Habang sa daan ay hindi maawat ang pagluha ni Aling Carol, at dahil doon ay lalong nanggagalaiti sa galit si Don Philip at hinawakan nya ang kamay ni Aling Carol na nagsasabing "everything will be ok" pagkarating nila sa hospital ay agad na bumaba ang mga to at deritso sa kinarorounan ng anak, na ito'y nailipat na sa ICU, at tamang tama pa na palabas naman ang doctor na sumuri kay Steven..... sa pagdating nila Aling Carol at Don Philip ay nagulat sila Nay Pacing, tay Tacio at si Mang Rico sa kasamang dumating ni Aling Carol....

"Doc, How's my son?" tanong agad ni Don Philip sa doctor na sumuri kay Steven na kinabigla ni Mang Rico sa narinig.

"Don Philip!?" gulat na sambit ng doctor sa kaharap at..... "Ehem.... as of now, stable na ang heartbeat ng anak nyo Don Philip, but he need more examination para masiguro ang kaligtasan ng anak nyo po Don Philip." sagot ng Doctor kay Don Philip.

"So, What do you mean by that doc.?" tanong uli ni Don Philip Sa doctor at si Aling Carol ay nakikinig lang sa usapan ng mga to na panay parin ang daloy ng luha nito.

"He need a more treatment specially sa mukha nya, dahil ang target ata ng mga gustong pumatay sa anak nyo ay iyong kagwapuhan nya dahil nasira ang mukha nya at may posibilidad din na mawawala ang memory nya dahil sa natamo nyang mga palo sa ulo nito and the best sugestion ko po eh, ibyahe ang anak nyo sa US para maagapan agad ang kumplikasyon sa katawan nya." mahabang paliwanag ng Doctor kay Don Philip.

"Salamat doctor." pasasalamat ni Don Philip sa doctor at agad namang nagdial si Don Philip sa telepono nito.

"Diego, pakihanda ang learjet at dalhin mo dito sa BGHospital nagyon din, were going off to New York." matatag na utos ni Don Philip sa kausap nya sa phone. at bumaling sa tatlong kasama panila sa hospital. at nakilala narin nya si Mang Rico..

"Maraming salamat sayo Rico, sa pagliligtas mo sa anak ko." pasasalamat ni Don Philip kay Mang Rico.

"Wala po yun Don Philip, mabait na bata po kasi si Steven, at nandoon po ako kaya tutulungan ko po sya." sagot naman ni Mang Rico kay Don Philip

"Nay Pacing at Tay Tacio, salamat po at hindi ninyo pinabayaan ang mag-ina ko, tatanawin ko po na malaking utang na loob po ito habang buhay, salamat po, sasabay na po kayo mamaya kay Perez pauwi ng mansion at doon na kayo titira." saad ni Don Philip sa dalawang matanda.

"Iho, Kailangan pa naming umuwi sa bahay at kukunin namin ang mga mahahalagang bagay doon at kailangan din nating palabasin na patay na ang anak nyo para hindi na nila balikan ang anak nyo." suhistiyon ni tatay Tacio, na sinang-ayunan naman ni Don Philip, kaya dali daling umuwi ang tatlo kasama si Aling Carol gamit ang sasakyang dala ni Mang Rico.

"Tatay Tacio, kaya pala subrang gwapo at mabait na bata si Steven ano? May pinagmanahan, maganda ang nanay at mabait..... ang tatay naman subrang gwapo din at mabait pa at idagdag pa na subrang yaman pala ng ama nito." hindi makapaniwalang saad ni Mang Rico habang nakikinig lang si Aling Carol sa usapan nila.

"Alam mo Rico...Kahit triplihen pa o higit pa ang kayaman ni Don Gostavo hindi nya mapapantayan ang yaman ng isang Philip Villarama." sagot naman ni Nanay Pacing, na kinagulat nalang ni Mang Rico...

Pagdating nila sa bahay nila ay inayos nila lahat ng kailangan nila... at pati narin sa pamamalita sa iba na pumanaw na ang anak nyang si Steven..... ng magsalita si Tay Tacio...

"Carol, anak pwede bang sa may sapa nalang natin gawan ng puntod si Steven,? Sa may silong ng malaking mangga, malapit din dito yun, kasi doon ang tagpuan nila lagi ni Diane, doon ko rin minsan nakita ang mga ito at narinig kung gaano nila kamahal ang isa't isa." pahayag ni Tatay Tacio na sinang-ayunan naman ni Aling Carol.... at gumawa nga sila ng puntod doon ni Steven....

1 MONTH LATER:
Nakaalis na ng bansa sina Don Philip, Aling Carol at si Steven, para ipagamot si Steven, at lahat ay pinakilos ni Don Philip para subaybayan lahat ang kilos ng mga Villasis at Moran. Nakarating narin ang balita sa Mansion ng mga Villasis na patay na si Steven at di alam ni Donya Emma kung paano nya sasabihin ito sa anak nya...

"Anak, ayaw kung mawala ka sakin anak, pero kailangang malaman mo ito... dahil di ko rin maitatago sayo habang buhay. huhuhuhu" iyak ni Donya Emma habang nakatingin sa anak na nakadungaw sa bintana.

"Anak? anak?" tawag ni Donya Emma sa anak. na kinalingon ni Diane dito.

"Mama, ano po yun? Mama nakita nyo na po ba si Steven mama? asan sya mama?" sunod sunod na tanong ni Diane sa ina na kinaiyak ni Donya Emma. at dahil sa reaction ng mama ni Diane ay...

"HINDI MAMA! HINDI MAMA! asan si Steven mama asan na sya?" histerical na wika ni Diane, na agad na niyakap ni Donya Emma.

"MAMA, HINDI PATAY SI STEVEN! HINDiiiii!!!!!" sigaw ni Diane sabay lupaypay at nawalan ng malay!

"DIANE ANAK!" gulat na sigaw ni Donya Emma.

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें