Prologue

14 0 0
                                        

"I'm sorry. I can't do this anymore. Let's break up." ilang beses kong pinaulit-ulit sa utak ko ang mga salitang sinabi ko kay Caleb, ang ex-boyfriend kong napaka possessive. Habang naglalakad ako, napahinto ako dahil sa isang babaeng humarang saken.


"Anong ngini-ngiti ngiti mo?" tanong saken ni Alison, isa sa mga matalik kong kaibigan. Nginitian ko siya at niyakap ko siya bigla. Nagulat siya at nawalan siya ng balanse sa pagtayo pero agad din niya nakuha iyon pabalik. "Niyayakap mo ba ko dahil namiss mo ko? Ang tagal mong hindi nagpaparamdam samen eh" patampo niyang sinabi saken at kinurot niya ang tagiliran ko.


"Ali! Break na kame ni Caleb! Finally! Geez! I've been waiting for this!" tuwang-tuwa kong sinabi sa kanya. Tiningnan ako ni Alison at bigla siyang humagalpak ng tawa. "Alam mo bang ikaw lang ang kilala kong nakipagbreak sa jowa tapos tuwang tuwa? Iba ka din eh!" Habang nagtatawanan kame, biglang may sumingit sa usapan nameng dalawa.


"Totoo ba 'yong narinig ko? Wala na kayo ni Caleb?!" sigaw saken ng isa pa naming matalik na kaibigan na si Leslie. "Les!" sigaw namen ni Alison at niyakap namen siya nung nakarating na siya. Bumitaw sa pagyakap si Leslie sa amin at tiningnan niya ko ng maigi. Nanliit ang mga mata niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hoy! Bakit nanliliit ang mga mata mo? Are you competing with Franz? Mas maliit pa din mata niyang Koreana na yan" pang-aasar ni Alison. Hinampas ko si Alison sabay kurot sa tagiliran niya. "Aray ko ah! Gumaganti ka na ngayon? Iba ka talaga eh ano?" Tumatawa lang kame ni Leslie habang hinahaplos ni Alison ang tagiliran niya. "Sakit ba? Grabe ka kasi sa mata ko! Tsaka may dugong Pinay pa din ako! Kalahating Koreana lang ako. Hindi lang tayo masyadong nagkikita, nagka-amnesia ka na" biro ko kay Alison.


"Teka nga bumalik ka muna tayo sa tanong ko. Hindi mo pa ko nasasagot Franz eh. Wala na ba talaga kayo ni Caleb?" tanong saken ni Leslie. "Wala na! As in wala na! Grabe ang saya saya!" masayang sagot ko kay Leslie.


Matagal ko ding hindi nakikita sila Leslie at Alison dahil sa ex-boyfriend ko na si Caleb. Once in a blue moon ko lang silang makita noon dahil hindi ako pinapayagan ni Caleb sumama sa mga kaibigan ko. Gusto lang ni Caleb sa kanya lang ako sasama. Hindi din sumasama si Caleb sa mga kaibigan niya. It seems like the world revolved around us when we were together. Feeling ko nga wala talagang friends yung lalaking yun eh. Loner ba. That's why I am very happy that I finally broke up with him.


When I told Leslie and Alison that I broke up with Caleb this morning, they shrieked and hugged me at the same time. "Sa wakas at natauhan na din ang kaibigan nameng tanga! Salamat Lord at pinakinggan Mo ang aming dasal!" sabe ni Alison na nakaluhod at nakataas ang mga kamay. Parehas sila ni Leslie na nakaluhod at nagkukunwaring umiiyak. Nakakahiya ang ginagawa ng mga kaibigan ko parang gusto kong sabihin na "hindi ko kasama at kilala ang mga taong to. Feeling ko nakawala sila sa mental hospital. Pwedeng pwede na silang ibalik" Umupo din sila pagkatapos nilang mag drama.


"So anong feeling mo ngayon?" tanong saken ni Leslie. Napatingin ako sa kanya at medyo nag-isip. "Feeling ko? Ngayon? EDI MALAYA!" hindi ko mapigilan ang kaligayahan ko. Sabe nga ni Alison mukhang ako ang unang taong nakilala niya na masaya nung nakipaghiwalay sa boyfriend. Kahit ako, sarili ko ang unang taong nakilala ko na masayang masaya nung nakipagbreak ako kay Caleb.


Inakbayan ako ni Alison at tanong niya saken, "Anong plano mo na ngayon? Malaya ka na. Single ka na! Rarampa ka ba? Ano?" halatang curious silang dalawa kung anong gagawin ko. Paano apat na taon din akong nakulong sa isang relasyon.


Habang naghihintay sila ng sagot, narinig namen na may nagsalita sa speaker. "Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight KE98 to Seoul. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you." Nagtinginan kameng tatlo nung narinig namen ung announcement at nagsimula na kameng pumila sa Economy Class.


"Ang plano ko? Makikipagdate ako hanggang sa maging satisfied ako" tiningnan ako ng mga kaibigan ko at tinaasan nila ako ng kilay. "At magsisimula ako sa Korea, ang bansa ng mga Oppapa!"

Just For NowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora