Kahinaan at kalakasan.
Lahat tayo ay maykahinaan at kalakasan hindi naman kasi tayo perpektong tao para kalakasan lang ang meron tayo diba?
At ako syempre may kahinaan din ako. Akala kasi nila malakas akong tao dahil patawa ako, positibo at walang inuurungan. Pero ngayon araw ko ilalahad ang kahinaan ko.
Una sa lahat ay pamilya, sila ang isa sa kahinaan ko hindi dahil takot ako sa kanila kundi takot ako na balang araw iwanan nila ako dito sa mundo mag-isa.
Pangalawa sa kahinaan ko ay Kaibigan, tulad sa pamilya takot ako mawala ang mga naging kaibigan ko lalo't na kung napalapit na sila sa akin. Lagi ako umiiyak tuwing may isa umaalis sa buhay ko.
Pangatlong kahinaan ko ay ang mga taong humuhusga sa akin kahit hindi nila ako kilala. Alam ko hindi dapat ako makinig sa kanila pero darating talaga sa punto na hindi ko na kaya tiisin.. kaya iiyak ako.
Yan ang mga kahinaan ko. Pero yan din ang kalakasan ko.
Pamilya at kaibigan sila ang nandyan sa tabi ko para supportahan ako sa bagay-bagay. Nandyan sila pasayahin ako. Nandyan sila para mahalin ako ng tunay.
Mapanghusgang tao oo kahinaan ko sila pero kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararating kung ano ako ngayon.
BTS tama isang boy group simula noong nakilala ko sila naging parte na sila ng buhay ko alam niyo kung bakit? Dahil isa silang boy group nagbibigay pag asa sa mga taong wala ng pag-asa tulad ko. Tuwing nalulungkot ako manood ako o makikinig ng mga musika nila.
At ang huling kalakasan ko ay si panginoon dahil siya ang nagbigay lahat ng kalakasan ko nandito sa mundo. Hindi ko man maramdaman ang ating panginoon pero alam kung tinutulongan niya ako ng hindi ko alam.
Yan ang aking kahinaan at kalakasan
