This is their daily routine, si Quen ang mauunang gumamit ng banyo sa umaga, si Mara naman ang mauuna sa gabi. Habang nasa shower si Mara nagbibihis naman si Quen sa kuwarto nila. Nagbibihis naman si Mara habang inaayos ni Quen ang beddings niya. Si Quen ang unang umaalis ng bahay sa umaga, si Mara naman ang huli at siyang maglalock ng gate.
Bago umalis si Quen ng monday morning, tinanong muna nito si Mara, "What time will you get home?"
"Mga two thirty."
"Mga three thirty naman ako, kung mahihintay mo ako pwede kitang samahan mag grocery mamaya."
Nasorpresa si Mara sa sinabi ni Quen, hindi siya nag expect nang ganito, yung mag lalaan ng oras ang lalaki para lang samahan siya kung saan. Nakatayo ngayon si Quen sa tapat ng pinto habang siya naman ay nasa itaas ng hagdanan.
"By the way, here is your license, pinadala kahapon ni Dad."
Bumaba naman si Mara para abutin ang lisensya niya "Salamat" sabi nito.
Hinawakan na ni Quen ang doorknob, nginitian siya at saka nagpaalam
"Well, have a good day."
"Ikaw rin, ingat." sagot nman ni Mara
Nakaalis na si Quen pero nakatingin pa rin si Mara sa pinto, naaalala niya ang napakaguwapong si Quen at ang pag ngiti nito sa kanya bago umalis. Biglang sumagi sa isip niya ang itsura ng tatay niya tuwing umaga, nagkakamot ng tiyan at sumisigaw, hinahanap ang nanay niya dahil magpapatmipla ng kape.
Hanggang sa pagbibiyahe niya papuntang university ay hindi maalis sa isip niya si Quen.
................
It was an odd place to begin falling in love, hindi namalayan ni Mara pero dito na niya naramdaman na nag-uumpisa na siyang mahulog kay Quen. Saan nga ba nag-umpisa? Sa gitna ng supermarket! Hindi pa rin kasi makapaniwala si Mara na sasamahan siya ni Quen dito. Pati ang mga harutang pinag-gagawa nila sa supermarket ay hindi mapaniwalaan ni Mara na kaya rin niya palang gawin, nag-umpisa lang ito sa pag cocompare nila ni Quen ng mga bagay na gusto nila.
"Do you like fruit?" tanong ni Quen
"Oo, gusto ko ng oranges o kaya ponkan."
"Kung ganon, we will buy ponkan and oranges!" ang madamdaming pagsasabi ni Quen sabay kuha ng isang supot ng orange at isang supot ng ponkan.
"Teka, tingnan mo kaya muna yung presyo, baka mahal yan."
"Bakit pa? it looks good!"
"Natural maganda yan, kinuha mo yung pinakamahal eh" habang tinitingnan yung price sa supot.
Papalitan sana niya ng mas mura pero kinontra siya ni Quen. Iwinagayway nito ang hintuturo kay Mara
"Tut-tut! Hindi problema ang price pag food ang pinag-uusapan." sabi ni Quen sa kanya, kaya walang nagawa si Mara kundi ibalik ang supot ng orange sa cart.
Pagtapat nila sa mga palaman, kumuha si Mara ng margarine.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong ni Quen
"Ano ba sa tingin mo? Pang hot-oil ng buhok ko?" si Mara
"Hindi ako kumakain niyan eh" ngumiti si Quen sa kanya at kinuha ang margarine, "Gusto ko butter" saka ibinalik ang margarine sa lalagyan, at kumuha ng butter, nilagay sa cart.
