ULAN

3 0 2
                                        


Kasabay ng pag buhos ng ulan,
Ang pagpatak ng luhang hindi mapagilan,
Luhang ikaw ang pinagmulan,
Mga pangako mong pinanghawakan,

Bawat pag hakbang papalayo sa pinangyarihan,
Ang katotohanang hindi pala pangmatagalan,
Mga ngiti mong kay lambing,
Sakit sa puso ang ipinarating,

Mga huli mong salita,
Ang syang nagpahikbi sa akin ng kusa, Isang milyon ulan,
Isang sakit sa pusong dinaramdam,

Sa pagsilip ni haring araw,
Kasabay ng mga pangako mong unti-unti ng nalulusaw,
Pagtingala sa asul ng langit,
Ang paglabas ng ngiting pinilit.

Tula ng Makata Stories to obsess over. Discover now