"Slow poke! hirap talaga pag nag hang yung internet" sabi ko sabay ngisi sa harapan ni Coleen, nilakihan naman ako nang mata ni Sheki malaki naman talaga mata niya okay?

"Then pag malapit na matapos yung song Magbibigay ako nang bulaklak kay alice?" tanong ni Sheki, mas maganda kung habang kumakanta kami dapat tumakbo kana sa back stage para kunin yung flowers din lalapit ka.

"Di ko trip yung song parang ang corny!" iritadong sabi ni Coleen samin, Sana naman pakinggan mo yung lyrics.

"Tsk! pakinggan mo yung song para malinawan ka psh!" iritang sabi ko dito pasalamat siya nasa pagitan namin si Abby kundi nakuntungan ko to nang maaga.

"Pano kung ayaw ko! may magagawa ka may magagawa ka ah ash!" sigaw niya sakin akmang lalapit na sana ako nang higitin ako ni Sheki, Masakit yun bwesit -___-

"Ano ba kayo! Grades natin pinag uusapan natin dito hindi kung ano lang ah! umayos kayo lalo kana coleen at ash!" sigaw ni abby samin habang nakatingin na samin nang masama, si coleen kasi pagalitan mo hindi ako nanahimik ako dito -__-

"Sinasabi ko lang opinion ko!" sigaw ni coleen, napangiwi naman ako at nagcross arm binitawan naman ni Sheki yung pagkahawak niya sa sakin.

"Pwes! huwag munang sabihin kung Alam mong hindi maganda!" sigaw ni sheki dito, oo nga tungkol sa confession kasi ang binabalak nila coleen huwag kang kJ!

"Isa lang masasabi ko Edi kayo magperform niyan" sabi ni coleen sabay irap samin, ang panget nang ugali din nito minsan ayaw makisama.

"Coleen ano bang ayaw mo sa kanta na yun!?" sigaw ni abby, tumingin naman si coleen kay abby.

"Wala ayaw ko lang psh!" iritang sabi nito at inirapan si abby, Gusto ko nang lumapit sa kanila tapos sampalin ko si coleen para matauhan.

"Pakinggan mo muna yung song Coleen! mas maganda pa! kesa naman sabi ka nang sabi nang ano diyan psh!" sigaw ko sa kanya, First day ko palang nag away na agad kami? kahit nung nasa resort nag aaway din kami nito.

Tumingin naman sakin nang masama si coleen sabay walk out, Kung ako tatanungin Hindi lang kay sheki mas bagay nang song na yun bagay din kay coleen na walang ginawa kundi mag tago nang feelings kay Mari!

"Sumakit ulo ko bigla kay coleen" sabi ni Abby at napaupo, kahit din naman ako sasakit sa ulo nang maldita nayun -__-

"Hindi lang ikaw Abby ako din, parang ayaw nya yatang makapag confess ako nang maayos, Diba sabi niya Magcoconfess na din daw siya? tapos ngaun ayaw nya ang gulo niya!" sigaw ni Sheki sabay inom nang tubig, may saltik yata yun si coleen psh.

Sakit ka sa ulo namin ngaun coleen, Sinira mo yung maganda kung First Day isa lang masasabi ko napaka ano niya ARRRGGH!

Faith POV

Nandito kami sa garden lahat syempre kasama namin si Gabrielle, Panlalaki pangalan niya pero ang ganda nang gumagamit diba? basta nagagandahan ako sa kanya.

"Gabrielle nga pala, Baka di mo pako kilala I'm Faith" sabi ko sabay ngiti sa kanya, Ngumiti naman siya sakin.

"Gabb nalang feeling ko ang panget pakinggan nang Gabb eh" Sabi nito sabay inom nang tubig, Bigla naman akong nauhaw habang pinapanuod siyang uminom

Patay nasa Classroom pa naman yung bag ko nandun kasi sa loob nun yung Tubig ko :< ayuko naman manghingi kay Gabb kasi di ko pa siya close.

