pagkadating ni roni sa venue lingon siya ng lingon nagbabakasakaling nadoon si borj pati sin lolo at lola pero bigo siya na makita sila...

"roni anak, kanina ka pa matamlay ah..may problema ba??" tanong ng mommy niya..

"mommy bakit po kaya wala sina borj at lolo at lola..?" pagtatanong niya sa mommy niya

"hindi mo ba alam roni, wala bang sinabi or nabanggit sayo si borj.?" nagtatakang tanong naman ng mommy niya...

"wala po mommy eh.."

tinawag ni roni ang buong barkada..

"guys may sinabi ba sa inyo si borj,? nakita niyo ba siya bago ang graduation?"tanong ni roni

"eh di ba madalas tayong magkakasama at hindi naman nagpapakita satin si borj since na malaman niya na hindi siya maka-graduate." sagot ni basti

"mommy ano ba yun.?"

"so walang nakakaalam sa inyo??"tita marite

"wala nga po mommy ano po ba yun?? sabihin niyo na.." pangungulit ni roni

"nung nakausap kasi namin ng daddy mo si borj ang sabi niya sa amin ay pupunta na siya sa america at doon na lang mag aaral dahil nga gusto nila lolo at lola na mailayo siya sa mga bad influence na kaibigan na nakilala niya.."
"nakiusap din samin ng daddy mo si borj na wag muna sabihin sa inyo kasi nga sabi ni borj siya na mismo ang magpapalam at magsasabi sa inyo.."
"kanina din ang flight ni borj papuntang america.." habol pa ng mommy ni roni

nabigla ang lahat sa sinabing iyon ng mommy ni roni..maging si yuan hindi makapaniwala na hindi niya nakausap ang bestfriend niya simula ng malaman na hindi nga siya makaka-graduate..

bakas sa mukha ni roni ang lungkot at naluha na lang siya sa narinig na balita galing sa mommy niya..

sa isip ni roni, napaka unfair ni borj para gawin iyon sa kanila, sa kaniya..umalis ng walang paalam..

nalungkot ang buong barkada sa pag alis ni borj..

"sorry anak ha, nirespeto lang kasi namin ng daddy mo ang pakiusap samin ni borj na wag sabihin.."
"hindi ko naman alam na hindi pala siya nagpaalam sa kahit sino sa inyo.."paliwanag ng mommy ni roni habang yakap ang anak

walang naisagot si roni kundi luha..

at natapos ang surprise party na iyon ng matamlay at malungkot si roni pati ang buong barkada..

alam ni basti na apektado ng sobra si roni sa pag-alis ni borj ng hindi nagpapaalam, nakaramdam ng selos si basti kay borj ganung girlfriend naman na ni basti si roni..nasasaktan si basti tuwing nakikita niyang apektado si roni lalo na kapag si borj ang pinag uusapan pero hindi na lang niya ito pinapahalata kahit kanino sa mga kaibigan niya...tiwala naman si basti na mahal siya ni roni dahil siya naman ang pinili nitong maging boyfriend kahit mas matagal na magkasama at nanligaw si borj...

pagkauwi sa bahay dumeretso na lang si roni sa kwarto niya..
sa loob ng kwarto hindi na napigilan ni roni ang umiyak dahil sa ginawa ni borj..

"bakit borj..?" tanong ni roni sa sarili

kinuha ni roni ang diary niya doon na lang isinulat lahat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon..

"unfair ka borj, naiintindihan ko ang nararamdaman mo kasi nalaman mong hindi ka makaka-graduate pero bakit kami hindi mo inisip ang mararamdaman namin na aalis ka pala tapos hindi ka manlang nagpaalam sa amin..ewan ko borj bakit ba ako ganito ka-apektado sayo, bakit feeling ko sinasaktan mo ako ng husto...ano ba itong nararamdaman ko borj...??"biglang nakaramdam ng kalituhan si roni sa sarili.."

gmik season 4Where stories live. Discover now