CHAPTER 0.5

0 0 0
                                    


Henesy's POV

" Dude Hanggang Kelan ka ba
ganyan? " Imik ni Josh habang Tumagal ng isang shot ng Whisky.

Tingnan ko siya ng masama sabay ikot nang mga mata ko sa loob ng Bar. As usual Crowded ang Bar. Sa isang tabi madaming businessman at sa kabilang side Daming mga sumasayaw. Ung tugtog aakalain mong Earthquake ang hampas sa loob ng bar. High end ang Bar so puro mayayaman lang ang makakapasok.

" Wag ka puro tanong Josh, mamaya susuntukin ka na niyan. " sabi sakanya ni Wilbert sabay tingin saken kung gagawin ko ba o hindi.

Inirapan ko nalang silang dalawa sabay tagay sa Shot ko. Nagtawanan naman sila Ryan at Stephen.

" Oo nalang. Nagaalala lang kasi ako. Hindi naman ganyan si Henesy, Akalain mo kauuwi ko lang ng London eto maabutan ko sa Pilipinas. " sabi ni Josh samen at tumingin saken bakas ang lungkot sa mata niya. Wala EH si Josh siya ang pinaka soft hearted samen. Magkakapatid na magkadugo kami para sakanya. Pag may nadapa na isa samen. Padadapain niya lahat.

" Ano ba kasi nangyari? " tanong ni Josh ulit saken. Bigla akong nagalit nang maalala ko ang nangyari kaya binasag ko ang basong maliit na pangshot sa wall. Lahat sila napatingin saken at biglang tumahik. End Line alam nila yun.

" Pwede ba Josh Kahit ngayon lang tumahik ka. Let Henesy live. " sabi Ni Ryan at pabirong sinuntok sa braso si Josh. Tumawa sila lahat na may halong nerbyos, Di nila alam kung ano sunod kong gagawin.

Kaya Humingi nalang ako ulit ng isa pang shot na baso para sa Whisky.
Wala ako sa mood para alalahanin o ikuwento ang buong nangyare. Baka makabasag ako ng bungo ng di oras.
Alam naman nila Ryan, Stephen, At Wilbert nangyari. Dun siya magtanong. Uulitin ko pa ba? Kasalanan ko ba? Tsk.

Umiikot ang mata ko sa bar nang biglang May dumating ng grupo ng mga babae sa table naman. Apat sila kaya isa isa nila kaming malapitan bukod saken na walang lumapit. Apat na oras na kami andito. Kaya its time for me na umuwi.

Umalis ako sa table namen ng hindi nagpapaalam, wala focus nila nasa mga babae. Good for them. Wala din ako sa mood sa mga babae. Pagkatapos ng nangyare saken dahil sa babaeng yun!.

Lumabas ako sa Bar at dumiretso sa Kotse ko. Sabay drive palayo at umuwi sa Apartment ko. Pagkadating ko sa apartment which is 5 minutes away. Nagpark ako at bumaba sa kotse. Sabay pasok sa Loob ng Building. Dumiretso agad ako sa Elevator at hindi tinignan ang nakangiting receptionist.

Pagkatigil ng elevator sa floor 5th ay dumiretso agad ako sa pintuan ng apartment ko at binuksan, nagkalat ang mga Bote ng alak sa floor at ang gulo gulo. Parang buhay ko ngayon magulo. Binuksan ko ang Ref sabay kuha ulit ng alak. Sabi nila hindi daw mawawala ang problema mo sa alak. Well Hindi mawawala pero kahit papano may magagawa.

***

Dumating ang Umaga, Nang di ko napansin na 10am na pala Nagising ako sa mga katok na nagmumula sa pintuan. Sino ba pupunta ng 10am sa apartment ko? Sa sobrang lasing ko hindi ako nakatayo ng maayos at sobrang sakit ng ulo ko na napapunta ako sa CR at sumuka. Sinuka ko lahat ng mga nainom ko kagabi pero Andun parin ang sakit na hindi parin natatanggal.

" HENESY! "
"HENESY BUKSAN MO TONG PINTO! "
"HENESY!!!! "

sigaw ng isang taong ayaw ko makita at hindi ko nakita ng isang linggo pero sa ngayon alam kong hindi yan titigil kumatok at sumigaw kasi siya ang may ari ng building at nang apartment ko.

" SAGLIT! " sigaw ko pabalik at tumayo ng dahan dahan sa CR, sabay labas ng Cr na nakakonekta sa Kwarto ko. Paglabas ko ay dumiretso agad ako sa kusina. Kinuha ang Medicine Pills para sa ulo ko wala eh masakit sabay inom ng tubig.

