"Sandali lamang---"

"May iba pang nasa likuran mo, Binibini. At ayaw nilang mahawakan ng mga Destal. Kung mararapatin sana ng binibini..." anas ng gwardyang may hawak kay Magda. Nilingon ko muli ang babaeng umiiyak na sa pagmamakaawa sa ibang mga aristokratong dumaraan.

Isinara na ang tarangkahan at nagmamadali akong bumaba kay Magda. Itinali ko siya sa ilalim ng isang puno at kumuha ng maliit na balde at nilagyan ng baon naming tubig. Dinukot ko ang isang maliit na karot sa bulsa at pinakain sa kanya iyon.

"Babalikan kita..." paalam ko sa aking kabayo. Inayos ko ang aking sombrero at naglakad na papunta sa naglilinyahang mga tindahan. Nagkalat na ang mga taong namimili. Ilang beses akong natapakan sap aa pero nagtuloy tuloy lamang sila at hindi humingi ng dispensa. May isa pang nabangga ako mula sa dala niyang bagahe pero hindi ako pinansin.

Inayos ko na lamang ang nagusot kong damit at dumiretsyo sa tindahan ng mga kumot at unan. Mabilis na lumapit sa akin ang tindero at tuwang tuwa akong iniestima.

"Binibini, may napili ka na ba? Mayroon akong kumot na gawa sa satin, sa seda o kaya naman ay sa pinya. Anong gusto mo?"

"Magkano ang gawa sa seda?"

"Limang kwadros, binibini," sagot nito. Dumukot ako sa aking bulsa at nagbigay ng limampung kwadros sa tindero.

"Binibini, sampung unan?"

"Oo. Ginoo, pwede bang humingi ng pabor? Wala kasi akong kasamang katulong. Maari bang pakihatid sa mga Destal na nasa tarangkahan ang mga unan na binili ko. Pakisabi na rin na sa susunod kong bisita rito sa Briaria ay dadagdagan ko ang mga unan," anas ko. Napanganga ang tindero bago tinuro ang mga Destal na nagmamakaaawa para sa pagkain na nasa labas lamang ng tarangkahan.

"Tama ba ako ng narinig? Itong unang seda, ibibigay ko sa mga maruruming Destal?!" nanginginig ng sabi ng tindero. Natigilan ako at tinitigan itong matapobreng lalaki sa aking harap.

"Ginoo, gusto mo bang sa ibang tindahan na lamang ako bumili ng mga unan? O patuloy mong kikwestyunin ang aking desisyon?" paghamon ko. Namutla ang tindero sa aking sinabi bago siya napayuko. Ilang segundo lamang ay tinawag niya ang kanyang mga tauhan para ilabas ang mga unan at dalhin iyon sa mga Destal na naghihintay.

Hindi na ako nagpasalamat sa matapobreng tindero na iyon. Dumiretsyo ako sa pwesto ng mga prutas at namili ng pepwedeng ipangdagdag sa ibibigay ko sa mag ina na nakita ko kanina sa tarangkahan. Napansin ko ang isang pulang pulang mansanas at akma na sanang kukunin iyon ng may lapastangan nan ang agaw sa akin niyon.

"Anong---"

Narinig ko ang pagkagat noong lalaki bago niya ako binalingan. Nakasuot siya ng malaking kapuisa para matakpan ang kanyang mukha. Nang makita niyang nakilala ko na siya ay agad siyang ngumisi.

"Ang hirap magbantay ng isang binibini..." reklamo niya sabay kagat muli sa mansanas. Nilingon ko ang aking paligid at natantong ako lamang ang binibining nasa Briaria ngayon.

"K-kamahalan..." bati ko na lamang. Dumukot ng kwadros sa bulsa si Elric at inabot iyon sa nagtitinda.

"Binibini..."

Dahan dahan akong yumuko at nagbigay pugay.

"Magandang hapon, sa ngalan ng Dyosa ng Setrelle, Vaurian Elric," bulong ko. Patuloy lamang kumain ang prinsipe ng mansanas at walang pakialam sa aking pagbati.

"Anong ginagawa ng isang binibini sa ganito kataong lugar? Pinayagan ka ng iyong ama na lumisan sa inyong mansyon?" tanong niya habang tumabi sa akin. Lumayo ako ng kaunti para mas makapamili ng prutas ng lumapit na naman siya.

The Prince's FianceeWhere stories live. Discover now