Back On Track

29 9 5
                                        

"Are you sure na kailangan ko 'to, Jex?" Pag-aalinlangan kong tanong.

"Of course, Dane! I mean, look at you, mukha kang mayaman na basurero," sagot ng babae sa harap ko. "7 years na tayong magkaibigan, Dane, parang anak na nga kita eh."

Napahinto ako sa kaniya, sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

Naalala ko ang mga magulang ko, namimiss ko na kasi sila ng sobra. Simula nang iwan nila ako, puro galit at kalungkutan nalang ang ikinakabog ng puso ko.

"H-Hey, Dane. Uhm... sorry." Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang hawak ang camera niya.

Ngumiti nalang ako sa kaniya to assure that I'm alright, even though I'm not really feeling all that right.

"I'm fine."

"You sure?" Paninigurado pa niya.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo pero kalaunan ay ngumiti rin siya at bigla akong hinagkan.

Nakatayo lang ako, hindi gumagalaw. Pakiramdam ko sumabog na ako dahil sa halo halong pakiramdam na naramdaman ko.

Simula nang makilala ko si Jexine, ganyan na talaga siya, always comforting me and making sure na lagi akong nasa maayos na pag-iisip. Lagi niya rin akong pinatatawa at sinasamahan sa lahat ng mga araw na sa tingin ko ay wala na akong pag-asang sumaya pa.

"Buckle up!" Isang tinig ang nagpabalik sa 'kin sa totoong bubay. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng sasakyan.

"Oh," biglang sambit ng kasama ko na nakaupo sa driver's seat ngayon. "I forgot something." Dagdag pa niya, at dali daling lumabas mula sa sasakyan.

Ano naman kayang nakalimutan no'n? Sa pagkakaalam ko, palaging ready ang babaeng 'to.

Lumipas ang halos 30 minutes, nakaupo pa rin ako sa loob ng sasakyan na para bang bata na naghihintay sa kaniyang nanay na magpapaandar sa sasakyan.

Patungo sa mga bintana ng sasakyan, lumingon lingon ako para mahanap si Jexine. Nakakainip din kasi rito sa loob, sarili ko lang ang kausap ko, hindi pa 'ko makagalaw ng maayos.

Sa kalilingon ko, nakita ko na rin siyang naglalakad patungo rito. Isang malaking ngiti ang dala niya habang may kausap sa phone niya.

Pagkabukas niya sa pintuan ng sasakyan, nagpaalam agad siya sa kausap niya sa phone.

"Jex... sino yung kausap mo kanina? Yun na ba yung bagong manliligaw ng best friend ko?" Hindi ko alam, pero kinabahan ako sa sarili kong tanong. Bakit ko ba sinabi yon?

"Selos ka?" Asar niya sa 'kin habang tumatawa. "Kung may manliligaw man sa 'kin, ikaw unang makakaalam, bes." Sabay lingon sa 'kin at biglang tumawa ng 'di ko alam ang dahilan.

"Dane," tawa pa niya, "ang weird mo talagang tignan."

"Pinagsasabi mo?"

"You look like a bird's nest na bagong gising lang." Hindi na siya natapos humalakhak at pilit akong inaasar.

"Siyempre, mana ang buhok ko sa 'yo."

"No! Hindi kaya!!"

Natapos din ang asaran after 100 years at pinaandar na ni Jexine ang sasakyan. Umabante ito, slowly accelerating hanggang sa makausad ito sa daan.

I relaxed my body, closed my eyes and just felt every sensations.

Naririnig ko ang tunog ng mga gulong na mabilis na umiikot sa labas ng sasakyan. Humahalo ito sa mahinang tunog na lumalabas mula sa music player dito sa loob.

Napakaboring talaga.

Kinapkap ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at hinugot ito mula rito. I opened it para makita kung anong oras na.

Back on TrackStories to obsess over. Discover now