Binuksan ko agad ang pinto ko at tumambad si PAPA. Nakatingin siya saken na may halong awa, Lungkot at galit. Iniwan kong nakabukas ang pinto, at umupo sa Sofa na ubod ng kalat ng mga Bote ng alak. Di ko nga maayos sarili ko. Apartment ko pa kaya.

" Henesy, Umayos ka naman. Ilang araw ka na ganyan Anak. Maawa ka naman sa sarili mo. " Imik saken ni Papa habang nakatayo at nakatingin saken. Nakasuot siya ng suit and tie meaning papunta na sa trabaho si Papa.

Di ako umimik. Ganito ako mas gusto manahimik kesa magsalita. Ano pa sasabihin ko? Wala diba mas masayang manahimik kesa umimik sa mga tao. Akala mo maaasahan pero hindi.

" HENESY! I'M TALKING TO YOU! HOW LONG? HOW LONG HA!? " sigaw niya saken sabay titig sa mga mata ko. At tumingin sa paligid para makita kung gaano ako sirang sira.

Umiling lang ako sakanya kasi hindi ko din alam sa sarili ko kung hanggang kailan ako ganito. Kung kailan matatapos itong sakit na nararamdaman ko. Ang alam ko lang sakit. Yun lang.

" Panay tawag ako HeneSy. But you never pick up. Pati kapatid mo Nagaalala. Si mama mo Nagaalala. Nagaalala kami sayo anak. " Sabi ni Papa at tumingin sa mata ko.

" Anak please fight. Please fix yourself. Alam kong lubog na lubog ka na. Alam kong masakit. Pero please kahit paunti unti kumilos ka. Bumawi ka. Ano hahayaan mo matalo ka nya? Ganyan ka? " sabi ni papa na parang nagmamakaawa saken na kumilos ako.

For the first time nakita ko. Nakita ko kung gaano siya nalulungkot saken. Baka nga. Baka mapakilos nya ako. Susubukan ko. Subukan kong lumaban sa hirap at sakit. Pero paano? Ayoko maging mahina. Ayoko umiyak. Ayoko matapaktapakan ako. Ayoko sa lahat. Galit ako sa nangyare, Galit ako sa mga kaibigan ko na parang walang pake, Galit ako kay papa na parang nawawala ako kahit andito lang ako. Galit ako sa lahat, Sa mundo kasi......

Nagmahal lang naman ako ng totoo. Nagmahal ako ng buong puso. Nagmahal ako at binigay ko lahat. Nagmahal ako na kahit mahirap kakayanan ko. Nagmahal ako na siya lang nakikita ko. Nagmahal ako ng masaya. Nagmahal ako araw araw at gabi gabi. Nagmahal ako.

Tumango nalang ako ng mahina. Siguro kahit sino di mapapansin ang pagtango ko.

Tinignan ako ng saglit ni papa at lumabas ng apartment ko. sinara ko ang pinto atsaka tumingin sa kwarto.
Hanggang dito na nga lang ba talaga ako?. Ganun ba talaga ka sakit na lahat ng tao eh ayaw ko makita.
Siguro nga oo.

Lumakad ako papunta sa loob ng kwarto at kinuha ang diary ko. Ang childish diba? Lalaki tapos Diary? Ang layo naman.

Ikaw,
Sa nagbabasa at nagsusulat nito. Madaming tao nagsasabi na malakas ka, pero nilamon ka ng galit lalong lalo na ang lungkot dahil sa pagmamahal. Sa pagmamahal sa babaeng iniwan ka. Binigay mo lahat. Oras, Personal na mga bagay, at Puso mo na walang pagtataka at pagdadalawang isip.

Pero ito lang ang alam ko. Sa sakit dulot ng pagmamahal. May katapusan. At baka matapos ko ito.
Pero paano? Saan mag-uumpisa? Ano ang dulo nito?.

Henesy.

*********

AUTHOR'S NOTE

HI TO MY READERS.

SO HINDI NA PO AKO NG INTRODUCTION OR NAG AUTHOR'S NOTE NUNG UNA. PERO JUST WANT TO SAY THIS TO PEOPLE ESPECIALLY SA YOUNG READERS.

THERE WOULD BE LANGUAGES AND CHAPTERS WHO ARE NOT SUITABLE OR COINTAINS VIOLENCE AND CURSES .....

THIS WORK OF MINE IS FICTION ONLY. NOT A
STORY.

BUT I HOPE MOSTLY TO ENJOY MY WORK OF ART. A LOVE FICTION.

THATS ALLL....

Lovelots,

- MARITHE

HIS SECRET REBOUND GIRLFRIEND Where stories live. Discover now