Chapter 1

1.4K 31 1
                                    

Vice's POV




Bumangon ako sa kama at napasapo naman ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Hangover panigurado dahil ilang bote ba naman ng alak ang nainom ko kagabi.





Hayy! Eto nanaman siya. Inaatake nanaman ako ng kalungkutan. Tsk, naaalala ko nanaman lahat. Kung paano niya ako iniwan. Kung paano niya ako sinaktan.





Sabi nila na kapag uminom ka daw, makakalimutan mo yung sanhi ng kalungkutan mo eh bakit ganon?! Mas lalo ko lang siyang naalala.





Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Lintik na pag-ibig 'to! Bakit pa kasi naimbento.





Tumayo ako at napatingin sa wall clock sa kwarto ko. Shit! Alas dose na pala. Dali-dali akong pumunta sa kwarto para maligo nang tumunog yung phone ko. Lumapit ako at nakita ko ang incoming call galing kay Direk.






Tsk, patay ako neto.






Vice: Hello Direk?






Direk: Vice! Where are you? Nagsisimula na ang opening and until now wala ka pa din!






Vice: Ah-eh pasensya na po Direk. Kakagising ko lang po pero maliligo na ako.





Direk: Hay nako Vice. Ano nanaman ba ang pinaggagawa mo kagabi? Please lang, kung tungkol yan sa nangyari between you and Calvin dapat hindi mo ginagawang dahilan yun para maging unprofessional ka. Tsk tsk.





Mas lalo akong nalungkot dahil sa sinabi ni Direk. Kasalanan ko ba kung minahal ko lang talaga siya?





Pero, may point si Direk eh. I should be professional.





Vice: Sige po Direk, bibilisan ko na lang pong kumilos.





Direk: Okay, just get here as soon as possible.





Binaba ko na yung call at pumunta na sa banyo. Binuksan ko yung shower at nagsimula nang maligo.






---






Naglalakad ako papunta sa DR ko kasama si Bonita at Buern. Nang makapasok kami doon ay sinimulan na din akong make-upan.






Habang minemake-upan ako ni Bonita bigla nanamang nag-flash sa isip ko yung mukha ni Calvin. Kung gaano siya kasaya kasama yung asawa at anak niya. Actually, hindi ko din talaga alam sa sarili ko kung bakit ako pumapayag na maging kabit lang eh. It's just that, I really love him.






Binuksan ko yung phone ko at nag-selfie na lang. Nai-stress na ko sa mga nangyayari sakin ngayon. Marami-rami din yung pictures ko kaya ini-story ko sa ig lahat. Hmp, magsawa kayo sa mukha ko.






Bigla namang nagbukas yung pintuan at may kung anong nakakabinging boses akong napakinggan.






"Sissssss!" Napalingon ako dun at tama ako. It was Anne.






"Anne, yung boses mo naman! Nakakarindi na promise! Araw-araw na lang." Sabi ko dito na naging dahilan upang mangunot yung noo niya. Binelatan lang niya ako at yun din ang ginawa ko sa kanya.






"Late as always." Sabi nito. Inirapan ko na lang yun siya at hindi na pinansin.






"5 minutes!" Sigaw nung staff kaya lumabas na din kami nina Anne. Nakita ko naman sina Vhong at lumapit dito.






Last NightWhere stories live. Discover now