Chapter 1

12 0 0
                                    

“Captaaaaaaaaaain, hintay naman oh” sigaw ng payat na babae habang tumatakbo pa punta sa isang babae na may itim at lilang highlight buhok.

“Tsk” singhal ng babae dahil na iingayan siya sa kanyang kasama.“Waah, captain naman eh. Hindi ko na kasalanan na may mahahaba kang legs” naka puot niya sabi. “Hindi ko na kasalanan na payat ako at may maikling biyas” reklamo niya ulit.

Gaya ng kanina, tiningnan lang siya ng babae na parang wala lang.

“Waah, captain naman eh. Ba't ang sama mo. Huhuhu uuwi na lang ako sa amin!!” maiyak-iyak niyang sabi at nagpapaawa sa tinatawag niyang captain. Her captain just shrugged at naglakad ulit habang binabaybay nila ang daang puro mga punong makikita sa paligiran. Hindi na nag salita pang muli ang babaeng payat na may bughaw na buhok dahil gaya kanina wala siyang napala sa kapitan niyang pinaglihi ng sama ng loob. Masyadong snob ang amo niya kaya nagtitiis na lang siya sa maliit ba atensyong binibigay sa kanyang kapitan.

“Ready yourself Azi! We have company” seryosong pahayag ng kapitan niya. Agad naman nag ningning yung mga mata niya. “Eeeeeeh, I'm excited, I'm excited!! Kill! Kill! Kill! I'll play! I'll play!! At last! Hahahahahahaha” tawa siya ng tawa na parang na hihibang.

“Haaaa! I'm sleepy. Go finish them!” lumalanghab niyang sabi sa babaeng payat. Hindi nito kita ang mukha ng babae dahil mag tabil ang mukha niya gawa ng isang mamahaling tela sa Goruo, isang napakamisteryosong imperyo na pinanggalingan nila. Gaya din nila ay misteryoso din ang kapitan nila. Hindi nila alam kung sino at ano ang totoong kataohan ng kapitan nila. Pero they just serve her without questioning her identity.

“Owraaaayt kapitan. Hahahahaha” may kislap ang kanyang mga mata habang sumasagot sa kapitan.

“Sino kayo?! Ibigay niyo ang mga gamit ninyo kung ayaw ninyong masaktan!” pananakot ng mga bandido sa babaeng may ngiti sa labi na parang mas nasisiyahan sa nangyari.

Nanginig naman ang mga bandido dahil sa kaalamang hindi na sindak nila ang babaeng may bughaw na buhok, mas nasiyahan pa ito na parang halang sa pakikipaglaban.

“Sinong tinatakot niyo? Ako?” sabay turo niya sa kanyang sarili. “Oh, siya?” turo naman niya sa kapitan niyang natutulog sa taas ng puno.

“Isang hangal!” sigaw ng isang bandido habang sumugod sa babaeng may bughaw na buhok dala-dala ang isang ispada at aakma na itatarak na niya ang ispada sa babaeng parang baliw kung umasta ay agad naman itong nawala at na punta sa kanyang likod.

“Ako ba ang hinahanap mo, bungal? Hihihi” bulong ng babae sa kanyang tenga. Hindi na naka kilos ang bandidong bungal dahil nawalan na ito ng malay dahil sa isang pitik lang ng babae.

“Sino ang susunod? Hihihihi bilis! Bilis! Bilis! Hihihi” masaya niyang sabi. Napatulon ng laway ang natitirang bandido. Nagkamali sila ng binangga! Agad namang tiningnan nila ang babaeng nasa harapan nila na pa unti-unting humahakbang papunta sa kanilang direksyon, isang hakbang ng babae ay katumabas nito ang pagpipigil ng kanilang hininga't sinabayan pa ng grabing pamamawis at lunok na pa uli-ulit!

Gayon lang ang kinagimbal nila ng matingnan nila ang kasuotan ng babae. Napa ihi ang isang bandido sa takot dahil na mukhaan niya ang babaeng nasa harapan nila na parang balak sila nitong lapaan ng buhay. Ang suot nito ay nagpapatunay na kabilang ito sa mataas na ranggo ng Imperyong Goruo. Tumingin naman sila sa babaeng natutulog at mas lalong nanginig sila sa takot ng mahagilap niya ang isang crest na naka lagay sa bandang kiliran ng babaeng may itim na may halong lila ang buhok.

Hindi to maari. Kataposan na namin. Bakit sila pa” sabi nila sa kanilang mga isipan!

“I-ikaw— i-isa k-ka s-sa —... G-galing ka s-sa I-imperyong Goruo” nanginginig na sabi ng bandidong umihi lang kanina.

Reagan: The Royal Sinners Where stories live. Discover now