MAGICAL 2

11 3 1
                                    

CWSADN CHAPTER 2

CHARLOTTE POV:

Nandito kami ngayon ng kapatid ko sa bahay. Nag eempake.

"Ay ate, ano ba ang pangalan ng school na pupuntahan natin? Maganda ba dun?"

"Sa tita daw natin yung may-ari ng school na yun eh."

"MAY TITA TAYO?! SO IBIG SABIHIN MAY KAMAG-ANAK TAYO?! YEEEEEEEEY!"  Masayang sabi ni Vhen. Bigla naman akong nalungkot.

"Pero hindi natin alam kung masasama o mababait sila Vhen. Dahil kung totoong kamag-anak natin yun, hindi nila tayo iiwan at sana mag bisita naman sila. Kahit isang bisita wala nga eh, ano pa kaya kung makikita tayo dun? baka hindi nga nila tayo papansinin."

"Ate have faith, Alam kong galit ka sa kanila pero alam ko na tanggap tayo nun. Tiwala lang." Sabi ni Vhen at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Sige na tama na tong' kadramahan na to'. Pupunta pa tayo dun." Sabi ko at ngumiti.

"Yan ang ate ko!"

"Oh tara na." Sabi ko at dinala ang mga gamit papunta sa sasakyan. 

Kasama nga pala namin yung mga katulong ni Miss Principal. Pinagamit niya samin yung sasakyan niya.

"Kuya may tanong lang po ako ah. Ano ba ang pangalan ng school na pupuntahan natin?" Tanong ni Vhen.

"Grevella Cytisus School of Magic."

What? Magic school papasukan namin?

"Magic school ho yung papasukin namin?" Sabi ko kay manong.

"Hindi namin alam kung magic school talaga yun. Ang alam ko lang ay yun ang pangalan ng school niyo." Sabi ni manong. At tumango naman kami ni Vhen.

"Andito na po tayo. Iiwan ko na po kayo dito." Sabi ni manong. Kinuha naman namin ni Vhen ang mga gamit namin at nag paalam kami sa isa't-isa.

"Bye manong." Sabi ko kay manong, tumango naman siya at pinaharurot ang sasakyan.

Pumasok naman kami ni Vhen sa loob.

"Ate ang laki naman ng paaralang to'." Sabi ni Vhen habang tinitignan niya ang malaking paaralan.

Ba't Black ang kulay sa Right side at White naman ang sa Left side?

Weird.

Dahil sa sobrang focus kong nakatingin sa magandang paaralang napasukan namin. Hindi ko namalayan na may nakabangga akong tao.

"Aray." Sabi ko.

Patay.

Baka magiging bully ko na itong nakabangga ko ah.

"Ok ka lang miss?" Sabi niya at inabot niya naman ang kamay niya sakin. Tinignan ko naman kung sino.

Lalaki ang nakabangga koooooooooo!

"Miss? OK ka lang ba?" Tinignan ko naman ulit siya at nag tama naman ang paningin naming dalawa.

"A-ah Okay lang ako hehe."  Sabi ko at kinuha yung kamay niya.

Tinignan ko naman ulit siya at nagtama na naman ang paningin namin.

Doon ko lang napansin na color green yung mga mata niya.

"Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh." Tanong niya.

"Ahh Oo eh." Ngayon ko lang napansin na nakahiwalay na pala ako kay Vhen. Hahanapin ko nalang siya mamaya.

"Uhh Miss ano po ba ang pangalan niyo?" Tanong ni Mr. Green Eyes.

"Charlotte Reign Vendell. You can call me Charlotte or Reign, Kumportable naman ako sa dalawa eh."

"Nice to meet you Reign, I am Damion Jace Seymour." Sabi niya habang nakangiti.

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking gwapong ngumiti maliban kay Vhen.

"Nice to meet you, Jace." Sabi ko at nakipag shake hands naman kami.

"Sorry ha baka ma late na ako sa papasukin ko eh, See you later nalang. Bye!" Sabi niya sakin.

Ha magkikita pa kami?

"Ahhh Sige?" Sabi ko ng mahina at tinignan siyang umalis. Hindi niya pala namalayan na nahulog yung panyo niya.

"Teka! yun-" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil wala na siya.

Nagmamadali talaga yun. Isasauli ko nalang to' kapag nakita ko siya ulit.

Ano nga yung gagawin ko?

Ay si Vhen!

Hahanapin ko pala yun.

DAMION POV:

Late na naman akooooooo!

Patay ako kay Greyson nito.

Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na tinitignan ang nilalakaran ko kaya may naka bannga akong tao.

"Aray." Rinig kong sabi niya. 

Namumutla ba siya?

"Ok ka lang miss?" Sabi ko at inabot ko ang kamay ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako.

Namumutla siya nung nakita niya yung itsura ko.

Ano ba ang nakakatakot sa itsura ko?

"Miss ok ka lang ba?" Inulit ko naman ang tanong ko sa kanya. At nag tama naman ang paningin naming dalawa.

Ganda ng mata niya. Golden Eyes.

"A-ah Okay lang ako hehe." Sabi niya at kinuha kamay ko.

Nagtama na naman ang paningin naming dalawa.

"Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh." Dark ba to' o Light?

"Ahh Oo eh." Sagot niya. At parang may hinahanap siya.

Hindi ko nalang siya tinanong kung Dark ba siya o Light, kailangan niya muna malaman yun.

"Uhh Miss ano po ba ang pangalan niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Charlotte Reign Vendell. You can call me Charlotte or Reign, Kumportable naman ako sa dalawa eh."

"Nice to meet you Reign, I am Damion Jace Seymour." Sabi ko at ngumiti.

 "Nice to meet you, Jace." Nakipag shake hands kaming dalawa.

Hala may pupuntahan pa pala ako!

"Sorry ha baka ma late na ako sa papasukin ko eh, See you later nalang!" Sabi ko sa kanya.

Hindi ko na narinig yung sinabi niya dahil umalis na ako.

CHARLOTTE POV:

"Ateeeeee! San' ka ba galing?! Iniwan mo ako at pumunta sa kung saan-saan!" Sigaw ni Vhen sakin. Nagalit.

"Sorry Vhen, Nawala ako eh malaki kasi tung school na to', kaya hindi ko na alam kung saan ako pumupunta. Sorry talaga." Pagpapaumanhin ko naman.

"Hays ate tingin-tingin naman oh, nandito ang kapatid mong gwapo. Paano kung nawala ka? Sino mag-aalaga sakin? At isa pa, Mawawalan ka ng gwapong kapatid!" 

"Akala ko pa naman nagalit ka sakin. Mali pala inakala ko, Bahala ka na nga diyan." Sabi ko at iniwan siya.

"Ate! Teka hintay naman!" Sigaw niya at humabol sakin.

Di ko siya pinansin at hinanap kung saan ang Principal's Office.




Crystal White Snow and the Abyssal Dark NightWhere stories live. Discover now