Chapter two

20 0 1
                                    

Kaya pala walng tao umalis pala silang tatlo. May napansin din akong sobre sa tabi nito at nagulat ako nang may laman itong pera. Binilang ko ito at ang pagkakabilang ko dito ay sampung libong piso. Sakto, pumasok naman sila ate franchesca at jhonna.

"Ate umalis sila mommy at daddy kasama si kuya nate iniwan nila itong pera" sabay bigay kay ate franchesca ang sobre.

"Kulang ito, paano ang renta diba hindi pa fully paid ang unit natin" sabi niya.

"Sabihin nalang natin na wala sila kaya hindi muna tayo makakabayad" sagot ko sa kaniya.

"Sige" sagot niya.

Pagkatapos ng ilang buwan hindi pa rin bumabalik sila mommy kaya nagtaka na kami. Hanggang isang araw dumating na ulit ang may ari ng condo para kunin ang bayad sa renta.

"Maam kailangan niyo na po magbayad ng inyong renta.

"Sir wala parin po kasi ang magulang namin kaya hindi parin po kami makakabayad" sabi ko sa may-ari ng condo

"Hay nako wala na akong pakealam kung wala ang magulang nyo, kung ayaw nyo magbayad umalis nalang kayo" sabi sa amin ng may-ari.

Kinuha nya ang mga gamit namin at pinagtatapon sa labas.

"Sir sumosobra na ho kayo, gamit namin yan kaya wala kayong karapatan na itapon ang mga gamit namin!" galit na sabi ni ate sa may-ari.

"Aba sumasagot ka pa" sabay hila sa buhok ni ate franchesca.

Tinulak namin ang may-ari at tumama ang ulo niya sa may lamesa.

"Lumayas na kayo!" sigaw niya at tumawag ng pulis.

Kinuha namin ang mga damit namin at umalis na pero pag baba namin nandun na ang pulis at nakita kami.

"Hoy bumalik kayo dito" sigaw ng pulis.

"Keishya pipigilan namin sila mauna ka na" sabi ni ate franchesca at jhonna.

"Di ko kayo pwedeng iwan ate" pagmamatigas ko.

"Maghanap ka muna ng tulong bago mo kami tulungan hihintayin ka namin we love you" sabi ni ate franchesca habang unti-unti na silang nawawala sa paningin ko.

*END OF FLASHBACK*

Hi everyone ito na po yung second part ng flashback ni keishya.

Plss VOTE and COMMENT.

-aledzurc2019

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ARCADIA ACADEMYWhere stories live. Discover now