Naibenta na kasi iyong Cherry Mobile kong cell phone nung nagipit kami kaya wala na akong telepono ngayon. Nakiki-text na lang ako kay Aling Meding kapag kailangan kong i-text si Xerxes sa trabaho.


"Okay lang, Tatay..." Kinuha ko ang kamay ni Xerxes at marahang pinisil. "Hindi naman mabubura sa puso natin ang alaala ng araw na 'to di ba?"


"Wag kang umiyak, baka mabinat ka." Saway ni Xerxes sa akin, gayung kahit siya ay naiiyak din.


"Salamat..." sambit ko. "Salamat..."


Tumungo siya at hinalikan ako sa noo. "Salamat, Rita. Ako ang dapat magpasalamat sa'yo."


Nilaro-laro namin ang kamay ni Baby Fury habang pinagsasawa namin ang aming mga mata sa kakamasid sa sanggol. Parang hindi maubos ang paghanga namin para rito.


Dumilat ang sanggol sanhi para mas mamangha ako. Taglay rin pala nito ang kulay luntiang mga mata ni Xerxes!


"Baby, hello..." Hinawakan ko ang munting kamay ng sanggol. Umingit ito at nagsimulang umiyak. Pilit inaabot ng munting mga labi ang kamay ko.


Mahinang natawa si Xerxes. "Mukhang gutom na ang prinsesa natin, Nanay..."


Inilabas ko ang isang dibdib ko saka inilapit sa akin si Baby Fury. Nang magsimula itong dumede ay napaiyak na naman ako. Pakiramdam ko kasi ngayon ay buong-buo na ako.


Nang tingnan ko si Xerxes ay umiiyak na rin pala siya habang nakatingin sa amin. Ngumiti siya sa akin kahit pa hilam ng luha ang mga mata niya.


"Mahal na mahal ko kayo..."


...


"Bat ang lalim yata ng iniisip ni Tatay, hmn?" Yumakap ako sa matigas na bewang ni Xerxes.


Kanina pa siya nakatayo sa tabi ng bintana at napakalayo ng tingin. Lately ay ganito siya, tila maraming iniisip. Pero hindi naman siya nagku-kuwento sa akin.


"Pagod lang, 'ga..." Hinarap niya ako.


Tulog na sa gitna ng kutson ang baby namin.


"Sabi ko naman sa'yo, ako na ang mag-aalaga kay baby sa gabi." Palagi kasi siyang nag-o-overtime sa work kaya pagod siya palagi. Pagkatapos sa gabi ay mas gusto niya na siya ang nagpupuyat kakahele kay Furybells.


'Furybells' ang naisip ni Xerxes na itawag sa magta-tatlong buwang gulang naming anak.


"Hindi naman pwede ang ganun." Sumimangot siya. "Pagod ka na nga sa pag-aalaga maghapon, kaya dapat sa gabi ay makapagpahinga ka."


"Pagod ka rin naman sa work maghapon, ah?" Lumabi ako.


"Iba iyon. Work iyon, e. E ikaw? Kapapanganak mo pa lang, baka mabinat ka," sermon niya sa akin. "Hala, matulog ka na."

His Bad WaysWhere stories live. Discover now