"Gabb at faith! bakit nandiyan kayong dalawa? tara na nga doon tayo kela alice!" sigaw ni Mari saming dalawa at hinila kami nito, anlakas naman niya :<

"Kailan kapa naging malakas Mari?" nakangiting sabi ni Gabb at Biglang inakbayan si Mari, napabitaw naman si Mari sa pagkakahila sakin.

napansin ko naman namula to, Oh no Kay coleen lang dapat siyang mamula wala nang iba, Gumawa kanang paraan Faith.

Agad ko naman hinila papalapit sakin si Mari halata naman nagulat siya sa ginawa ko at tinignan ako nang nagtataka.

"Ganda mo pala sa malapitan hehe" Ngiti ko sa kanya pero nakatingin lang sya sakin.

"Maganda naman talaga si Mari may bago ba doon diba mari?" sabi ni Gabb, napansin ko naman habang hila hila ko si mari namula ito lalo.

Ano ba yan gabb na yan! bakit mabilis niyang napapablush si Mari nang ganun ganun nalang hindi to pwede!

"Bakit antagal nyo naman?" nakatingin sabi samin ni Alice, Pano ba naman aish.

"Bitawan mo ko faith" Iritang sabi sakin ni Mari kaya binitawan ko naman ito kaagad si mari naman parang ansama na nang tingin sakin.

Huhu ako pa may kasalanan? nilalayo ko lang naman siya kay gabb! :<

"Ano nakaisip na kayo nang ipeperform natin?" nakangiting sabi ni gabb, bakit anlakas kasi nang appealed nitong babaeng to >.<

"Ah eh! Girls Balik muna ako nang classroom nauuhaw ako" sabi ko sa kanila, tumingin naman sakin si sela.

"Sige Faith" sabi ni Sela, buti naman kanina pako nauuhaw eh.

agad akong tumakbo papunta sa classroom namin medyo malayo pa naman, okay nadin tumakbo para lalo akong Mas maging sexy lol.

Dahan dahan naman akong pumasok nang classroom napansin ko naman si coleen na naka earphone may pinapakinggan siguro.

Muntik nakong magulat bigla ba naman niyang sinipa yung Upuan sabay Tanggal nang earphone niya, Napatingin naman siya sakin kaya ngumiti nalang ako.

"K-kukunin ko lang yung tubig ko" Medyo na awkward ako bigla.

pumunta naman ako sa upuan ko sabay kinuha yung bag ko, nasa loob kasi yung lalagyan ko nang tubig.

"Si mari ano ginagawa nya ngaun?" napahinto ako sa ginagawa ko nang magsalita si Coleen sa may likodan ko

Dapat ko bang sabihin yung nakita ko? kung pano nag blush si mari? or huwag nalang?

"Uhm Nag susuggest lang siya nang ipeperform namin next week yes tama yun nga" sabi ko nang makita ko naman yung tubig ko dali dali ko itong ininom.

"Sige" maikling sagot niya sabay alis, medyo nakahinga naman ako nang malalim nang umalis na si coleen.

Bakit bigla naman akong kinabahan maybe natatakot akong sabihin Kasi di naman ako sure na may crush si mari kay gabb eh.

Lalabas na sana ko nang classroom nang makita ko yung phone ni Coleen naiwan pa niya nako -___- so ihahatid ko pa sa kanya?

"Ano ba to naiwan pa nun?" bulong ko at kinuha ko yung phone niya at binuksan ito.

wala manlang password? seryoso? wallpaper niya yung picture nila mari, Hinalungkat ko naman yung gallery nito hala patay ako nito pag nakita ako ni Coleen dibale na nga lang.

Andami pic nilang dalawa ni mari sa gallery niya hindi ko maintindihan kay coleen kung bakit ayaw niyang aminin na gusto niya si Mari.

napangiti nalang ako nang makita ko tong isang picture nila, Close na close talaga sila sa isa't isa bagay silang dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

napangiti nalang ako nang makita ko tong isang picture nila, Close na close talaga sila sa isa't isa bagay silang dalawa.

"Ang cute niyong pareho sana maging kayo talaga" nakangiting sabi ko habang Nakatingin sa picture nilang dalawa dito sa phone ni Coleen.





MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now