CHAPTER # 3: BOYFRIEND? GIRLFRIEND?

Start from the beginning
                                    

Grabe, kilala nga talaga sya dito sa campus, kahit mga freshmen kilala sya kaagad?

Akala ko nagbibiro lang si kuya Ivo na campus crush nga tong mokong na to. Nang makarating sya sa table namin, pakiramdam ko nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan ko.

"Mhie, kanina pa kita hinahanap, eh" sabi nya.

"Sino sya?" tanong nung girl na katabi nya.

"Hi, Jhaydee, Rj's boyfriend" pakilala nya sa sarili nya at nakipagshake hands pa sa dalawa.

Natawa naman ako sa reaction ni Zarina, nganga kung nganga, ah, kilala din ba nya si Jhaydee?

"Upo ka muna" sabi nung lalaki, umupo naman sya sa tabi ko.

"Oh, Rain, pakilala mo naman kami sa boyfriend mo" Zarina

"Ah Dhie, ito nga pala Zarina, saka boyfriend nya si Jerson" pakilala ko dun sa  dalawa,

"Alam mo naman siguro na ex boyfriend sya ni Rain diba?" tanong sa kanya ni Zarina, kailangan ibunyag? Kailangan talaga itatanong? Sasabunutan ko na tong babaeng to, eh.

"Ah, oo naman, last five months lang kayo nagbreak diba?" sagot nitong mokong, buti naman at binasa nya pala yung binigay ko sa kanya.

"So kelan lang naging kayo?" tanong na naman ni Zarina,

"Last month lang" sagot nya naman

"Gano mo sya katagal niligawan? 1 week o 2 weeks?" tanong na naman nung girl, tsismosa tong babaeng to, ah,

"Two and a half months" sagot nya, kahit isang beses pa lang kami nagkita tapos a day after, eh, kami na.

"Ah, would you mind kung sosolohin ko muna ang girlfriend ko, we suppose to have a date kasi, eh" sabi nya sa dalawa, kanina ko pa kasi sinisipa yung paa nya, eh.

"Ah, sure, sige have a nice date" sabi ni Zarina.

Nagmadali naman kaming umalis sa lugar na yun. Hinila nya ko palabas ng campus habang hawak yung bracelet ko, gago talaga to.

"Hoy, wag naman yung bracelet ko yung hawakan mo!" saway ko sa kanya, tumigil sya saka humarap sakin.

"Anong gusto mo, kamay mo hawakan ko? Feeling mo naman" reklamo nya, saka binitawan yung bracelet ko, paglabas namin sa may gate ng campus.

"Aray naman, wag ka nga humuhinto bigla" sigaw ko sa kanya, nakita ko sya nakatitig sa kung saan!

"Hoy, sino tinitignan mo?" tanong ko, napansin ko yung mata nya na parang may namumuo ng luha, wow, ah, ganun nya kagusto yung girl?

"Sandali lang, ah" sabi ko saka nagtago sa likod ng isang room.

Ano kaya gagawin nya?

Sya kaya yung Lyra?

Naman, mas maganda pa ko dun, ah?

"Oh, hi Jhay" bati nung girl,

"May hinihintay ka ba brad?" tanong naman nung kasama nyang lalaki, saka nagsmirk sya dun sa girl. Inaasar nya ba si Jhaydee?

"Babe, baka yung mga kaibigan nya?" sabat naman nung girl. Aba pinagtutulungan ba nila si Jhaydee talaga?

"Dhie, Tara na?" sigaw ko bigla,

"DHIE?" sabay nilang tanong, lumapit ako kay Jhaydee saka hinawakan yung kamay nya,

"Dhie, who are they?" tanong ko in a nice tone, kunyare.

"Ah, mommy, ito nga pala si Lyra, saka si Marco" pakilala nya sa dalawa.

"Hi, Rain, Jhaydee's girlfriend, nice to meet the both of you" sabi ko saka nilahad yung palad ko na inabot naman nilang dalawa.

"Ah, tapos na kayo mag lunch?" tanong ko,

"Ah, oo, eh, maglalunch kayo?" tanong din nung girl.

"Oo, sayang, next time huh lunch tayo or dinner, if you have free time" sabi ko, ngumiti naman yung girl.

"Oo naman, sure, sasabihan ko si Jhaydee pag pwede kami" sagot nung Lyra.

"Sure masaya yun, double date tayo minsan" masaya kong sabi.

"Oo na---" di natapos ni Lyra yung sasabihin nya nang magsalita si Jhaydee.

"Mhie, Tara na?" sabi nya na naka tingin sakin. Yung mata nya kakaiba? Parang nakikiusap na ialis ko na sya sa harap nila parang ganun.

"Ah, sige, una na kami, bye" paalam ko saka na tinanguan si Jhaydee at nagsimula na kami maglakad palayo sa dalawa.

What's with this day?

Almost one month na kaming nagpapanggap ni Jhaydee pero 'di namin na tityempohan sila Jerson at Lyra.

Tapos ngayon, nakita namin sila ng sabay?

Kung kelan naman hindi ako handa?

Nakaka ewan lang.

Sinusundan ko lang si Master kung san ba nya ko dadalhin. Surprisingly, nandito kami ngayon sa isang Korean restaurant, mahilig din sya sa Korean food?

Mula ng makaalis kami sa campus hanggang ngayon 'di pa din sya nagsasalita! Kaya ako na lang magsasalita.

"Lakas ng trip ng tadhana no? Pinakita satin yung dalawang taong last month pa natin hinahanap, at sa di sinasadyang pagkakataon pa" sabi ko habang kumakain.

"Saka infairness dun sa Lyra, ah, mukha naman syang mabait" dagdag ko pa,

"Pati yung guy, parang mahal na mahal nya nga si Lyra" sabi ko na naman, pero 'di ako pinapansin nitong kausap ko.

"Jhaydee?" tawag ko sa atensyon nya, tumigil sya sa pagkain saka tumingin sakin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko, syempre in a nice tone, baka mabadtrip sakin, eh.

"Tapusin mo na yang kinakain mo para maihatid na kita" sabi lang nya saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Yes sir!" sabi ko lang saka na nagpatuloy sa pagkain.

Pagkahatid sakin ni Jhaydee, I texted him saying thank you.

Nakakailang magpanggap sa harap ng taong mahal mo, kaya alam ko yung pakiramdam ni Jhaydee kanina. Naaawa ako sa kanya, kagaya ng pagkaawa ko sa sarili ko.

Tanga ba kami dahil pinipilit naming kunin ulit yung dati nang naging samin pero umalis dahil din samin?

I Love You My REBOUNDWhere stories live. Discover now