Biglang kumabog yung dibdib ko sa sinabi niya.

Shet? Nahahalata na kaya niya na may pagtingin ako sakaniya.


"H-ha!? Ano- na ano?! Pinagsasabi mo jan. Baliw to!"

Ayan na. Hindi ko na alam kung anong dapat sabihin parang mas lalo ko pa yatang ipinahamak sarili ko. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko para lang mapigilan kong magsalita pa ng mas malala.

Narinig kong natawa naman si Jackie.

Naririnig ko lang siya pero parang naiimagine ko rin yung itsura niya habang tumatawa.

Yung tunog ng halakhal niya na nakakahawa.


Di ko maiwasang mapangiti.



"Sino yan ha? Ipakilala mo siya saakin."

Biro niya. Nung mga oras na yun ay wala na akong ibang gustong sabihin sakaniya kundi yung totoo pero pinigilan ko.


Naunahan ako ng takot.

Nakaka-kaba.

Baka may magbago.

Baka hindi kami pareho ng nararamdaman.

Tapos awkward? Tapos lalayo na siya kasi awkward?

Urrrgggg!!! Ang advance ko naman mag-isip!




Huminga ako ng malalim bago ulit sumagot.





"Sige. Come over, may party dito. Tapos papakilala ko siya sayo."

Sabi ko. Natahimik ng ilang minuto yung kausap ko bago sumagot.




Handa naman na ako, no? Sasabihin ko lang naman di ba??


Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako.




"Sige. I'll be there in 15."

Sabi niya bago binaba yung call.

Dun lang biglang nag-sink in saakin yung gagawin ko.

Biglang nanlamig yung buo kong katawan sa pinaghalo-halong kaba at kaunting excitement.

Para akong first timer na hindi alam ang gagawin at hindi mapakali.



"Huy! Ano bang nangyayari sayo? Para kang pusang hindi makapanganak jan eh!"

Napatalon ako sa gulat nung maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kay Vhong na takang taka naman sa inaasal ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko na lalo pang kumabog sa pagka-gulat.


Agad kong hinablot yung bote ng beer na hawak ni Vhong sabay derederetsong nilagok yun.


Tahimik lang niya akong pinanood habang sinasaid ko in one go yung laman ng boteng kanina lang ay hawak niya at ngayon ay ubos ko na.





Tumingin ako sakaniya.



Nagdadalawang isip ako kung hihingi ba ako ng tulong o hindi.





"Brad. Darating si Jackie in 15 minutes at ano kasi. Haaayyy!! Ano kasi eh."

Sabi ko. Tinaas niya yung kamay niya, palm out infront of my face as if saying na manahimik ako at nagets na niya.



"Deny ka pa ha. Oh anong plano mo ngayon?"

Natatawa pero mejo seryosong sabi niya saakin sabay akbay at akay saakin papasok ng kitchen kung saan wala masyadong tao.


PlaylistTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang