Tiningnan ko iyong babaeng pormal na nakaupo at nakatingin sa professor. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari, nasa professor lang ang buong atensyon niya.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. At pumunta sa harapan.

"Pwede ba?" tanong ko sa babae.

I took her silence as yes. Umupo ako sa tabi niya at pinanuod ang iba pa naming classmates na nakayuko sa mga upuan nila.

Sa inis siguro ni Mrs. Tyson ay nagsimula na siyang magtawag ng pangalan para paupuin sa unang row kaya walang nagawa ang mga natawag kundi umupo sa harapan.

"Christopher! Sa gitna ka para mabantayan ko ang pagtulog mo," inis na sabi ni Mrs. Tyson.

Tumawa kaming lahat, well, except kay Ms. Formal.

"Introduce yourselves one by one in front," sabi ni Mrs. Tyson habang nakaupo sa isang chair sa harapan.

Napailing na lang ako, mukhang tinamad na naman si Mrs. Tyson. Alam naman niyang halos magkakaklase naman kaming lahat last sem pero gusto pa niyang may introduction.

Itinigil ko ang pagsusumbat ko sa isip nang tinuro ni Ma'am ang babaeng nasa tabi ko na kanina pang tahimik.

Tuwid na tumayo ang babae sa harapan at hinintay na tuluyang tumigil ang iba naming kaklse sa pagrereklamo bago siya magsimulang magsalita.

"I'm Renia Rose Mapagpigil," sabi ng magandang babae sa kalmadong boses.

Nagtawanan ang mga kaklase namin at hindi ko alam kung bakit. Iyon ba dahil sa Mapagpigil ang last name niya? Wala akong nakikitang nakakatawa doon. I found her name unique, especially Renia.

"I beg some respect from all of you. There is nothing funnier than those immature creatures who laugh over the names of other people. Such a disappointing attitude, knowing you are studying in a Catholic school," sabi ni Renia. Wala kang maririnig na inis sa boses nito. Napakalmado ng boses niya. Ito ang dahilan kung bakit lahat kami ay natahimik.

Pinanuod lang namin siya habang naglalakad, akala namin ay lalabas na siya ng room pero hindi. Pormal siyang umupo sa upuan niya sa tabi ko na parang walang nangyari.

"Hello, Renia," nakangiting bati ko sa kanya pero hindi naman niya ako tiningnan. Medyo suplada.

"Anong gusto mong itawag ko sayo? Renia or Rose?" tanong ko ulit, this time umaasa na talaga akong may makukuha akong sagot mula sa kanya.

Bahagya niyang ginalaw ang kanyang ulo pero hindi pa rin niya tinitingnan ang kagwapuhan ko.

"Can't you hear Mrs. Tyson calling you?"

Ewan ko ba pero napangiti ako sa sinabi niya. Wala namanh dapat ikangiti pero bigla na lang akong ngumingiti. Iyon kasi ang pinakamahabang sinabi niya sa akin.

"Jethro David!" tinawag akong muli ni Mrs. Tyson na may kasama pang limang minutong reklamo at story telling. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang niyang naikwento ang flag ceremony niya nung elementary pa ito.

Inis na inis akong tumayo. Pwede naman kasing si Renia na lang ang magpakilala dahil siya lang naman ang bagong lipat sa section pero talagang dinadamay kaming lahat sa katamaran niya. May dahilan ako kung bakit ganito ako kabadtrip sa prof na 'to.

"Jethro David," sabi ko lang pero dahil mainit talaga ang dugo sa akin ni Mrs. Tyson ay napagalitan pa ako kung bakit ganon daw ako nagpakilala. Kaya nagtanong siya na naaasar na sinagot ko naman.

Pagkabalik ko sa upuan ay sinasagot ko na ang nakakainis na professor na iyon sa isipan ko. Sa dinami dami ng pwedeng maging prof, bakit siya na naman?!

"Why don't you tell her that?"

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Renia. Kinausap ba niya ako? Wala sa sariling lumingon ako sa kaliwa ko. Baka iyong isa kong katabi. Pero walang tao doon sa upuan dahil nagpapakilala iyong tao sa harapan.

"Huh?" tanong ko. Paano ba magreact? Bakit ang alam ko lang ay kinausap niya ako pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang sinabi niya?

Hindi siya sumagot at nanatili lang ang tingin sa white board.

"Renia," tawag ko. "You're saying  something?"

Nilingon niya ako at nahigit ko ang hininga ko nang mataman niya akong tiningnan sa mata.

Binabasa ba niya ako? Isa ba itong alien na nakakabasa ng isip ng tao? Ganito ba talaga kaganda ang mga alien? Wow! I would consider living in their planet to see more beautiful aliens like her.

Inalis na niya ang tingin sa akin at muling humarap sa whiteboard. Pero muli siyang nagsalita pero ngayon malinaw na malinaw na ang pagkarinig ko sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya.

"I am not an alien."

I was shocked. Hindi ko alam kung ilang minuto bago ako nakarecover. What was that?

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Where stories live. Discover now