"Yapchengco, you only have one chance to prove yourself. Last mid-terms exam and if you can't put a flat 2 below, sorry you'll be kicked in the varsity." paliwanag ni Coach sa'kin. Um-okay nalang ako pero disappointed talaga ako.
Habang naglalakad na ako papunta sa kotse halata sa sarili ko na dismayado talaga ako sa nadinig ko. My Dad would definitely be disappointed pero okay lang wala naman silang pake eh. It's a time for stress shopping. Agad akong nagtungo sa Rockwell. Nagbabalak din akong bumili ng bagong running shoes, so agad akong pumasok sa Nike. Sobrang bagsak ng balikat ko promise.
"Good day, Ma--" naputol si Kuya sa pagaalok. "Joke lang Ma'am, mukhang di Good." aniya. Kita mo pati si kuya napansin. Ewan ko ba.
Kinuha ko nalang yung pinakatipo ko na sapatos tapos sinabi ko size ko. Agad din namang kumuha si kuya ng size ko. Habang nagsusukat ako, kinakausap ako ni kuya.
"Ma'am, alam niyo po ang buhay eh talagang ganyan. Minsan asa taas, minsan asa baba." aniya na akala mo Pastor magturo. Infairness naman at may looks din si kuya. Hindi ako gano attentive pero ayos na kasi may mga naabsorb naman yung utak ko sa sinasabi niya.
"Kukunin ko na, Kuya." ani ko
Dumiretso na ako sa counter para magbayad. Pauwi na ako sa condo. Agad akong humiga at nagpahinga. Binuksan ko ang kahon ng sapatos, isesend ko ke Kuya yung binili ko. May nakita akong calling card papel sa loob. "Sixto Ongpanco. 0928*******. Ma'am tawag/txt lang po kayo pag nalulungkot kayo. Handa po ako makinig." This ain't creep pero fudge??! Di ko muna inintindi si kuyang asa Nike Store.
Humilata ako at natulog. Dadaan ang weekends ngayon, sa Lunes naman maguumpisa na ang Last Term kelangan ko talagang bumawi, kaya lang naman ako distracted dahil broken ako. Oo t angina kasi ng mga manloloko e. Anyways, ayoko pagusapan.
Saturday ngayon at pupunta si Kuya sa bahay kasi alam niyang iiyak ako sa kanya. Nagiyak lang uli kasi ganon naman lagi eh. Nabugbog naman na ni kuya pero hindi mawawala yung sakit na nangyari. Pag alis ni kuya, nagayos ako agad. My friend, Kiera, chatted me if I can go with her sa bagong open na bar ng boyfriend niya well it's some time to be wasted.
Pagpasok palang namin ng bar ay alam ko ng madaming wasted na agad. It's the first bar here in Calsioa na mej tago kaya dinadayo pa sa ngayon. It's just an experiment business kaya si Prinxe ang nagmamanage.
Nung mga una ay sinasamahan ako ni Kiera sa lounge pero kalauna'y nawala din. May mga kasama naman na ang mga kaibigan kong lalaki dito. Varisty players eh. Guess what andito rin si Jeff. My ex, kasama yung fling niya. Umiwas na ako at umupo sa bar table.
"Yes Ma'am how could I help you?" ani ng Bartender.
"Vodka." agad naman atang rumehistro sa Bar Tender iyon. Hindi ako nagabalang tignan ang lalaki. Nakatingin ako sa ex ko. You pæsant assh0l3! I feel a little bit dizzy now, nakailang vodka na din ako, pinipigilan na din ako nung bar tender but I refuses.
"Hahaha t angina kasi niyang Jeff na yan eh! Manlolo a mpo ta akala mo naman sinong gwapo, sikat lang siya t angina! Ako minahal ko siya pero niloko niya pa din ako! Hahaha t angina talaga!"
