Sigawan, tulakan ang naganap sa mall, mukha silang nasa isang matinding gera, oo nga naman nasa gera sila. Gera kung saan ang labanan ay para maging kasama ka ng prinsipe sa isang movie.
Si zeus ang prinsipe ng andernight, kilala bilang isang matipuno at magaling na artista. napairap ako, kung hindi lang naman sya anak ng hari ay hindi sya sisikat ng ganto.
Kung para sa kanila ay mala-anghel ang ugali ni zeus pero ang totoo nito ay demonyo sya, demonyo ang ugali at halimaw.
Halimaw. Halimaw sa kama.
Nawala ako sa pag-iisip ng may umapak sa paa ko. napasigaw dahil sa matinding sakit, mukhang sinadya nya pa ito.
"Alis." sambit ng babaeng nakatayo sa harap ko, tinignan ko sya, mukha syang nasa bar dahil sa suot nya.
Typical pokpok sa madalian.
Hindi ako gumalaw nakita ko ang pag-kunot ng noo nya, ang mga foundation nya ay kumalat sa kilay nya, napatawa ako sa naisip ko.
"Why are you laughing?" she said, mukha pa syang hirap na hirap mag-english ah. "Umalis ka sa dinadaan ko! Lugar ko 'to kaya dapat sundin mo ako."
Nang mapag-masdan ko sya ng matagal ay naalala ko sya, sya yung anak ng nag-makaawa sa hari para makuha ulit ang mall na 'to.
dahil wala ako sa mood ngayon, hindi ako gumalaw kahit na isang hakbang lang, ng nakita ko ang inis sa mata nya ay mas lalo pa akong napangiti.
Sa isang galaw nakuha nya ang buhok ko, pero agad kong nakuha ang braso nya at sinipa ang tuhod upang mapa-luhod sya, nasa amin na ang mga mata ng tao pati na ang hari ay napatingin saamin.
Napadako ang mata ko kay zeus, i saw his evil smirk, napairap ako sa kanya. pinatayo ko ang babae at ngumiti ng peke.
Hindi nya ito kinuha kundi ay tumayo sya at umalis.
Aalis na sana ako pero nag-salita si zeus. "I want her to be my partner." my smile faded when i heard his voice. gulat akong napatingin sa kanya.
sisigaw na sana ako ng pumunta sya sa akin, lahat ng mata ay nasa akin at nasa kanya. lahat ng madadaanan nya ay yumuyuko, ng nakapunta na sya saakin ay nakita ko ang mala-demonyo nyang ngiti na nag-painis saakin sa araw-araw.
"welcome back, baby."
-blender.
