ONE SHOT STORY

12 2 0
                                        

BABAENG nakaputing toga, kulay puti ang kanyang kaliwang mata mukha ring binuhusan ng asido ang kanyang kaliwang mukha at madungis ang kanyang itsura tila maputik at may mantsa ng dugo ang kanyang toga ang kanyang mga kamay ay mukha ring sinunog...

Inilapag niya ang nakatupi at madugong damit ni Chelsey ipinatong niya rin ang gintong medalya nito sa ibabaw.

"Valedictorian... Check, Sa tingin niyo honors and achievers...SINO ANG SUSUNOD?!" Napahiyaw ang mga kasama ko lalo na ang mga babae humagulgol sila ng iyak marahil na rin sa takot.

Ako na ang susunod...Mamatay na ko.

Ano bang meron?

Paano kami napunta sa lugar na ito?

Tiningnan ko si Ice at nakita kong talagang mukha siyang yelo, malamig at walang emosyon. Marahil ako rin ay natatakot dahil alam ko nang ako ang susunod ngunit hindi dapat ako magpakita ng kahit na anong takot.

"Hahahahha!" Mala-demonyo niyang tawa. "Iha! Ikaw na ang sunod! Hahahahah" Tunatawa habang umiiyak niyang sinabi. Nagmatigas ako at nagpanggap na walang narinig.

"TAYO! SINABING TAYO! TAYO!" Sigaw niya at bigla naman siyang umiyak. Natakot ako sa sigaw niya kaya tumayo ako.

"Iha, sigurado akong magugustuhan mo ito, mawawala lahat ng pait at sakit." Sabi niya sa malumanay na tinig. Sinundan ko kung saan sya pupunta at doon iyon sa ipinagbawal na kwarto ni Manang Fely.

Pumasok kami sa kwarto at nagulat ako sa nakita ko puro ito patalim. At may hospital bed pa sa gitna may mga bakas ng dugo ang kama kaya kinutuban ako. Iginala ko ang mga mata ko.

Ikinagimbal ko ang aking nakita sa sahig. Ipinagkasya niya ang chop-chop na katawan ni Chelsey sa isang balde at ang putol nitong ulo...Dilat pa ang kanyang mga mata at nakakanganga rin ito pero tila tinitingnan niya ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Napatingin naman ako sa killer nasa harapan ko pala siya.

Nakita kong nakangiti ng malapad sa akin ang killer at parang napupunit na ang ngiti niya. Natakot ako sa ngiti niya

"Higa ka na neng..." Kalmadong sabi niya sakin. Tiningnan ko siya nandoon pa rin ang ngiti niya. Nakakatakot na.

"HUMIGA KA SABE!" Napatalon ako sa sigaw niya marahil na rin sa pagkabigla.

Humiga ako at tumalikod siya. Gagawin ko ang plano ko tatakas ako dito, hindi tatakas kami dito. Dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng patalim sa lamesa niya.

Saktong pagkaharap niya hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya binato ko to sa kanya at nadaplisan siya kaya agad-agad akong tumakbo.

Pumunta ako sa kwarto namin ni Ice at kinuha ko yung cellphone niya at yung earphones niya, sana maintindihan niya iyon.

Naalala ko ang sabi ni Manang Fely

Hindi mo dapat marinig ang kaniyang boses...

Hindi ko mabuksan ng maayos ang cellphone dahil nanginginig ako sa takot buti na lamang walang password ang cellphone niya. Nanginginig din ako habang nilalagay ang earphones sa cellphone.

"Please, please, please kailangan kong kumalma..." Naisalampak ko na yung earphones at nagpatugtog ako ng napakalakas na tugtog yung wala akong maririnig na kahit na ano.

Tumingin ako sa likod at nakita ko siya malapit na siya sakin kaya binilisan ko ang aking takbo.

Nakalabas na ko sa loob tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa matagpuan ko ang gate nakasara ito pano ko ito mabubuksan??!

Inakyat ko ang gate at nagtagumpay akong makalabas rito.

Napatingin ako sa likod nang makita ko siyang ang laki- laki ng kanyang ngiti at kinakawayan niya ko. Dahil sa takot tumakbo ako palayo.

Napadpad ako sa may highway puno ito ng malalakinh puno at walang kahit na ano rito, walang bahay o tao.

Nang mapansin kong nakalayo na ko tinanggal ko ang earphones at tumawag sa mga pulis.

[Pakiusap po!! Tulungan niyo po kami nagmamakaawa ako! Papatayin niya ko!! Hindi papatayin niya kaming lahat! Please po!]

[Nasaan ka ba?]

[Nasa-----] Ano ito?! Anong nangyari?!! Nasaan kami?! Bakit hindi ko matandaan?! Anong lugar ito?!!!

[H--hindi k-ko m-matandaan]

[Miss?]

[Please!!! Tulungan niyo nalang po kami! Ako lang yung nakatakas yung mga kasama ko nandun pa!]

[Kaya p----]

Nabitawan ko ang cellphone. Nang makita ko ang killer ay nasa harapan ko na at nandun nanaman ang napalaki niyang ngiti.

"Iha! TUTULUNGAN NA NGA KITA DIBA?! Hahahaha!!" Galit niyang sabi sabay tawa.

"PERO ANONG GINAWA MO?! SINAKTAN MO KO!!"

Pumatak ang luha ko at lumabas ang takot ko. Di ko alam ang gagawin ko nagmistulan akong statwa na nanginginig sa takot di ko na rin mapigil ang pagtulo ng luha ko.

[MISS?! MISS!!]

"Tara, Sama ka"

Di ko na alam ang sunod na nangyari nandilim na ang paningin ko.

A/N:

Di pa po final yung title kaya po please wag po kayong magalit about sa title nagiisip pa po ako hehehe. Yun nga po enjoy! Lahat po ng binabalak ko sa mga kaklase kong sipsip at bwiset dito ko nilagay heheheh. Ginawa ko rin po itong story dahil ito ang napanaginipan ko sa 'retreat' namin. Well panaginip lang naman po yun...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tara, Sama Ka...Where stories live. Discover now