Part 1: Ang simula

3.2K 53 18
                                        

Touchdown Italy✈️

Ronalisa's POV
Wow! Totoo na nga, hindi nato panaginip, finally nandito na ako!

Lord!!! thank you Lord!... kahit malabo pa tong visa ko feeling ko simula nato ng katuparan ng pangarap ko. Hayy Italy! I love you!!! Sambit niya sa sarili habang umiikot sa poste sa may exit ng international airport.

Sei uno istupido! Sigaw ng lalaking nasa likod niya.

Di namalayan ni Roni na sa galak niya habang umiikot ay nasipa niya ang pwet ng lalaki kaya ganon nalang ang nasabi habang wari ay sakit na sakit habang pinagpag ang sarili

Ronalisa's POV
Nako! Sorry po. Spiacente! (sorry).
Come sta? (How are you?)....aaaaah...ahhh
Al dente...mi dispiace (I am sorry!) Despacito...(at sa kaba ni Roni ay nalito na siya at ang tanging nasabi nalang nya ang lyrico ng kantang despacito)🥺

Nabigla naman ang lalaki at lumayo nalang habang sinasabing Pazza! Pazza! (crazy).😒

Natawa naman si Roni sa akalang gutom ang lalaki at gusto ng pizza

Ronalisa's POV
Baliw tong lalaking to... mapagsamantala...nagsorry na nga ako gusto pa atang ilibre ko siya..hoi unang araw ko pa dito oi...Wala pa nga akong pera... Hayy baliw! sayang gwapo pa naman 😂

At dito na nagsimula ang pag-ikot ng buhay ni Roni sa Italya. Bagama't tourist visa lang siya, umaasa siyang maasikaso sa madaling panahon ang kanyang papeles para makamit ang student visa na pinapangarap niya at umaasang hindi na siya mabibigo.

Pangalawang beses na niya itong mag-apply ng student visa, dahil sa unang beses ay nadeny siya. At dahil narin sa payo ng kanyang agent, minabuti niyang magtourist visa nalang muna at dito nalang sa Italya ilodge ang visa niya dahil mas malaki daw ang tsansang ma-approve ito.

Nagdaan ang mga araw na nanatiling positibo si Roni sa takbo ng buhay niya. Kahit mahirap maghanap ng trabaho ay sa awa ng diyos kalaunan ay may nakita naman ito. Bagama't iba sa trabaho niya sa pinas ay masaya padin sya dahil mas malaki Ang kita dito sa Italya kesa noong nasa pinas pa sya.

Manager siya noon sa pinas, ngunit kahit mataas na ang position niya sumugal parin siya upang mangarap sa Italya dahil kulang parin ang kita niya upang maitaguyod ang dalawa niya kapatid at sa pangarap narin niyang maging isang international chef.

Tanging si Roni ang nagsisilbing breadwinner sa pamilya nila. Namatay ang nanay niya noong bata pa sya at pagkalipas ng ilang taon sumunod naman ang ama niya.

Dahil narin sa pagkumbinse ng tiyahin niya na subukan ang Italya, ngayon ay nandito na siya.

Sa kasalukuyan, nagtratrabaho siya bilang waitress sa isang cafe.

Katapat ng Cafe ang isang italian restaurant na palagi niyang
pinagmamasdan. Ito daw kasi ang pinakasikat sa Italya at may maraming branches sa bansa.

Pangarap niya sanang makapasok dito, at maging isang ganap na chef.

Ronalisa's POV
Hayyy, balang araw luluhod ang mga tala! At sa pagsambit niyang yun, tila may umihip na hangin sa mukha niya at bigla siyang napatigil. Tila ba naging slow-mo ang mga pangyayari ng mahagilap ng kanyang mga mata Ang isang binatang naka chef's uniform.

Ito'y matipuno, smart-looking at mukhang mabango.

Napangiti nalang bigla si Roni ng ngumiti ang lalaki sa customers habang pinapaliwanag ang putahe na sinerve nila at bahagyang napatingin sa dalaga at ngumiti sa kanya.

Siya na nga ba si Mr. Right? Ang tanging bulong nalang ni Roni sa sarili niya.

Tila ba nagsimulang dumami ang sumagi sa isip ni Roni sa mga tagpong iyon. Sino nga ba ang lalaki at bakit siya biglang nginitian nito?

My Pseudo Husband 😘 (Completed) 💕La tua prossima ossessione. Scoprilo ora