Chapter 1

2 0 0
                                    

Kian

Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw. Tiningnan ko ang orasan at dali dali kung inayos ang aking kama dahil malapit na palang mag alas 7 ng umaga.

Bumaba ako at bumungad sakin ang napakagandang ngiti ng aking ina.

"Kumain na tayo anak". Sabi niya habang inaayos ang mga pinggan sa lamesa.

"Sige po, ma". Naghugas ako ng kamay at pagtapos ay umupo na.

Nakaupo na rin sa lamesa ang aking ama na tinalo pa ang angking ka kisigan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Katabi naman niya ang aking nakatatandang kapatid na lalaki na di maipagkakailang gwapo din.

"Ma, pa, kuya, papasok na po ako". Paalam ko sa kanila pagkatapos kung kumain.

Masigla akong naglakad papuntang skwela dahil makikita ko na naman ang aking pinakamatalik na kaibigan na si Diana. Simula pagkabata ay kami na talagang dalawa ang parating magkasama. Madalad nga kaning napagkakamalan bilang magkapatid dahil na rin siguro parehas kaming may angking kagandahan.

Habang naglalakad ay may nakita akong isang maliit na pusa na kulay itim. Unang beses ko palang makakita ng pusa na ganun ng kulay kaya agad ko iyong sinundan.

Takbo lakad ang ginawa ko para masundan ang pusa. Hindi ko na namalayan na wala na pala ako sa lugar namin. Nilibut ng aking mata ang paligid at ang tangibg nakikita ko lang mga guhong gusali, mga payat na mga hayop na parang konti nalang ay mamamatay na, at isang matinding kadiliman.

Tumakbo ako papalayo sa takot ng biglang may na banga akong isang lalaki. Sira-sira ang damit, walang sapin sa paa at may walang kabuhay buhay na mga mata.

"Sorry, hindi ko sinasadya" panghihingi ko ng paumanhin kabang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata

"Ayos lang. Mauna na ako". Sagot niya ng walang ka emoemosyon.

Hindi ko alam kung bakit pero pero bigla ko siyang hinawakan sa kamay upang pigalan siya sa pagalis. Gusto kung makipagkaibigan sa kanya.

"Hi. Ako nga pala si Kian. Ikaw, anong pangalan mo?"

Tinitigan niya lang ako saglit at kinalas ang kamay niya mula sa aking pagkakahawak. Umalis siya ng di man lang nagpakilala.

Kahit na naguguluhan at di alam ang daan pabalik ay nagawa ko pa ring makauwi sa bahay.

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na yun. Sa lugar kung nasan ang misteryosong lalaki na yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Upside DownWhere stories live. Discover now