Hingal na hingal si Kristine kakatakbo dahil sa isang nilalang na humahabol Sa kanya.
"Tulongggg!!! Tulungan nyoko,
Ayoko pang mamatay" paulit ulit na sambit nito, ngunit kahit anong sigaw ang gawin nya ay walang nakakarinig Sa kanya dahil nasa isang lugar sya na kahit Sino ay walang magtatangkang pumunta. Hindi nya Alam Kung paano sya nakarating Sa lugar na iyon.
Papalapit na nang papalapit ang taong humahabol Sa kanya sinubukan nyang tingnan Kung Sino ito pero laking gulat nya na walang mukha ang taong humahabol Sa kanya...
Gusto nyang sumigaw pero walang boses na lumalabas Sa kanyang mga bibig hanggang Sa madapa sya dahil sa isang kahoy na tumalisod Sa kanya.
Unti unti nang lumalapit ang taong walang mukha gusto nyang tumakbo pero tila nanigas na sya Sa kinauupuan nya habang papalapit ang nakakatakot na imahe pinilit nyang ipikit ang mata upang Hindi ito makita at umiyak na lamang.
"Tine gising huyyy!!! Kristine Garcia gising!!! nananaginip ka na nmn" at dahil nga Sa yugyog at sigaw ng kapatid Kong si Joseph nagising ako.
"Ate ano na? Tanghali na Dika parin gising" Sabi ni Sep sakin at napansin nya ang luhang pumatak Sa mata ko Kaya tinanong nya ako Kung ano na nmn ang napanaginipan ko.
Kwinento ko lahat Sa kanya at sinabi nya sakin na panaginip Lang ang lahat at di nman daw nangyayare Sa totoong buhay ang mga panaginip.
Pero Ewan ko ba palagi nalang akong nanaginip ng mga nakakatakot na pangyayari
Parang gusto nila akong isama Sa lugar Kung saan Sila naroroon.
Pagkatapos nga nun lumabas na ako ng kwarto at kumain.
