Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

Opo ama. Sabay na pagkakatugon ng magkapatid.

Mabuti naman! *Oh! Bilisan nyo ng kumain at aalis pa ako. Sambit muli ni Hades.

Bakit ama? Saan naman po kayo magtutungo? Tanong ni Zeren.

Magkikita kami ng inyong tiyo Poseidon at tiyo Zeus. May importanteng bagay daw kaming pag-uusapan sabi ng inyong tiya Eclaire kahapon, kaya alagaan nyong mabuti ang mga kapatid nyo ah! Bukod sa tiya Leiya nyo ay kayong dalawa lang ang maasahan ko. Makakaasa ba ako sa inyong dalawa? Sambit muli ni Hades.

Opo ama!Sabay na pagkakatugon ng magkapatid.

Napangiti na lang si Hades matapos marinig ang masiglang pagtugon sa kaniya ng kaniyang mga anak.

Makalipas ang apat na oras ay kasalukuyan ng naglalakbay si Hades patungo sa bayan ng Tristram, dahil dito magkikita-kita ang magkakapatid na Olympus.

Ano kaya ang sasabihin ni Zeus? At mukhang seryoso ang pag-uusapan namin base na rin sa reaksyon ni Eclaire. *Tsk! Mukhang masama ang kutob ko dito ah. Sambit ni Hades derekta sa kaniyang isipan.

Kasabay ng kaniyang pag-iisip sa magiging usapan nilang magkakapatid ay mas binilisan pa ni Hades ang kaniyang pagtakbo.

Makalipas ang labing limang minuto ay narating na ni Hades ang Tristram. Agad siyang nakita ni Corbel at kalaunan ay binati.

Hades! Mabuti naman at nandito ka na! Kanina ka pa hinihintay nila Poseidon sa laboratoryo.Sambit ni Corbel.

Ganon ba? Pasensya na kung natagalan ako.Sambit naman ni Hades.

Wag ka saking humingi ng paumanhin. Ang mabuti pa ay magtungo ka na don! Sambit muli ni Corbel.

Mabuti pa nga. *Hehehe. Sambit muli ni Hades.

Matapos magsalita ay nagsimula na ngang maglakad si Hades patungo sa lugar kung nasaan ang laboratoryo ng mga druid.

Ilang sandali lang naman ay narating na ni Hades ang naturang laboratoryo. Hindi na siya kumatok pa at dali-dali na lang pumasok.

Pasensya na at na-late ako ah! Sambit ni Hades.

Bakit ang tagal mo naman, Hades? Hindi na kasi kita naabutan sa bahay nyo! Sinabi ko pa naman sayong susunduin kita diba?Inis na pagkakasambit ni Eclaire.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें