sa bawat letrang ito
nais na kitang kalimutan
kahit ako'y tumingin sa langit
kahit ako man ay pumikit
di ko pa rin maalis sa isip kung bakit
kung bakit nagpapakatanga parin ako
kahit alam kong wala ka nang paki sa buhay ko
akala ko noon mahal mo ko
akala ko noon ako lang ang lalaki sa buhay mo
akala ko di ka mabubuhay ng wala ako
pero lahat nang yun ay isang pagkakamali
mali ang pagpili ko sayo
mali na ikaw ang minahal ko
at ngayon di na kita maalis sa isip ko
gaya ng sakit ng nakaraan na nilisan ko
gusto kong nang makalimot
gusto Kong makalimot
sa mga alaalang kasama ka
gusto Kong makalimot
sa mga panahong tayo'y masaya pa
gusto Kong kalimutan ka
pero paano nga ba?
paano nga ba?
ganito kagulo ang isip ko noon
pero mas lalo mong pinagulo ngayon
dahil nung tayo pa
akala ko ikaw na
akala ko ikaw na ang magbibigkis sa bawat parte ng puso ko na nawasak ng iba
pero akoy mali pala
sana sa mga oras na ito
tama na
tama na ang pagpapanggap mo na akoy mahalaga pa
tama na dahil masakit na
tama na dahil ayoko na
kaya sana sa bawat letrang isinusulat ko
ay tumatak sa isip mo
na tama na
mahal kita pero ayoko na.
YOU ARE READING
Mahal kita pero ayoko na
PoetryPoetry patungkol sa mga nagmamahal ng taong may mahal na iba
