag kasama mo sila,
At gagawin mo ang lahat mapasaya lang ako di'ba?

Mahal, sana naaalala mo pa,
'Yung mga araw na masaya tayong magkasama at nagtatawanan sa gilid ng kalsada,
Hatid sunod mo pa ako mula sa bahay papunta sa eskuwela,
Tapos masaya tayong kakain ng kwek-kwek at fishball sa tindahan ni Manang Belinda.

Mahal, naaalala mo pa ako di'ba?
'Yung nag-iisang taong sinaktan mo dahil lumandi ka sa iba,
'Yung nag-iisang taong minahal mo pero mukha hindi na ngayon sinta,
'Yung nag-iisang taong nagtiwala sa'yo pero ito'y iyong sinira.

Mahal... May mga naaalala ka pa di'ba?
Lalo na 'yung mga araw na tayo'y nag-away at humantong sa hiwalayan nating dalawa,
Biglang nagbago ang mundo at sumama ka ulit sa iyong mga barkada,
Unti-unting nasira ang buhay mo at araw-araw ay lasing ka.

Minsan pa'y nabalitaan ko na napaaway ka nanaman sa eskuwela,
Sumusuway ka na daw sa lahat ng gusto ng iyong pamilya,
Naglayas ka raw at sumama sa isang babae na ngayo'y mahal mo na,
Mahal, naaalala mo pa ba?

Kasi ako naaalala ko pa ang lahat ng sakit na iniwan mo noong nakipaghiwalay ka,
Naaalala ko pa ang bawat suntok na na ginagawa ko sa pader at magdamag na pag-iyak sa aking kama,
Naalala ko pa kung paano ka naglakad palayo sa tagpuan nating dalawa,
Kasi ako naaalala ko pa ang lahat ng mga sinabi mo noong lumisan ka.

"Bakit mo naman nagawa 'yun binigay ko naman ang lahat di'ba?"
Mga salitang nabitawan ko noong umamin ka na may kalandian kang iba,
"Patawad mahal, hindi ko naman talaga sinasadya."
"Nandiyan kasi siya noong mga araw na busy ka sa pag-aaral at kailangan kita."

Ako'y humagulgol sa sakit na aking nadama,
"Bakit kasi hindi ka nagsabi edi sana hindi 'to nangyari di'ba?"
Hinintay ko ang sagot mo pero nanahimik na lang siya bigla,
"Alam mo ang sakit kaya kasi hindi ko lubos na maisip na kaya mo pala 'yung magawa."

Ikaw ay yumuko at sinabi itong mga salita;
"Patawad mahal kasi nagawa kong saktan ka,
Siguro nga ay oras na para putulin na natin ang relasyon nating dalawa,
"Ang sakit lang kasi para sa'kin na makitang umiiyak ka..."

Ang puso ko'y napuno ng galit at hindi na napigilan pa,
Pinutol ang kaniyang pagpapaliwanag at sinabi itong mga salita;
"Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan sa nangyari sa'ting dalawa?"
"Hindi ko naman ginusto na makipaghiwalay ka pero bakit mo 'to ginagawa?"

"Ayaw ko namang mawala ka pa tulad ng ginawa ng iba,
Mahal mo pa naman ako di'ba? Kaya please wag mong itutuloy 'yang pagputol sa relasyon nating dalawa."
Ako'y nagmakaawa pero hindi na napigilan pa,
Ikaw ay umalis at ang relasyon nati'y tuluyan nang nawala.

Kaya mahal, alam mo ba may mahal na rin akong iba,
Kasi nasa tabi ko rin siya noong mga araw na kailangan kita,
Pinunasan niya ang bawat luha na inilalabas ng aking mga mata,
At siya ang nagsilbing katuwang ko sa hirap at ligaya.

Mahal, sana masaya ka na rin sa bago mong kinakasama,
Sana ang sakit ay nakalimutan mo na talaga,
Sana ang mga bisyo mo'y tuluyan nang nawala,
Dahil ang salitang "Mahal" ay bibitiwan ko na nga.

Wonders of Poems Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang