Luke's POV
First day! Tss Back to school nanaman! Dumeretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. "Good morning my brother!" Pambungad ni Ate Zoe.
"Morning" Nakangiti kong sabi. "Morning Kuya!" Sabi naman ni Chris. "Morning din" Nakangiti ko paring sabi. "Oh mga bata kain na tayo" Pagyaya ni manang.
Pumunta na kami sa dining area at nagsimula ng kumain. "Ate kanina pa umalis sila mom?" Tanong ko kay Ate. "Mmm" Sagot niya. "Dalian niyo na sa pagkain at baka malate kayo".
"Opo." Sagot namin.
Matapos kumain ay sumakay na ako sa kotse at umalis na.
~School~
"Omg! Is that Luke Santos?!"
" Dito siya mag aaral!! "
"Ang gwapo niya!" Bulungan ng mga babae.
Habang naglalakad papunta sa room ay may nakita akong nagkakagulo kaya lumapit ako. May nakita akong babae na basang basa at pinagtatawanan. Nainis ako bigla. "Hey!" Sigaw ko sakanila.
"S-Si Luke"
" Hala! " Bulungan ulit nila.
"Umalis kayo" Sabi ko. At umalis naman sila. Lumapit ako doon sa babae. "Hey stand up" Sabi ko sa babae at tumayo naman siya. "Your soaking wet, may extra uniform kaba?" Tanong ko sakanya. " W-Wala" Nauutal niyang sagot.
"Ikaw!" Sigaw ko sa babae' ng nagtapon sakanya ng juice.
"Y-Yes Luke?". Sagot niya naman.
" May extra uniform ka?! " Ani ko. "M-Meron L-Luke" Nauutal pa na sagot niya sa akin.
"Ibigay mo sa kanya". Utos ko. Nanlaki ang kanyang mga mata. " W-What? ". Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Uulitin ko pa?"
" O-Ok I'll get it in my locker". At dali dali siyang naglakad papunta sa kanyang locker.
Maya maya pa ay dumating na siya habang may dalang paper bag. "E-Eto oh" Inabot niya saakin yung paper bag at binigay ko naman iyon sa babae.
"Change your clothes". Sabi ko doon sa babae. "T-Thank you" Pasalamat niya at umalis na. Derederetso lang akong naglakad na parang walang nangyari.
~Room~
"Bro parang ang pangit ng gising naten ah!" Si Third. "Tch"
.Short break.
"Oorder lang kami Luke ah" Si Coure. "Iorder mo nalang din ako". "Ano sayo?" Tanong niya naman. "Bacon". Maikli kong sagot.
Naghanap ako ng mauupuan at nakakita naman ako. Pero nandoon yung babae kanina, mag isa lang siya kaya lumapit ako at doon na naupo.
"Mind if I sit in?"Tanong ko. Tumingin siya saakin ng may gulat na ekspresyon. " S-Sige upo ka " Nauutal niyang sabi. Base sa physical appearance niya isa siyang 'nerd' kaya siguro siya binubully.
"Luke" Pagpapakilala ko sakanya. "J-Janica" Pagpapakilala din niya. Ngumiti nalang ako at ganun din siya.
"Bro eto na yung inorder mo--what the?" Sabi ni Coure sabay napatingin kay Janica. "Bro bakit dito ka umupo?" Tanong niya. "Can't I? ". I asked back. "Eh nandito si Nerdy eh". Sabay kamot niya sa kanyang batok.
"So? Edi wag mong tingnan". Sabi ko at sinimulan na ang pag kain. "Psh". Singhal nalang nila at naupo nalang din.
"A-Aalis nalang a-ako" Biglang sabi ni Janica. "Tama!". Pag sang ayon ni Coure. "No" Magkasabay naman naming sabi ni Third. "Stay Janica wala ng ibang vacant seats hayaan mo na siya just eat". Wika ni Third. "Kayo! Kumain na nga lang kayo!" Sigaw ko sa dalawa.
YOU ARE READING
Fallen (Ongoing)
RomanceSi Luke, isang sikat na lalaki sa school nila. Kung tawagin nila ay 'heart throb ' Maraming nagkakagusto sakanya na magagandang babae. Pero hindi niya malaman laman kung bakit ayaw niya soon. Sa hindi inaasahang pagtatagpo. Si Janica, hindi kagandah...
