Ako nga pala si Trisha Grace Medina. Law student po ako. I'm 20 years old. I'm from Bulacan. Masaya ako sa buhay ko, kahit ganito ako. Although may mga trials na dumadating, kasi di naman natin mapipigilan ang pagdating nun sa buhay natin. Lima po kaming magkakapatid. Si Charles Rovic Medina ang panganay. Si Jasmine Leigh Medina ang pangalawa. Si Troy Medina ang pangatlo. At si Brent Monty Medina ang bunso. At ako po ang pang-apat.
ANG SIMULA...
Sa isang subdivision sa may Bulacan, may isang batang babae na nakatira sa isang malaking bahay. Syempre ako yun.. haha!! Mayaman ang aming pamilya. May-ari ng isang kompanya ang tatay kong German. Pinamana niya sa mama ko ang naiwan niyang business. Sa isang exclusive school ako nag-aaral. Masaya ako kasi sunod lahat ng luho sa katawan ko. Mayroon nga pala akong best friend. Siya si George. To be exact, his name is George Alvin Aquino. Halos kapitbahay lang namin siya. Kasosyo ng dad ko ang papa niya sa negosyo. Malaki din kasi ang negosyo ng papa ni bhes (si George yan). Kahit naman sunod ang luho ko eh nag-aaral naman akong mabuti.
*FLASHBACK*
"Bhes.." pagtawag niya sa akin
"Po?" sagot ko naman.
"Masaya ka ba ngayon?" tanong niya.
"Oo naman." Sagot ko.
"May promise ako sa'yo. Hinding hindi kita iiwan, kahit na anong mangyari. Promise yan!" nagulat at natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Talaga? Kung totoo yan, akin na yung kamay mo." Inabot ko naman yung kamay niya. Ginawa ko yung pinky promise ba yun? Ah basta yun yung pinagdidikit yung mga hinliliit sa kamay.
Napakasaya ko talaga nung mga oras na yun. Kasi feeling ko secured ako sa tabi ng bestfriend ko..
*END OF FLASHBACK*
Noon yon. Noon mahal na mahal ko ang bestfriend ko. Noon ang laki ng tiwala ko sa bestfriend ko. Pero ngayon, kinamumuhian ko siya!!! Simula noong umalis siya ng walang paalam, namuo ang galit dito sa puso ko na kahit kalian ay hindi na yata mawawala.
Magkasama kami sa iisang school at sa iisang section ni bhes. Nung umaga hindi ko siya nakita at hindi man lang niya ako dinaanan. Hindi lang kasi ako sanay nang walang dumadaan na George sa bahay.
8:00 am
12:00 noon
3:00 pm
Uwian na..
Pag-uwi ko galing sa school dumeretso muna ako sa may bahay nila George.
"Nandiyan po ba si George?" tanong paglabas nung maid nila.
"Ay naku.. nasa ibang bansa na kagabi lang umalis." Tugon ni manang Eva na nagpabigla sa akin.
"A-ah ganun p-po b-ba?" ewan ko ba kung bakit bumagsak ang luha ko nung nagsasalita ako. Hindi ako makapaniwalang magagawa akong iwanan ng bestfriend ko. Tumakbo ako papalayo hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Agad akong tumungo sa kwarto ko. Hindi na nga ako naka-kiss man lang sa mom ko. Pagpunta ko sa kwarto, kinuha ko kaagad yung cellphone ko at saka idi-nial yung number ni George. Hindi na nag-ri-ring at out of coverge area na. sinubukan kong kontakin si tito Ronald (dad ni George) ngunit ganun din, out of coverge area na.
Pakiramdam ko, pinanawan ako ng lakas at wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Alam ko sa sarili ko na medyo OA na kung iiyak ako ng iiyak, pero syempre hindi ko maiwasan kasi minahal at tinuring ko siya nang higit pa sa isang kaibigan.
"I hate you George! Damn you!! You said to me that you will never leave me! But what the heck are you doing right now! You make me cry like a baby!!! I really hate you!!" sentimiyento ko sa sarili ko. Sigaw ako ng sigaw habang umiiyak. Ayos lang naman kasi hindi ako maririnig kasi sound proof yung kwarto ko. Anyways, nagsesenti ako ng biglang..
*beep beep*
Tumunog yung cellphone ko. Huh? Unregistered number? Sino naman kaya itong pokemon na 'to? Nang mabasa ko, bigla na lang akong napaiyak lalo..
