Chapter Twenty-four

Beginne am Anfang
                                    

“Uy, bati na tayo,” sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Tinignan ko sya. “Haaaay, sige na bati na tayo, pero next time wag na wag ka ng magpapatay ng cellphone ha, nag-aalala ko sayo eh,”

Umayos sya ng upo at tinaas ang kanang kamay nya. “Promise!,” ^_^

“So what happened yesterday?”

Bigla syang napatungo.

“Hey, may ginawa ba syang masama sayo?”

Tinignan nya ko, at binanggit nya ang salitang nagpakaba sakin. “He kissed me,”

SH*T! Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi nya? Dapat di ba masaya ko para sa kanya? Kung hinalikan sya nung Leih na yon, possible na may gusto rin sa kanya yung lalaking yon. Yung lalaking minamahal nya hanggang ngayon.

T-Teka, ano uli yung sinabi ko? Hinalikan sya nung Leih na yon kaya possible na may gusto rin sya sa kanya?

E ako? hinahalikan ko rin si Chloe di ba? Ibig sabihin… Hindi… trip ko lang naman inisin si Chloe kaya ganon eh, magkaiba yon sa ginawa sa kanya ni Leih.

Pero bakit bigla akong natakot? Kung totoo ang nasa isip ko, baka kaya umuwi dito si Leih ay para makabawi kay Chloe, tapos… teka, teka nga.. ano ba yan masyado akong nag-iisip, hindi naman siguro ganung katanga si Chloe para maniwala pa sa gagong yun. Pero pano kung dahil sa pagmamahal ni Chloe mapatawad nya agad yung lalaking yon tapos… mai-itsapwera na ko. Ha? E anong ipinag-aalala ko don? Hayaan sila kung saan sila masaya, tsk tsk.

“Jace?” pukaw nya sa atensyon ko.

Tinignan ko sya.

“Ok ka lang? Galit ka ba?”

“Why would I?” inis kong tanong.

“Then, bakit ang higpit ng pagkaka-kuyom mo sa kamao mo?” tanong nya.

Napatingin ako sa kamao ko. Oo nga noh? Hindi ako aware na nakakuyom pala ang kamao ko.

“Jace,” sabi uli nya.

Tinignan ko sya.

“I responded to his kiss,” malungkot nyang sabi.

“E yun naman pala eh, bakit ka malungkot dyan? Gusto mo naman yun di ba?” galit kong sabi pero pabulong lang.

“I’m sorry,” malungkot pa rin nyang sabi.

“Wag ka ngang mag-sorry, magsama kayo,” sabi ko at tumayo na, palakad na sana ako pero pinigilan nya ko.

“Jace naman, hindi ko naman inaasahan yun eh,” tumayo din sya.

 “Pero ginusto mo rin, ganun na lang ba yon? Pagkatapos ka nyang saktan, isang halik lang wala na yung galit mo sa kanya?”

Napatungo sya.

SH*T! Sinipa ko yung upuan ko kaya napukaw non ang atensyon ng mga kaklase namin. Nakaka-badtrip talaga! Nakakainis!

“Hey Jace, bakit? nag-aaway ba kayo?” tanong nila Lyndon.

“Chloe, anong nangyare?” tanong ni France.

“W-wala, may hindi lang kami pagkaka-intindihan, don’t mind us,” sabi ni Chloe at hinawakan ang kamay ko. “Upo muna tayo,”

Tsk. Umupo na rin ako nung maitayo ko ang upuan ko.

ilang minuto kaming tahimik, walang nagsasalita samin, parang nakikiramdam din ang mga kaklase namin dahil walang nag-iingay sa kanila. Haist, mga tsismoso’t-tsismosa.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLWo Geschichten leben. Entdecke jetzt