"Nako, Ma'am eh hindi niyo po deserve yan!" aniya "Kaya Ma'am, tigil na po sa paginom at baka di kayo makauwi." pero I didn't listen. I wanna go punch him hard that Jeff!!!
Nagising nalang ako ng sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung asan ako, alam kong wala ako sa condo kasi puti ang dingding. Okay, kalma. Nakakumot ako, agad kong tinignan kung nakadamit pa ako. Nakahinga ako ng maayos nung nakita kong yun pa din damit ko. Tinignan ko ang taong asa gilid ko. Napasapo na lang ako sa noo. "F uck!!!"
"Aah, ingaay." aniya na nagkamot ng ulo. Nanlalaki pa din mata ko. Siya yung lalaki sa Nike Store. Tinignan ko siya ng may takot at pangamba.
"Uy gising kana pala." aniya na kalmado pa. "Kung iniisip mo na may ginawa ako sayo, wala okay? Lasing na lasing ka kagabi & wala ka atang kasama. Kaya inuwi muna kita mukhang hindi ka kasi makakauwi ng oras na yon." kwento niya
Nakahinga naman ako ng maluwag. Thank God. Tinawanan niya naman ako sa pagbuntong hininga ko.
"Tara na sa baba at ng makakain tayo." yaya niya. Nahihiya naman ako kaya nagsalita na ako.
"Uhm, ano, Sixto?" lumingon naman siya.
"Po?" sagot niya
"Nakakahiya kasi. Uuwi nalang ako." sabi ko
"Nako. Wala naman po ang tatay ko at kapatid ko kaya okay lang yan. Atsaka isa pa, mahirap umuwi ng gutom at masakit ulo." nakangiti niyang sabi
Habang nagluluto siya ay halos nagiinterview na din siya, "Ano po bang pangalan niyo?" tanong niya.
"Kryzelle Yapchengo." tanging tugon ko.
"Sabi na e kapatid mo si Kiefer Yapchengo. Yung magaling magbasketball?" aniya
"Oo. Ilang taon kana ba? Nagaaral kapa?" tanong ko.
"20. Oo naman hahaha. Nagtatrabaho ako kasi hindi naman kami mayaman para tustusan ng tatay ko ang pagaaral namin. Ako din sumasagot sa pagaaral ng kapatid ko." aniya. Nalungkot ako bigla.
"Ahh kaya pala asa Nike ka." sagot ko. Tumawa naman siya.
"20 ka din ba?" aniya. Tumango lang ako bilang sagot. "Nakuha mo yung card? Para ka kasing binagsakan ng langit at lupa kaya binigyan kita non." sabi niya.
"Oo. Nasa condo pa nga eh." sagot ko at tumawa nanaman siya.
"Sorry ah. Inuwi pa kita dito, di ko naman kasi alam san ka nakatira eh." aniya habang naghahain na.
"Okay lang yon, buti nga ikaw pa naguwi sakin, mamaya masamang loob pa." tugon ko.
"Halina't kumain na tayo." aniya sakin.
Pagtapos namin kumain ay tinulungan ko na siya maghugas kahit ayaw niya. Marunong naman ako sa gawaing bahay. Pagkatapos non sabi niya ihahatid niya daw ako sabi ko eh wag na't baka abala pa ako sa kanya, buti nga't tinulungan niya ako. Pero naginsist siya kaya sumama siya hanggang condo.
"Ang yaman mo pala, hane?" sabi niya.
"Hindi ah! Gaga ka." sagot ko. Nagpadeliver lang din ako para sa dessert namin nakakahiya naman kung di ko siya papakainin eh buti nga safe ako kagabi. Pinagusapan lang namin kung pano siya napunta sa Bar ni Prinxe sabi niya proxy daw siya dun sa kaibigan niya. Pagkatapos non, ako na mismo naghatid sa kanya at nagpasalamat.
I never thought na meron pa palang mababait na kagaya ni Sixto. Pero pu tang in erz padin ni Jeff.
