Prologue

6 1 2
                                    

"NO! You're the one that i loved, you're the one that i need. Huwag mo naman gawin sakin ito Matt minahal kita at patuloy na mamahalin. Bakit ba pinipilit mo si Nicole ang mahalin ko kung ikaw ang tinitibok nito."


"Hindi, mo maiintindihan Landz, kase hindi ikaw ang nakakaramdam ng takot. Ayaw kong kamuhian ako ng pamilya ko. Ayaw ko i disappoint sina mama at papa. Sana maintindihan mo naman. Hindi pa ako handang lumantad sa kanila."





"KAYA IBIBIGAY MO AKO? Kaya pinagloloko niyo ako na kaibigan mo? Ganyan ka na ba? Lahat gagawin ko naman basta huwag ka lang umalis. Lahat Matt, ibaba mo na ang pride mo. Kaya naman kitang buhayin. Kaya kitang ipagtangol sa angkan mo. Please, huwag mokong iwan."







Nang biglang may pumapatak na ulan sa dalawang naguusap. Ang langit na tila na nakikinig sa paghihiwalay ng dalawang pusong nagmamahalan.




"Hindi puede, hindi ko kaya. At ayaw ko makasira ng buhay ng isang bata, Landz buntis si Nicole. Ikaw ang Ama. Huwag mong balewain at hayaang lumaki ang bata na walang Ama. Mas kailangan ka niya kaysa sa kailangan kita. Lalo na alam mong galing ako sa angkan na kasundaluhan. Kung mahal mo ako gagawin mo ito. Palayain mo na ako."




Kahit sinasabi ito ni Matt ay parang may sandanglibong patalim ang tumutusok sa kanyang puso. Ayaw niyang mapahiya ang kanyang pamilya na galing sa angkan na mga maton at macho, Ang angkan ng sundalo at pulis ang piniling propesyon. Kahit na gusto niyang yakapin ang lalaking una at huli niyang mamahalin, si Landz.



Gayundin ayaw niyang masaktan ang magiging anak ni Nicole kay Landz kahit sa ginawa nitong kasamaan sa kanya. Hindi siya masamang tao para ipagkait iyon sa bata. Titiisin niya ang pagmamahal niya kay Lanz, anuman ang mangyari.




"Putang ina Matthew, lahat iniisip mo ang kapakanan ng iba. Isipin mo ang sarili mo. Halos iluklok mo na sa taas ang pamilya mo sa lahat ng achievements na meron ka. Hindi ko alam bakit mahal na mahal kita. Kung iyan ang hinihiling mo... ngunit huwag mo hayaan na hindi ko mapadama ang pagmamahal ko sayo".







Sabay halik sa labi ni Matt. Hindi tumangi si matt at nagalab ang kanilang puso, nagisa ang kanilang katawan sa hardin nila Matt. Kung saan silang patagong nagkikita. Basa ang kanilang katawan sa ulan. Gayundin ang kanilang mata na may umaagos na luha.










"MAKAKAASA KA MATT, na pakakasalan ko si nicole. Naway nagwagi ka sa gusto mo. Sana maging masaya ka, pero ikaw ang una kong inibig. Sobrang sakit pero matutuhan ko din mahalin si Nicole kung iyon ang nais mo." Sabay suot ng kanyang damit si landz.









Tumalikod na ang lalaki at pinaharurot ang kotse. Habang nagmamanehong may luhang tumutulo sa pisngi. Hininto ni landz ang kotse at sumigaw. Pinagsusuntok nito ang manibela. Laging laruan lang ang turing sa kanya ni Matt. Nangako siyang patitigasin ang puso niya sa muling pagkukrus ng landas nila. Kung iyon ang gusto ni Matt , siyang susundin niya.







Lalaruin niya ang laro na pinalaro ni Matt at Nicole sa kanya. Tumugtong ang kanta sa radyo at siyang lumuhang nakikinig...



Don't Ever Return by Matteo Eleazar
from The Somgbook of Neglected Man

♪♪I am left,
Why you should keep coming back?
To turn again my biggest fears,
Make my heart in million tears♪♪

♪♪I dont know,
Why i am crying until now?
To be afraid on the demons made,
Your promises that unmade♪♪

♪♪Don't ever return,
Turn my heart in ashes and urn,
To make my life in chaotic scene,
All your touch never been
I dont want to hear,
All the laughter you seems unreal,
Are you having your skin♪♪

♪♪Yeah, i dont need your fake smiles
I dont need your needy touch
Keep going in my liife again,
Just go and left me, not astray♪♪

♪♪You almost do everything you want
Keep me in this disastrous state
Distance seems so real
Dont ever dare to talk♪♪










---- END OF PROLOGUE

AN: Baguhan lang po ako sa pagsulat. Pasensya na po kung hindi pa po pulido ang pagkakagawa. I eedit ko po siya pagkatapos po ng pinaka libro na po ito. May mga time din po, mabagal po ang update dahil nagtuturo po ang inyong lingkod. But there are times po na tatlong parts po ang ipupublish ko po kung sakaling matagalan po ang releases. Salamat po ng marami.

Please vote🌟and comment 🗣po.

Temptation of ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon