Unang tula
Sanay malaman mong gusto kita
Sanay maramdaman mong mahal kita
Sanay akoy mapansin mo
Sa mga tulang sinisulat ko
Sanay malaman mong ikaw ang pinapatamaan ko
Hanggang patama nalang ba ito
O kailangan konang sabihin saiyo?
Alam kong kaibigan lang ako para sayo
Pero sana naman bigyan mong pansin ito
Sanay sa muli nating pagkikita ay maiintindihan mo na
Maintindihan at malaman mong mahal na mahal kita
Kaibigan mo lang ako
Wala akong karapatang diktahan ang puso mo
Pero kailangan kasi akoy umaasa na akoy magugustuhan mo
Kaibigan mo akong umaasa sa iyong pagmamahal
Pagmamahal sa walang katapusan
Sana malaman mong akoy nandito
Nandito at naghihintay sayo
Pasensya kana diko kaya
Diko kayang kalimuta ko
Hanggang sa muli
Sanay ikaw na ay makapili
Makapipili ka sana ng taong mamahalin kapa ng todo
Gaya ng pagmamahal ko sayo
Pagmamahal na di mo kayang suklian
Dahil ang tingin mo lang sakin ay isang kaibigan
YOU ARE READING
Hanggang sa muli
Poetryito ay tula ng isang babaeng umaasa sa lalakeng gustong gusto niyang makatuluyan pero sandali lang pala ang kasiyahan na kanilang matatamasa. Dahil ang lalaking gusto niya ay may gusto palang iba
