Boarding House

13 2 0
                                        

"Boarding House"

Si Sandy ay isang student sa Delgra State University at dahil malayo ang bahay nila sa pinag-aaralan niya, naisipan ng mga magulang niya na rentahan na lang siya ng Boarding house malapit sa University niya para hindi na siya mahihirapan pa sa pag-uwi dahil ang oras ng klase niya ay ala siyete ng umaga hanggang sa ala sais ng gabi.

"Okay ka lang ba sa boarding house na ito, anak?" Tanong sa kanya ng Mama niya.

"Yes ma, ang ganda nga at may kasama pa akong matutulog dito."

"Sigurado ka anak ha, pasensya na at ito lang ang boarding house mo dahil hindi kaya sa budget namin ng papa mo ang isang boarding house na nasa tapat,." Tiningnan ni Sandy ang boarding na katapat nito, sobrang ganda nito at private kaya walang i-istorbo sayo 'dun kapag natutulog ka, 'di tulad dito na sa isang kwarto ay may tatlong kama. "At mas mabuti na rin dito kasi wala ka ng babayarang kuryente at tubig kasi yung 500 mo kada-buwan ay para na 'yun sa lahat." Dagdag niya.

"Okay lang ma, ang ipinunta ko lang naman dito ay pag-aaral at tsaka ang ganda kaya dito." Nakangiti niyang sagot dito.

"Sige na anak, mauna na kami sayo ng papa mo dahil malayo-layo pa ang magiging biyahe namin pauwi sa atin."

"Sige ma, salamat sa paghatid." At nagyakapan silang dalawa.

"Uuwi ka kapag summer ha, papadalhan na lang kita ng pera para sa allowance mo."

"Kahit wag na ma, maghahanap na lang ako ng part time job."

"Wag mong pagurin ang sarili mo dito anak ha."

"Ikaw rin ma, wag mong pagurin ang sarili mo 'dun sa atin at yung gamot mo, wag mo 'yung kalimutang inumin." Paalala ni Sandy sa mama niya.

"Sige na anak, mauna na kami."

"Ingat sa pag-uwi ma." At umalis na nga ang mama at papa niya.

"Hi!" Nakangiting bati sa kaniya ng isang babaeng nerd na makakasama niya sa kwarto.

"Hello, matagal ka na dito?" Bati rin nito sa kaniya.

"Hmmm.. Mag to-two years na ako ako dito, anong pangalan mo?"

"Sandy." Sabay abot niya sa kamay dito.

"I am Giselle, Nice meeting you."

"Nice meeting you too."

"Tara, tulungan kitang ayusin ang gamit mo," Alok ni giselle dito kaya nginitian na lang niya ito. "Bakit mo naisipan na dito mag-aral?" Napatigil si sandy sa ginagawa niya at tiningnan si giselle na tumulong sa kaniyang ayusin ang gamit niya.

"Nandito kasi ang course ko at balita ko sa Delgra State University lang ang may scholar, kaya naisipan ko na dito na lang ako." Sagot niya dito.

"Ganon ba, dun rin ako nag-aaral, sabay na tayong papasok ha? Wala kasing gustong makipag kaibigan sa akin kasi nerd 'daw ako at kahit nga kasabay dito sa kwarto ay walang may gusto."

"Wag ka ng malungkot nandito naman ako na handang makipagkaibigan sayo at okay lang naman na tayong dalawa lang dito, mas maganda pa nga 'yun."

"Thank you, sana katulad rin sayo ang ibang tao." Nginitian lang niya ito.

"Bukas na ang simula ng pasukan, nakabili ka na ba ng requirements mo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Meron na ako, kanina pa lang rin pinadala sa'kin ng mga magulang ko."

"Anong oras na nga pala?" Tanong ni sandy sa kaniya dahil nakalimutan niyang dalhin ang relos niya na nasa bahay nila at hindi ito nadala.

"Mag si-six pm na."

Boarding HouseStories to obsess over. Discover now