Alam Ko

248 6 2
                                    

Noon ay pinipilit itanggi

Sa sinisigaw ng damdamin, sinasadyang mabingi

Alam ko mang magiging masakit

Walang magagawa, pagka't puso'y ayaw papilit

Nalalapit nang mangalahati

Baka mawala na ang mga ngiti

Sa mga panahong kasama ka'y gustong sulitin

Ngunit paulit-ulit lamang na nabibitin

Ayoko mang maging mapaghangad

Ngunit anong magagawa kapag pangungulila'y sagad?

Ika'y paulit-ulit na sinisigaw

Ng aking pusong naliligaw

Alam kong hindi pa ito pag-ibig

Subalit ikaw ang laging bukambibig

Hindi ko man alam ang tawag sa aking damdamin

Alam ko namang ika'y mahalaga sa'kin

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon