HAILEY VILLANUEVA's POV
I could feel my eyes water as I slowly walked down the aisle, holding my bouquet tightly in my hands, each step bringing me closer to the man I love. I was wearing a peach mermaid gown that had a short train. It was tight
Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa kanya. Nanginig ang buong katawan ko nang marating ko ang dulo.
Ang lapad ng ngiti niya. I could see tears forming at the corners of his eyes. Pinilit kong ngumiti pabalik.
"Caleb..." bulong ko. He opened his mouth to say something, but was cutoff when an usherette led me to the side of the aisle.
Natigil ako sa tapat ng altar. Parang ayaw gumalaw ng paa ko. Binalik ko ang tingin ko kay Caleb at umiling. I silently pleaded to him. I furrowed my brows and deepened my gaze. I knew my tears would fall any second.
Tinignan niya rin ako. And for one moment, I swore I saw his lips curve into a frown. I knew he felt the same way I did. Pero inalis niya ang tingin niya sa akin at hinila na ako ng usherette sa gilid. Nagpatuloy maglakad ang mga tao. I glanced at him one last time to see him quickly wipe his cheek and fake a smile before regaining his posture.
I gripped my dress as my vision started to blur. Itinuro ng usherette ang upuan ko pero hindi ko na pinapansin ang nangyayari sa paligid ko. Siya lang ang naiisip ko. Si Caleb.
I stared into his direction, my chest aching, but the rest of my body felt numb. Hanggang tingin nalang ang magawa ko sa kanya. At nang bumagal ang kanta, lahat kami ay bumaling sa kabilang dulo ng aisle.
Ate Sophia looked radiant in her flawless white gown. Nasa tabi niya sina Mama at Papa. Masayang-masaya sila. The guests were awed as they walked together down the aisle. But the only sound I can hear was the breaking of the fragile pieces of my heart.
Pero ang mas masakit, ay nang sa wakas ay nagkasama na sila ni Caleb. He gave her a peck on the cheek and mouthed, "You look so beautiful."
All I could think of at that moment was, "That should be me. Ako dapat ang ikakasal sa kanya. I should be wearing the white gown. Ako dapat ang kasama ng taong mahal ko."
Pero ganun talaga eh.
Ako ang mahal, pero hindi naman ako ang pinakasalan.
The rest of the ceremony was hazy to me. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang clouded ng isipan ko. Naibalik nalang ako sa katotohanan nang marinig kong sabihin ng officiant na,
"Do you, Sophia Abigail Villanueva, take Caleb Yuan Gutierrez to be your lawfully wedded husband?"
Ang lalim ng tingin ni Ate kay Caleb.
"I do," she said sweetly.
"And do you, Caleb Yuan Gutierrez, take Sophia Abigail Villanueva to be your lawfully wedded wife?"
I felt Caleb's eyes land on me, as if asking permission. I wanted to tell him no, but he beat me to it.
"I do," he said firmly with a straight face.
At iyon na ang mga katagang gumuho sa mundo ko. Wala na. Wala nang pag-asa.
"It is with great honor that I pronounce you husband... and wife. You may kiss the bride."
Hindi ako nagtagal hanggang dulo. Bago ko pa sila makitang maghalikan ay tumakbo ako papalayo sa venue. Malayong-malayo. Malayo sa kasal. Malayo sa pamilya ko. Malayo sa taong mahal ko.
Pero di nagtagal ay narinig kong may sumunod sa akin.
"Hailey! Wait!" boses ni Mama. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. "Bakit ka umalis? Anak naman. Diba nangako ka sa amin ng Papa mo, at sa Ate Sophia mo!"
"I'm sorry po, Ma. Sinubukan ko naman po talaga," nanginginig na sagot ko. Hindi sumagot si Mama at tinignan lang ako.
"Ang sakit-sakit po kasi na makita siya. Mahal ko po talaga si Caleb, Mama. Hindi ko po matanggap na ikinasal na siya sa iba." Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Humikbi ako habang pilit na pinupunasan ang pisngi ko.
"Sorry po talaga, Ma. I promise, aayusin ko po ang sarili ko. I just need some time alone. But I'll be back for the reception po." I didn't wait for her response. I left her there and continued to run.
Dinala ako ng mga paa ko sa parking lot ng resort na tinutuluyan namin kaya dumiretso ako sa kotse ko. Immediately after closing the door, I buried my face in my hands and wailed.
I sobbed. I cried hard. Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko sa pagkakataong iyon. Hinayaan ko ang sarili kong ilabas ang sakit na matagal ko nang itinatago. Ngayon ko lang hindi kinayang pigilan ang sarili ko. I've always tried to show my best attitude, pretending I'm okay.
But just this once, I wanted to flush the pain out of my system. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na matagal kong tiniis.
So I started the engine and my Lamborghini roared to life. Sabi ko kay Mama, babalik pa ako noong gabing iyon. Pero hindi ko na iyon nagawa.
