TP 01

27 0 0
                                    

Matapos kong ibigay lahat-lahat
Iniwan mo akong luhaan at nag-iisa
Ang sakit isipang sa kabila ng lahat
nagawa mo parin akong iwan
At ipagpalit sa iba.
Pinaniwalaan ko iyong
matatamis na salita .
Mga sulat mo ngayo'y
aking hawak-hawak
at may bahid ng aking luha.
Oh mahal, ano bang aking ginawa?
Bakit ako'y iyong iniwan.
Ngayon heto ako't nalulumbay
Umiiyak gabi-gabi.
Umaasang muli tayong magkasama
at dinarasal na sana bukas sa aking pag-gising.

Panaginip lang pala ang lahat
Tayo parin palang dalawa.

Tagalog PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora